Press Release
April 18, 2012

DZRH interview transcript
Network: DZRH
Program: Damdaming Bayan
Anchors: Joe Taruc, Popoy Taruc, Cesar Chavez
Interview with Sen. Francis G. Escudero
Date: 18 April 2012 (8am-9am)

ESCUDERO: Manong Joe magandang umaga sayo at sa ating listeners.

TARUC: Good morning senator.

ESCUDERO: Sa ating listeners, Cesar at Popoy, magandang umaga rin. Manong Joe kamusta na kayo? Sana nasa mabuti na kayong kalagayan. Balita ko nag da-dumbbell ka na daw? (laughs)

CHAVEZ:Sabi ko na eh, ito ang mag-iinterview sayo eh. (laughs)

TARUC: Kaya nga eh. Gusto ko ngang linawin agad kung may katotohanan eh... (laughs)

ESCUDERO: Nakalagay yan sa batas Manong Joe. Actually Korte Suprema, bawal daw pag-usapan ang ganyang mga bagay.. (laughs)

TARUC: Senator, marami tayong dapat pag-usapan ngayong umaga para malinawan at maunawaan ng ating kababayan kung ano talaga itong nangyayari.

ESCUDERO: Opo Manong Joe.

TARUC: Okay unahin natin yung isyu ng pulitika siguro, unahin natin ano ho. Dito sa 2013 election, ano ba ang epekto nito sa 2016?

ESCUDERO: Para sa akin Manong Joe, posibleng may epekto pero napakalayo. Tingnan nalang natin yung nakaraang kasaysayan ng bansa, lahat nagplano na pero biglang may lumabas na Noynoy na siyang naging pangulo. 'Yun ay before one year sa 2010 election, ito'y mahigit apat na taon pa bago mag halaan ng 2016.

CHAVEZ: Tsaka Dr.Joe, hindi ba nakakainsulto para sa presidente na ikaw ay presidente pa sa apat na taon ay pinag-uusapan na yung papalit sayo. (laughs)

TARUC: Kakaiba kasi yung mga kalagayan. Halimbawa si Sen. Chiz, ito'y malapit na kaibigan ni Pangulong Noynoy at siya ay nasa hanay ng oposisyon. Hindi ho ba kakatwa ang iyong katayuan senator?

ESCUDERO: Manong Joe, sa ngayon, ang tagal kong oposisyon nung panahon ni Pangulong Arroyo, hayaan mo naman na dumikit ako ng konti sa administrasyon. Alam mo, minsan nga may pakiusap ang lalawigan namin sa ibat-ibang mga ahensya, alam niyo natutulog nalang kung saan-saang gilid. Nung nagtanong ako minsan kung bakit ganon? Bakit tila api pa rin ang aming distrito at probinsya? Ang sagot sa amin, ay oo nga pala kaibigan mo nga pala si PNoy, maka-administrasyon ka pala. Nasanay kasi kami siyam na taon kang oposisyon eh. Pagnakikita namin yung Sorsogon tinatabi namin agad eh... (laughs)

TARUC: Tatanong lang namin kasi maraming nagsasabi itong 2013 elections lubhang napakahalaga para sa may balak sa 2016 kundi ganon parin ang maaring factor nito para sa impeachment trial na ongoing sa Senado?

ESCUDERO: Well, tignan natin Manong Joe at papakita ko rin yung walang kaugnayan sa 2013 sa 2016. Sa kasaysayan ng bansa, itong nagdaan na dalawa o tatlong dekada, wala pang nagpresidente na nag number 1 sa Senado. Kung titignan ninyo , si Noli De Castro. Unahin natin si Sen. Salonga, si Sec. Roxas, hindi pa naman si Bong, wala pa. Si Pangulong Arroyo nag number one din pero hindi counted in 2004 eh.

CHAVEZ: Dr. Joe, naiintindihan ko na kung bakit hinahayaan ni Sen. Chiz Escudero na mag number 2 lang muna siya sa Senatorial survey.

ESCUDERO: Hindi naman sinasadya yun, sino ba naman may ayaw mag number one. Ang sinasabi ko lang sa kasaysayan ng bansa, kasi siguro ang number one sa kanya nakatutok palagi lahat. Pagka may isang daan na pumutok sayo, kahit gaano katindi yung bullet proof mo, tatamaan at tatamaan ka pa rin maski papano eh.

TARUC: Pero yung 2013 kahit papano malaking konsiderasyon para sa re-electionist na senador.

