Press Release
December 6, 2011

Transcript of ambush interview with Sen. Drilon

Q: Sir, 'yung survey, mataas pa rin 'yung rating ni PNoy, what does that show?

Drilon: That shows that he has the support of the people, he has the people's trust. Pinagkakatiwalaan po ng taong bayan ang pumununo ni Presidente Noynoy. Sa mga reporma niyang ginagawa, yan po ay kitang-kita na suportado siya ng taong bayan. Dapat naman siguro ay makita ito ng iba pang mga ahensya ng pamalaan na hanggang ngayon ay kine-kwestiyon ang sinseridad ng Pangulo at ang mga ginagawa niyang reporma sa sambayanan.

Q: Sir, sa mga nangyari kahapon with Corona, a sabi ng mga iba pumangit daw ang image ni President?

Drilon: Ayon sa mga survey, hindi naman daw pumangit, lalong tumibay ang suporta. So, sa tingin ng mga taong bayan, tama ang ginagawa ng pangulo natin. Hindi nakakaapekto sa kanyang suporta. Maliwanag 'yan sa mga instant survey na ginagawa ng mga media. Nakikita natin na walungpung por siento ang pumapanig at sumusuporta kay Presidente Noynoy.

What is wrong about criticizing the Supreme Court? Ang mga mahistrado ay public officials at ang kanilang decision ay pwedeng batikusin. Sa aming mga abugado na pag hindi ka ayon sa decision ng Korte Suprema ay pwede mo ng batikusin. The Supreme Court is not exempted from criticism and its decisions have been criticized in the past.

News Latest News Feed