Press Release
February 1, 2012

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO
POST CJ TRIAL DAY 9

(Reporter: Senator, may mga punto po kayong ni-raise kanina tungkol sa sale ng Bellagio condominium, paki-klaro lang po.)

Ang pinupunto ko lang naman po ay ano ba ang gusto nilang patunayan. Unlike a presscon or a congressional investigation na lahat ng punto ay pwedeng ilabas, dito dapat meron kang ipino-prove na accusation.

Ang kinaklaro ko ay kung ang pinoprove nila ay wala ito sa SALN o kaya ay mas mababang halaga ang nilagay sa SALN o mali ang nilagay. Kinlaro ko lang sa prosecutor yon.

'Unfair for MegaWorld to be accused or judged this early'

Ngayon ang tinatanong ko ay kung ito bang discount, saan ba papunta ito? Ang sinasabi niyo ba ay nagkalagayan ba dito o may illegal dito? Kasi alalahanin natin, kapag normal yung discount na ibinibigay, tunay na discount yun. Pero kapag ibinigay mo na regalo na nakatago sa discount ay violation ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act yun.

Tandaan po natin na ang Megaworld ay publicly listed company. Ibig sabihin ang may hawak ng stocks nito ay napakaraming tao. May mga foreign investors ito at sensitive ang mga presyo ng mga stocks nito sa public opinion. Unfair naman sa kanila na hindi sila directly akusahan pero mahusgahan sa mata ng publiko.

Kaya doon ko sinimulan tanungin kung may kaso ba na pending o nung mga panahon na yun ay may kaso ba na nakapending ang MegaWorld sa SC kung saan justice palang at di pa chief justice si Corona. Yun naman ang niliwanag nila at ng mga ibang senador.

On clarifying the accusations in Article 2

At least, ang naging malinaw sa huli ay: una, P14M plus ay idineclare as P6.8M sa SALN; pangalawa, may blanko na nilagay doon sa improvement at acquisition costs; at pangatlo, wala silang direktang akusasyon o wala silang sinasabi na mayroong lagayan o bribery dito.

Tinanong rin naming kung saan ba papasok yun assuming na yun ang gusto nilang patunayan? Saang artikulo pumapasok?

Medyo nagtataka nga yung iba na bakit doon nagfofocus ang prosekusyon samantalang, at least sa presentation today without giving judgement, malinaw na pagdating doon sa ebidensiya ngayon sa SALN. We will then give the defense a chance to explain and present their case.

'Hypocrisy in the system of stating assessed values, Fair market values or Zonal values'

Gusto ko rin i-note, may konting diskusyon sa assessed value, fair market value at yung tinatawag na zonal value. Unfortunately, may hypocrisy yung sistema natin dito. Anong ibig kong sabihin? Kung titingnan mo yung schedule ng fair market value sa mga munisipyo, iba to sa zonal value.

Halimbawa, si Manong Jerry meron siyang property sa Taguig. Kapag ang gusto niya, pagka-binuwisan siya siyempre, gusto niya mas mababa so susundin mo yung assessed value. Pagka-binili mo palang yung property, pagka mas mataas sa zonal value at sa assessed value yung mas mataas yung gagamitin mong gains sa BIR. Pero pag mas mababa, kung anong mas mataas sa assessed value.

Pero halimbawa baliktad. Ang City Hall ini-expropriate o ibig sabihin sapilitang binibili yung lupa mo, siyempre ang gusto mo fair market value. Ang nilagay daw, this is not according to the parties but according to Sen. Recto, yung P6.8M reflects the zonal value. So may nagiging argumento na ang zonal value is fair market value.

Pero maraming Supreme Court decision na ang fair market value ay ang presyo ng isang nagbebenta na hindi naman kailangan magbenta o gusto lang niya magbenta at isang bumibili na hindi naman napilitang bumili o gusto lang bumili.

And most of the time, halimbawa sa The Fort kung hindi ako nagkakamali, siguro hanggang P300,000 lang ang pinakamataas na presyo na andiyan sa assessors office kasi yan ang pinasa noong 2009 under the term of the former administration. Pero most of the country ganyan talaga, mababa talaga.

Ngayon, I think nasa almost P80,000 - P100,000, minsan mas malaki pa per square meter yung bentahan nung iba. But the City Hall cannot charge more than the schedule. Yung BIR, kung hindi ako nagkakamali, every 3 years sila nagpapalit ng schedule nila.

Remember, may difference din sa actual sale. Halimbawa, yung condo na pinili mo biglang nagkaroon ng building sa harap mo at naharangan tuloy yung view mo o kaya katabi mo palaging nagcconcert na maingay doon, biglang binaba ang presyo.