ESCUDERO: May ilan na ganon ang kaisipan, pero lahat ng survey sinasabi, SWS man o Pulse Asia sinasabi na walang kinalaman yun doon at ayon sa lahat ng survey na lumalabas maliban sa kakaunti sa ating kababayan ang talaga at aktwal na sumusubaybay araw-araw eh mayorya ng mga respondent ang sinasabi ay tatanggapin nila ano man ang maging desisyon ng gawad kaugnay ng impeachment, dahil siguro maliwanag naman sa ating mga kababayan na maconvict o ma-acquit man si Chief Justice Corona, eh yung walang trabaho ay wala pa ring trabaho eh. Maconvict o ma-acquit man siya yung presyo ng bilihin mataas pa rin eh, yung sweldo mababa pa rin, presyo ng gasolina at kuryente mataas pa rin. At sa Mindanao brown out pa rin.

TARUC: Ang ibig niyong sabihin sa ilalim ng PNoy administration napakaraming problema?

ESCUDERO: Hindi po, mas marami nung panahon ni Pangulong Arroyo. At least ngayon hindi natin pinoproblema yung pangulo. Dati pati pangulo pinoproblema natin eh. (laughs)

TARUC: Okay. Yung problema tungkol dito sa pagtaas ng presyo, alam natin na concern din kayo dito. Yung ating mga kababayan mukhang hirap na hirap at hikahos na hikahos dahil sa una, hindi pa tumataas ang sweldo at tataas man ay medyo kakarampot lang ang ibibigay ng National Wage and Productivity Board.

ESCUDERO: Well, alam mo matagal ko nang pinipintasan ang mga miyembro ng Regional Wage board dahil tila nasa ibang planeta sila nakatira. Magbibigay ng dagdag na omento sa sahod na kung ilang piso lamang na akala mo ay makakatulong talaga at makakadagdag...

TARUC: At ipagpapaliban pa nang napakatagal ...

ESCUDERO: Ako po ay pabor sa isang legislated minimum wage hike Manong Joe. Noon pa man okay na sa Kongreso. Para naman makahabol tayo ng minsanan tapos ibigay natin muli sa regional wage board para doon sa incremental...

TARUC: Maganda yun Senator Chiz, sana ay maitaguyod ninyo nang husto sa Senado.

ESCUDERO: Sinusulong namin yan sa Senado pero alam mo naman Manong Joe yung usual na objection na nanggagaling hindi lamang sa pamahalaan miski sinong pamahalaan gayundin sa mga negosyante. Alam mo naman yung mga negosyante kung hindi naman sila kumikita, hindi sila magnenegosyo. Ano ba naman yung partehan nila ng kita nila yung mga empleyado nilang may kagagawan ng pag-unlad ng kanilang negosyo.

TARUC: Yun nga ang sinasabi ko kanina, kinakailangan kahit papano ang mga empleyado nagkakaroon ng share sa ano mang pakinabang o tubo na tinatamasa ng mga kumpanya.

ESCUDERO: Pag tinawag kasi nating share Manong Joe baka isipin nila papunta na tayo sa isang kolumnistang bansa. Partehan lang sila, bahagian lang sila, ambunan man lang sila, makinabang lang dahil kasabay naman sila sa pag-unlad ng negosyo ng sinumang negosyante.

TARUC: Okay senator yung tungkol dito sa pulitika babalikan lang natin sapagkat...

ESCUDERO: Akala ko ba matagal pa yung pulitika? (laughs)

TARUC: Pero ngayon pa lang nagkukumahog na kayo..(laughs)

CHAVEZ: Kayo? Ibig sabihin kasama si Sen., Escudero?

TARUC: Hindi..

CHAVEZ: Pero si Sen. Escudero naman kahit hindi na kumibo yan siguradong sigurado mapapasama.. Ang hindi lang natin malaman siya ay magiging common candidate ng mga partido.

ESCUDERO: Basta ang alam ko Manong Joe Noybi ang sinuporthan ko last election. (laughs)

CHAVEZ: Hindi ka ba natatakot Sen. Chiz dahil sinasabi ni Sen. Drilon wala pa sa history ng Pilipinas na natatalo ang ineendorso ng partido ng pangulo.

ESCUDERO: Medyo hindi yata totoo yun dahil nahalal ako sa midterm election na ang pangulo ay si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

CHAVEZ: Pero hindi majority?

ESCUDERO: Actually majority kami, miyembro ng Genuine Opposition at hindi Team Unity. Kung maaalala mo karamihan ng miyembro ng Team Unity ay natalo at nalalaglag noong 2007 election.

TARUC: Noong nakaraang halalan nung 2010 ang suportado ni Sen. Chiz ay kilala at balitang balita ng ating mga kababayan na NoyBi ang kanyang sinuportahan. Si Pangulong Aquino at VP Binay.

