Press Release
March 22, 2012

 (1) Transcript of Ambush Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

On getting second highest approval rating in the Pulse Asia survey

SP Hindi na ako intiresado sa mga ganun. Salamat sa Diyos, pero hindi ko na iniisip yun, basta nagtatrabaho lang ako. Alam mo yung popularity, parang ice-cream yan. Kung minsan, matigas, kung minsan, malambot, natutunaw. Pero, hindi dahil natutunaw, masama kang tao o masama ang serbisyo mo. Kung minsan, natutunaw dahil ginagawa mo yung akala mo na dapat mong gawin, pero hindi naman naintindihan ng mga tao. Sapagkat walang tao naman dito sa mundo na nagagalit sa kanya, kung gumagawa ka ng desisyon, lalo na kung presidente ka, o nasa kapangyarihan ka. Maraming masasaktan doon sa desisyon mo para sa bayan because there is no concordance of interest in this world.

Q Mas mataas daw ang performance ng Senate kesa sa House, sa survey?

SP Huwag na natin pag-usapan yun, baka magagalit sa atin yung mga iba. Ako nagpapa-salamat sa taong bayan, na binigyan ako ng pagkakataon na mapansin nila pero hindi ko hinahangad yun. Gagawin ko yung akala ko na dapat gawin. Una, para magkaroon ng katarungan yung ginagawa namin. Pangalawa, para magkaroon ng kabutihan sa bayan. Pangatlo, para makakapag-iwan kami ng tularan sa ating bansa sa mga susunod na panahon.

Q Yung mataas na survey, is that an indication that you are leading the Impeachment Court well?

SP Hindi ko alam. Ginagawa ko lang yung nalalaman ko bilang abogado at yung aking paningin sa dapat na katarungan na gagamitin natin sa paglilitis na ganyan. Patas-patas lang, wala akong kinikilingan. Kagaya ni Presidente, wala akong amo kundi ang bayan.

Q Happy ka ba sir?

SP Ako ay nagpapa-salamat. Hindi ko sasabihin na hindi ako happy dahil magiging hypocrite ako. Pag hindi ka nasasayahan, kung ikaw ay sinasang-ayunan ng bayan, ako ay nagpapa-salamat sa kanila, pero ako ay tao lamang, magkaka-mali din ako sa darating na panahon. Matagal na ako sa mundong ito. May mga panahon na ako ay nandoon sa ilalim, kulelat ako nung araw at ako ay demonyo, berdugo. Lahat ng salita na tinatawag ako, na bastardo, berdugo, diktador, martial law administrator, murderer. Hindi ba, kinasuhan ako? Rebellion complex with nothing? Basta, kung ikaw ay nanunungkulan, maraming papansin sa iyo. Maraming pupuna sa iyo. Kung minsan, kung maaari lang, duduraan ka sa mukha mo nung mga iba. Ganun yun. Si Panginoong Hesu Kristo, palagi kong ginagamit na halimbawa. Kinoronahan ng tinik, di ba? Ako hindi pa nakoronahan ng tinik.

Q Going by your lusaw na ice cream, yung kay PNoy, kaya mababa ang kanyang rating, dahil sa kanyang mga positions?

SP Siguro. Syempre presidente. Hindi kataka-taka yan. Lahat ng presidente, nag-uumpisa ng mataas ang kanilang rating. Kaya sila naha-halal, di ba? Mataas ang rating nila. President Marcos probably had one of the highest ratings when he was elected. Then, pababa, pababa, pababa hanggang dumating ang araw bumaba na talaga. Wala nang magagawa, baba ng baba. Pati siya bumaba na. Ganyan yan. Especially when you are the center of power. You have to make decisions, everything, and the decisions are not ordinary decisions. You cannot please all the people. Whenever you make a decision, there are people who are always unhappy. You just pray that your decision is right.

On the Supreme Court ruling that CJ Corona has no hand in the FASAP case

Q Reaction ninyo sa ruling ng Supreme Court kahapon na wala daw po kinalaman si CJ Corona sa pag-recall po ng decision g SC sa FASAP case?

SP Hindi ko alam ang pangyayari diyan. I respect the decision of the Supreme Court.

Q Paano po ito makaka-apekto sa Article 3?

SP Tinanggal na yun, hindi ba?

Q Naiwan po yung sa FASAP.

SP I do not want to discuss that at the moment.

On the COMELEC's purchase of PCOS machines

Q Are you in favor or against sa pag-purchase ng COMELEC ng PCOS machines?

SP Yes. I will support it. At least we have tried it. We have elected a president, vice-president. Twelve Senators. Many of the governors, provincial executives, municipal executives. If there were errors somewhere, nothing is perfect in this world that does not go against the utility of the machine. We can correct it and we can economize money instead of having another one. Who knows, if we buy another one, it will be worse.

Q Pero marami pong oppositors?

SP Syempre. Ganyan tayo, demokrasya tayo. Kesa naman pupunta ka sa manual. Kami nga, nabiktima kami ng manual. Nabiktima kami nung first quick count dati. Akalain mo na ang fill-up rate noon ay 46 Senators ang sinulat ng bawat elector instead of only 24. There were 24 Senatorial candidates for the opposition and for the ruling party, the administration. Four regions, ang fill-up rate is more than twenty-four. Merong thirty-six, merong thirty-nine. Merong forty, forty-six ang pinaka-mataas. Region 3, forty-six names per ballot, which is impossible.

Q Can you subpoena again Sec. De Lima? On the impeachment trial of CJ Corona

SP Oo. Sinubpoena ko din si Sec. De Lima nung hiniling ng prosecution. Patas-patas.

Q Yung PCIJ po, inoppose din nila yung request ng defense na isubpoena sila. Does this bolster your belief na irrelevant yung testimony ng witness?

SP Saka ko na lang pag-uusapan yan pag dumating na.

News Latest News Feed