Press Release
December 14, 2011

Transcript of DZBB Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

On the Impeachment of Chief Justice Renato Corona

SP: Natanggap na namin ang inyong Articles of Impeachment at ang inyong mga abogado ay tatanggapin namin sa mga ganitong petsa, ganitong oras at doon sa aming tanggapan, ang mga abogado ng Kamara. Tapos, mamayang hapon, magse-session muna kami at tatapusin namin ang mga legislative matters pagkatapos noon ay ita-take up namin 'yung Articles of Impeachment. Bago namin ita-take up 'yon, manunumpa ako bilang Hukom at pasusumpain ko naman ang mga kasama kong Senador bilang mga Hukom din kaya at that point, convened na kami as an Impeachment Court. Pagkatapos namin na manumpa, bibigyan namin ng order ang Secretariat na magpadala ng summons sa nauukol na opisyal doon sa impeachment. Sasabihin namin na sa ganitong araw dapat sagutin ninyo itong paratang sa inyo at binibigyan siya ng sampung araw, non-extendible, to answer. Pagdating ng kanyang answer, papadalan naman namin ng abiso ang Kamara at sasabihin namin sa kanila, sa kanilang abogado, na sasagutin ninyo ito sa loob ng non-extendible five days. Pagkatapos noon ay ise-set na namin ang date ng hearing.

Q: Mr. Senate President, hindi sa nangunguna kami o nampe-pressure kami ika nga para lang malaman lang ng mga nakikinig sa atin at nanonood, sa tantiya niyo, gaano katagal bago mag-umpisa 'yung hearing proper?

SP: Palagay ko, ito ay mangyayari around the end of January.

Q: Hinihingi po ba sa proseso o requirement po 'yung nililitis? Makakakita po ba ang taong-bayan ng eksena na ang Punong Mahistrado, si Chief Justice Renato Corona, na ini-impeach ay personal na pahaharapin sa inyo?

SP: Alam mo, noong impeachment ni Erap, he appeared through counsel.

Q: Hindi kinakailangang personal?

SP: Nasa kanya 'yon kung gusto niya humarap ng personal. Palagay ko, bilang isang abogado, si Chief Justice Corona will appear in person.

Q: Gaano katagal sa tingin ninyo tatagal ang proseso? 'Yung kay Erap, hindi natapos 'yun...

SP: Hindi natapos dahil nag-walkout ang mga abogado. Dito hindi ko papayagan na magwa-walkout ang mga abogado. May power of contempt ang Senado. Pwede naming isara ang pintuan at arestuhin ang mga abogado na magwa-walkout. 'Yun ang hindi ginawa ni Davide.

Q: Ibig sabihin, noong nangyari ang walkout na 'yun, may kapangyarihan ang Impeachment Court...

SP: Si Davide natakot...

Q: May kapangyarihan pala kayong mag-cite in contempt ng kung sino mang magwa-walkout?

SP: Mayroon. Hindi pwede 'yung disorderly behavior sa mga hearing namin.

Q: Mr. Senate President, sa tingin ninyo, gaano katagal tatagal ito para makausad tayo pare-pareho?

SP: Alam mo, hindi namin kontrolado 'yung time. Nasa mga abogado 'yun dahil we must give them due process. Bibigyan namin sila ng fair trial pero hindi namin papayagan ang dilatory tactics.

Q: Mr. Senate President, para sa inyo, ano ba ang Constitutional crisis at mayroon ba tayo nito ngayon?

SP: Alam mo, wala tayong Constitutional crisis ngayon pero dapat tayong lahat, pati kayo sa media, kami sa gobyerno at ang mga taong-bayan, we must be very cautious and very careful in handling this case sapagkat baka magkaroon ng repercussion sa imahe ng ating bansa dahil ang nanood sa atin ay hindi lang kapwa Filipino kung hindi ang buong mundo. Ngayon, hindi ko alam kung ano ang sinasabi nilang Constitutional crisis. Kung mag-stoppage ang mga Hukom natin kagaya ng nabasa ko kaninang umaga, hindi mo naman mapipigil sila. 'Yun ang problema. Walang makakapalit sa kanila.