ESCUDERO: Noon gusto nila NoyNay eh. Kaya lang hindi magandang pakinggan yung NoyNay eh. Noynoy at Binay. (laughs)

TARUC: Okay dito po sa pulitika mukhang may mga konting problema sa alyansa?

ESCUDERO: Hindi kasi ako kasama Manong Joe sa governing committee ika nga, dahil hindi ako bahagi ng ano mang partido, ako'y independente ngayon. Hindi ako kasama sa usapan o pagtitimbang kung sino ang pasok, sino labas. Hindi ako kasama sa nagdedesisyon sa bagay na yan.

TARUC: 'Yun ho bang mga re-electionista kasama dito hanay ng oposisyon?

ESCUDERO: Re-eleksyonista kasama sa hanay... nababanggit yung pangalan nila pero gaya ng nasabi ko hindi ko alam kung paano pinagpapasyahan yan at hindi ako pasok o 'in' ika nga sa pagdedesisyon. Pero narinig ko na sinabi ni Sen. Pimentel, Sen. Zubiri, magkaiba nga lang ang sinasabi nila, at ilan ang mga kakandidato kaugnay ng line-up.

TARUC: Pero kayo po definitely nandoon?

ESCUDERO: Sana, libre naman mangarap Manong Joe eh. Libre naman umasa ng magandang sitwasyon sa darating na halalan.

P.TARUC: Pero posible sir na common candidate kayo ng karamihan ng mga partido?

ESCUDERO: Malay mo naman... (laughs). Hindi ko pa alam kung ano ang magiging desisyon nila Poy, kasi sa ngayon wala pa akong nakakausap kaugnay sa bagay na yan. Para sa akin, matagal pa naman eh. Anumang pangakong bitiwan ngayon, hanggat hindi pa October 5 na last day of filing, balewala pa at malayo pa sa katotohanan. TARUC: Okay balik ko lang sa impeachment senator, medyo mahigit isang buwan bago magpatuloy ang hearing ano ho?

ESCUDERO: Hindi narinig Manong Joe. (laughs)

CHAVEZ: Dr. Joe yung latest Pulse Asia survey 13% lang ang interesado sa resulta ng impeachment. Anong pakahulugan sa inyo niyan senator?

ESCUDERO: Ahm. Gaya ng nasabi ko pinapakita niyan na ano man ang mangyari dito ay walang kinalaman sa pangunahing isyu na may kinalaman sa paglagay ng pagkain sa lamesa. Pero hindi naman nangangahulugan na hindi namin dapat gawin yan. Although yung mga nakikitang ginagawa namin sa Senado sa telebisyon, hindi naman nangangahulugan na 'yun lang ang ginagawa namin. Nagkakataon lang na mas kino-cover ng media kaugnay ng mga trabaho ng Senado sa ngayon.

TARUC: In other words ano man ang maging desisyon ng senator-judges ay siguro basta mapapapliwanang nila at mauunawaan ng ating mga kababayan ay matatanggap nila ang anumang desisyon.

ESCUDERO: Basta maipaliwanag tama ka. Ang problema binibigyan lang kami ng dalawang minuto para ipaliwanag yung aming desisyon. Isang bagay lang Manong Joe, dagdag ko lang sa impeachment, pipilitin na ng Senado tapusin ito bago kami mag-adjourn sa Hunyo. Hindi naman tama na nag so-SONA na ang pangulo at nag-iimpeachment trial pa rin kami.

CHAVEZ: Pero hindi naman isasakripisyo yung substance yung procedure at yung justice na hinahanap.

ESCUDERO: Hindi. Sa palagay ko sapat na siguro ang isang buwan sa bagay na yan. Lalong lalo na at medyo bihasa at sanay na yung mga abogado ng magkabilang panig kaugnay sa procedure ng impeachment.

TARUC: At kahit papano yung mahabang bakasyon ay magandang pagkakataon at panahon para makapaghanda yung magkabilang panig.

ESCUDERO: Well dalawang bagay yan Manong Joe, baka mamaya kasi dahil nagbakasyon ay parang diesel na naman yan kailangan munang intayin uminit at mag warm up bago muling mabalik sa groove ika nga.

(BREAK)

CHAVEZ: Okay nandito po tayo ngayon sa palengke at ngayon katabi natin ang isang ginoo na namamalengke. Ano po ang pangalan mo?

ORTINEZ: Wilberto Ortinez po.

CHAVEZ: May bisita tayo si Sen. Chiz Escudero, ano ang katanungan mo sa kanya?

ORTINEZ: Good morning senator, maari ho bang si VP Binay ang gawing crisis manager ng problema sa China, alam naman po natin na malaki ang magagawa niya?

