Press Release
December 14, 2011

Transcript of DWIZ Interview with Sen. Franklin Drilon

Q: Sir, hihingin po namin ang inyong reaksyon lalo na at nabanggit ang Liberal Party. Any reaction dahil mukhang palaban ang naging statement nitong si Chief Justice Renato Corona at sabi niya ay mukhang ang may control sa pag-ipit sa kanya ay ang Liberal Party?

Sen. Franklin Drilon: Sa akin, gusto man or ayaw ng Chief Justice, ang kanyang posisyon ay pinakamataas na hukom sa ating bansa. My advice is hold down. Do not sound like a politician. Naiintindihan ko na nasaktan siya ngunit dito sa impeachment court dapat siya sumagot. He must act with dignity and must protect the image of the office of the Chief Justice.

Q: Inakusahan po ang Aquino administration na parang nagkakaroon na ng dictatorship under the leadership of the Aquino Administration.

FMD: Kalokohan yan. Walang ganun. Ang pangulo natin ang lumaban sa katiwalian sa nakaraang administration at patuloy ang laban sa katiwalian. Kailangan magkaroon ng closure ang kaso ni Gloria Macapagal Arroyo. Mahirap man 'tong mga repormang kanyang pinapatupad, it will take a little time and we are going through the process.

Q: Handa po ba kayong sagutin punto por punto itong mga allegations sa kanya sa impeachment trial.

FMD: Tama yan. Kailangan sagutin yan dahil yun naman ang karapat-dapat.

Q: Pero sir, and intention ba ng statement ni CJ Corona ay kumuha ng suporta sa publiko?

FMD: I do not want to attribute any motive. Kami po ay maghihintay ng paglilitis sa Senado.

Q: Hindi ba nakakaalarma na baka may magsamantala dito sa ganitong confrontation ng Judiciary at Executive?

FMD: Well, walang exaggeration yan and we are confident that our democracy remains.

News Latest News Feed