Press Release November 17, 2011 STATEMENT OF SENATOR TG GUINGONA ON ISSUE OF SC TRO Nalulungkot ako kasi hindi man lang napakinggan ang panig ng gobyerno bago inilabas ng Korte Suprema ang TRO at pinayagang makaalis si GMA. Nag-apply ng TRO si GMA kasi kailangan daw niyang makaalis agad sapagkat ang medical condition niya ay urgent at life-threatening. Ngunit, base sa mga dokumento na isinumite sa Korte Suprema, mukhang hindi naman talaga urgent at life-threatening ang kanyang kundisyon.
So hindi urgent at life-threatening. Kung ganun pala, dapat pinakinggan muna ng Korte ang panig ng gobyerno. Pero ang nangyari, pinayagan agad nila na makaalis si GMA. The Court should have balanced the right to travel and the right of the Filipino people to be assured that justice is served. Malinaw na hindi urgent at life-threatening ang kundisyon ni GMA, ngunit minadali pa rin ang desisyon at hindi na pinakinggan ang gobyerno. Sana hindi naging padalos-dalos, at sana nag-ingat sa pagpasya ang korte bago naglabas ng desisyon. Sabi ni GMA, babalik naman daw siya. Paniniwalaan ba natin ito? Tandaan natin, sinabi niya noong 2003 na hindi na siya tatakbo. Pero tumakbo pa rin. Sinabi nya rin na hindi siya nandaya. Pero nag "I am sorry". Ngayon, kung makakaalis siya, nakatakbo na naman. Sorry na lang ba tayo? |
Wednesday, March 27
Tuesday, March 26
|