Q: Senate President, pagkatapos niyo pong manumpa mamaya as a judge sa Impeachment Court, pagbabawal niyo na ba sa mga member ng Senado ang magsalita sa isyung ito?

SP: Nasa Rules namin 'yon. Nasa kanila 'yon pero we must maintain political neutrality.

Q: Mr. Senate President, di ba sabi nila, kahit sino mang i-impeach, political process po 'yan? Tama ba 'yon?

SP: May aspeto na political process at it is also judicial kaya kami nanunumpa na magiging hukom sapagkat hindi namin gagamitin 'yung sumpa namin bilang senador sapagkat ang aming trabaho rito is to render justice, not to legislate.

Q: Paano po ang trabaho niyo bilang mambabatas?

SP: Ibu-budget namin ang aming time. Ang aming magiging legislative session ay sa umaga. Pagkatapos, alas-2 ng hapon, magkakaroon ng hearing every day ng Monday, Tuesday, Wednesday at Thursday.

Q: Ang sinasabi niyo sa amin Mr. Senate President hindi maaapektuhan, hindi babagal ang trabaho ninyo sa paggawa ng mga batas kahit na may Impeachment?

SP: Pagsisikapan namin na hindi maapektuhan. Alam mo, depende sa mga batas na tatalakayin namin. 24 oras lang ang mayroon sa isang araw at hindi naman kami superman. Kailangan ding magpahinga kami so, ibu-budget namin ang time namin para maharap namin ang mga obligasyon ito. Hindi naman namin gustong mangyari 'yan pero nandiyan 'yan, pangangatawanan namin.

Q: Mas pabor kay Senate President ang schedule na 'yan kasi hindi na mapag-uusapan ang RH Bill.

SP: Hindi. Pag-uusapan namin 'yun.

Q: Kasi po, ang communication ni Pangulong Noynoy sa mga taga-Kamara ay bukas, kapag mayroong tawag po ang Malacañang sa inyo, Mr. Senate President, paano niyo po ita-trato ito?

SP: Pwede akong tawagan ng Presidente at kung gusto niyang makipagpulong sa amin, kami ay coordinate department sa lahat. Sinasabi ng Saligang Batas, kayong three branches of government, Ehekutibo, Lehislatibo at Hudisyal ay separate, co-equal and independent from one another but coordinated. Mayroon kayong cooperation. Ngayon, palagay ko naman ang Presidente, alam niya ang Rules ng Senado. Kung tatawagin kami hindi naman pwedeng, "Mga kaibigan, kailangan ito ang gawin ninyo."

Q: Kayo ang magpe-preside, ang mamumuno, sa Impeachment Court, nakakita na po ako ng ilang mga hearing nabago umpisahan ng huwes, sasabihin niya sa magkabilang panig na bibigyan ko kayo ng mga 10 o 15 araw para ayusin 'yan sa labas ng Korte...

SP: Walang ganoon sa amin.

Q: Ilang boto ba ang kailangan para malaman kung guilty ba siya o hindi?

SP: Labing-anim. Two-thirds ng Senado.

Q: Mahirap po bang makuha 'yon?

SP: Hindi namin masasabi kung mahirap o madali dahil depende 'yan sa appreciation ng bawat senador sa ebidensiya, batayan ng impeachment at ganun din sa ebidensiya na ipe-presinta ng House of Representatives kasi kaming mga senador, wala kaming gagawin kung hindi intindihin ang mga paliwanag at ebidensiya ng magkabilang panig. Ang burden of proof na tinatawag ay nasa House of Representatives. Mayroon 'yang direct examination, cross examination bawat witness.

On the Freedom of Information Bill

The Freedom of Information Bill is pending in the Senate Committee on Public Information and Mass Media.

News Latest News Feed