Press Release
February 8, 2012

Manifestation of Sen. Pia Cayetano
Pia: "Magkakaiba po ang ating tungkulin"

"There's a statement by Representative [Rodolfo] Farinas and I'd like to quote from the records [Reads from Tuesday's Journal]: 'Kaya ang Kongreso po nagsasama po tayo. Magkasama po tayo dito, hindi po tayo magkaka-away. Ang kalaban po natin ay yung respondente, dahil pinapanagot po natin sya.' Yan po ang records natin at importante pong malaman po nating lahat na, araw-araw, sinusulat po natin ang kasaysayan ng ating bayan. Kaya po, palagay ko, importanteng ilagay ko rin sa records, na hindi po tayo sama-sama. Kanya-kanya po tayo ng tungkulin. Ang prosecutor ay prosecutor, ang defense ay ang defense, at kami pong mga senador ay mga huwes. So linawagin po natin dahil marami po tayong natanggap na mga tanong ng mga nakapanood, kung magkakasama po ang prosecutors at ang Senado. Hindi po. Magkakaiba po ang tungkulin natin dito. Niliiwanag ko po yan dahil baling araw po ay babasahin ang mga records nating ito. At importanteng malaman ng mga tao na may kanya-kanya tayo at hiwa-hiwalay na tungkulin. Salamat po."

News Latest News Feed