Press Release
November 21, 2011

Transcript: Ambush Interview with Senator Antonio "Sonny" F. Trillanes IV
With Florante Rosales and a separate interview with Boyet Jadulco

On CGMA's detention and mug shots

Florante Rosales: Pwede bang pigilan 'yung paglabas ng mug shots? Kasi sabi ng abugado 'wag nang ilabas 'yung mug shots niya. Bilang former detainee anong reaksyon n'yo?

SAFT: Sa akin kasi 'di na gaanong isyu 'yang mga mug shots na 'yan. Ang importante na-hold natin siya dito sa Pilipinas at na-obliga natin silang humarap personally dito sa mga kasong isinampa sa kanila. 'Yun ang mga importanteng isyu. All these peripheral issues about the mug shots, kung saan siya ide-detain eh secondary na lang.

Florante Rosales: Sir, 'yung isyu 'dun sa composition ng DOJ-COMELEC panel, kinukwestiyon ng kampo niya dahil unconstitutional daw po na magsama ang isang executive branch na DOJ at COMELEC na isang constitutional body?

SAFT: Alam niyo instinct 'yan ng mga akusado, ng mga abugado, to resort to all legal remedies to basically get them out of the situation they're in. Pero ang sabi ko nga, ano ba? Nandaya ba siya o hindi? Eh 'yang mga technicalities na 'yan, bahala na ang abugado diyan.

Florante Rosales: 'Yung usapin na nalabag daw po ang kaniyang mga rights and due process daw po dahil minadali ng korte, ng lower court na mag-issue ng arrest order?

SAFT: Once again, it's a legal issue. Let the lawyers tackle that. Alam niyo naman ang mga abugado, marami 'yang mga opinyon, kaniya-kaniyang opinyon 'yan. Sa'tin dito, ako I'm happy na nandiyan sila, masagot at maharap nila 'yung mga akusasyon laban sa kanila.

Florante Rosales: Last na lang, house arrest o hospital arrest?

SAFT: Either way, sabi ko nga, kahit na ano. I'm not really after that. 'Yun nga sa akin, ang importante, hindi nakatakas. #

Separate Interview:

Boyet Jadulco: Kay GMA, okay lang na house arrest?

SAFT: Sa akin, okay lang doon i-detain as long as harapin niya personally 'yung kasong isinampa sa kaniya.

Boyet Jadulco: Pa'no kung umabot sa house arrest?

SAFT: Okay lang. Kahit saan, walang problema sa akin. Kung baga, importante maging accountable siya sa mga tao. Detention 'yan ah, iba 'yung 'pag nasintensyahan siya.

Boyet Jadulco: 'Pag na-ano na (nasintensyahan)?

SAFT: Dapat patas-patas.

News Latest News Feed