There are a lot of factors that will be considered. Kaya siguro naman tumayo si Sen. Villar na binibiro nung iba na expert naman sa real estate at sa presyuhan.

'Discount is normal if it is given to all'

I think ang kailangan malaman ng ating mg kababayan dito ay kapag normal yung discount, walang masama doon. Normal ito kapag lahat tayo ibibigay sa atin yung discount na iyon. Kahit sabihin mong special discount, kung sa lahat ay ibibigay pa rin yun, okay lang yun.

Now, it is not a discount if it serves as a bribe or a violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act or other related laws if it was hidden under the name 'reduction discount' or 'special discount' but it was actually given as a gift.

As of now, we cannot say anything on the merits except the fact that wala sa charge nila yung suhol, yung ill-gotten wealth o direct or indirect bribery. Pero kung makikita mo, wala pang nilalabas ang prosecution para ipakita na may connection na ito talaga ay bribery.

On the other hand, ang definition ng indirect bribery, kahit wala ka pang hinihingi but may anticipation na balang araw pwede kang may hingin, bawal din yun. So far, naipaliwanag ng Megaworld na hindi special ang kanilang discount in the sense that hindi nila ito binigay kay Justice Corona lang at ibinigay ito sa lahat.

That's also why Senator Osmena asked for additional documents and Senator Kiko asked for the engineer's reports to show that the unit was indeed 'damaged' and that their explanation is true. Pero kung makikita mo na bagong bago yung unit at napakaganda, bakit ka nagsubtract ng P5M?

'5 million coincidence'

Di ko rin alam kung bakit ganyan ang coincidence. Isipin mo nung tinanong yung kaso na hawak ng Supreme Court P5M daw yung pinaguusapan. Pagdating doon sa reduction price P5M na naman yung pinagusapan. Pagtayo ni Senator Ping, yung hinahabol daw na additional out P5M na naman.

So panay P5M ang pinaguusapan but ang importante dito makita talaga ng ating mga kababayan na lumalabas lahat at siguro makikita talaga yung interaksyon ng mga public servants. Kailangan naman talagang bumili ng tirahan pero makikita mo rin kung gaano kailangan mag-ingat ang ating mga public officials.

Sa Amerika, mayroon silang policy diyan na kapag yung sticker price halimbawa sa kotse, yun ang kailangan sundin. Pwede ka lang tumanggap ng discount pag mapatunayan na yung discount na yun ay ibibigay sa lahat.

Kung halimbawa nakalagay yung presyo sa diyaryo katulad nung sinabi nin Senator Villar kanina, 40% sa inyong lahat at yun ang nabili mo at naipakita mo na ibinibigay sa lahat abswelto ka. Pero pag pinakitang tumanggap ka ng discount na mahigit sa ibibigay sa iba, wala nang paliwanagan yun, violation na iyon ng batas.

Siguro yun ang dapat higpitan natin na batas para malinaw sa ating mga public officials kung ano ang pwede nilang tanggapin o hindi.

On CJ Corona's SALN so far

Again, di ako pwedeng magcomment on the merits but let me just describe to you, dahil hawak ko ang SALN at ito rin naman yung tinanong ko kanina. Kasi minsan iba yung forms but dito sa form na hawak ko na April 29, 2011 tinanggap ng certain Juliet at nakalagay dito ang 'Kind: so house and lot, condo', Location, Year Acquired, Mode of Acquisition, Assessed Value, Current Fair Market Value and then may malaking box na Acquisition Cost tapos nakahati ito, land, building, etc improvements.

So binasa ko ito kanina. Yung Number 5, Condo, Taguig, 2010, Installment, tapos ang nakalagay Assessed Value P3.4M and a little bit more, Current Fair Market Value nakalagay P6.8M. Makikita mo na just by comparing ang deed of sale na P14M mahigit, and current fair market value na inilagay is P6.8M pero blanko ang inilagay sa Acquisition Cost under both land building and improvements.

Doon pumapasok ang sinasabi ni Cong. Barzaga na kung binili ng bare, siyempre may ginastos para ayusin. At ang sinabi ng Megaworld, mga P5M ang computation nila para ayusin sa standard nila.

Yung sinasabi namin, kung nagfocus dito ay naging malinaw sana sa atin. Kaso doon nagfocus sa discount kaya nagkalituhan. Pero tama ang tanong ninyo na ito ang klarong klaro na pinaguusapan sa Articles 2, 2.1, 2.2, 2.3.

Salamat sa inyong himpilan at tinututukan ninyo itong impeachment trial at lahat ng kaganapan sa ating bansa. Mabuhay po kayo at God bless.

News Latest News Feed