ESCUDERO: Desisyon ho ng pangulo yan. Sa ngayon po ay pinanghahawakan yan ng Secretary of National Defense at Foreign Affairs. Siguro iniisip lang ni Pangulong Aquino, naalala niyo yun tawag kay Mayor Binay dati 'Rambotito.' Baka mag Rambo yan dun ay giyera agad ang pupuntahan natin. Pero desisyon po yan ni Pangulong Aquino. Ibigay po natin sa kanya 'yun na mapagpasyahan kung sino ang magiging kinatawan kaugnay ng bagay na yan.

P. TARUC: Okay pupunta naman tayo sa Baclaran. Tawagan natin si RH 44, Hermie Catig ano ang katanungan niyo?

CATIG: Yes, Maraming Salamat.. Katabi po natin ngayon si Bella Delos Santos na taga Villamor, ito po ang kanyang katanungan.

DELOS SANTOS: Good morning po senator, totoo ho bang hiwalay na kayo ng asawa niyo?

ESCUDERO: Ano po 'yun? (laughs)

DELOS SANTOS: Totoo ho bang hiwalay na kayo ng asawa niyo?

ESCUDERO: Bakit may irerekomenda ho ba kayo? Kung meron po sasagutin ko kayo kaagad.. (laughs)

TARUC: Maraming salamat sa mga taga Baclaran. Alam mo yung mga tanong na yan ay tanong ng tao yan eh. Pumunta naman tayo sa Farmers Market Cubao, si RH 17 Rey Castillo.

CASTILLO: Magandang Umaga Popoy, kay Dr. Joe at kasamang Cesar gayundin kay Sen. Escudero. Katabi natin dito si Mang Manuel Sta. Ana na isang nagtitinda dito sa Farmers Plaza. Sir ano po ang tanong iyo kay Sen. Escudero?

STA. ANA: Good morning po sir.

ESCUDERO: Ginoong Manuel Magandang Umaga rin po.

STA.ANA: Tatanong ko lang po kung muling maglalaban kayo ni Sen. Mar Roxas sa 2013 elections?

ESCUDERO: Talagang nasa Farmers Market kayo. (laughs) Hindi ko po alam. May kasabihan na ika nga, sa larawan ng pulitika gayunman sa negosyo, walang permanenteng kaibigan o kaaway. Wala kaming personal na pinag-awayan ni Sec. Roxas, hindi lang po nagkasama sa nagdaang laban kaugnay ng ikalawang pangulo noong nagdaang halalan.

STA.ANA: Nagkakaisa ho ba kayo?

ESCUDERO: Bihira kami magkita. Siguro once o twice pa lang kami nagkita mula nung 2010 elections. Masaya naman kami, nagkamayan kami, nagngitian.

CHAVEZ: Naiinterview ka ba ni Korina?

ESCUDERO: Hindi. (laughs)

CHAVEZ: Maraming salamat sa mga taga Farmers.

TARUC: Okay ang tatanong ko kay Sen. Chiz, tutal ang mga pinag-uusapan ay tungkol sa annulment, tungkol sa hiwalayan...

ESCUDERO: Ang pinag uusapan natin kanina China di ba? Tsaka yung pagtaas ng bilihin at baba ng krudo? (laughs)

TARUC: Bilang chairman ng Justice Committee on Human Rights, siguro yung Juvenile Delinquency Law ay nangangailangan na ng revision di ho ba?

ESCUDERO: Actually Manong Joe, matagal nang nasa committee namin yan at nilabas namin yung isang bersyon. Kaya lang may ilang senador na talagang tutol diyan lalo na yung gumawa mismo niyan si Sen. Pangilinan. Siyempre pinaninindigan niya yung kanyang posisyon bagaman may amendment siyang ginawa sa batas, pero yung pagbalik sa lumang edad ay yun ang talagang matinding tinututulan niya at ilang mga senador.

TARUC: Pero kahit papano mapapansin nila kapag nagkalat ang mga krimen ay kagagawan ng mga kabataan. Yung mga nirerape, mga nang rerape menor de edad rin, tapos yung mga nagnanakaw, yung mga ginagamit sa droga�mga kabataan yung mga yun di ba?

ESCUDERO: Well tama yan Manong Joe, kasi ang problema sa batas tinutupad ni wala naman tayong detention facilities para sa mga kabataan sa ibat-ibang parte ng bansa. So ang nagiging solusyon pakawalan nalang imbes na mademanda pa yung pulis na nanghuli sa bata.

TARUC: Kagaya niyan ang mga kabataan ngayon ay walang takot kung gumawa ng krimen. Ginagamit ng mga nakakatanda upang sa gayon ay makaiwas sila sa parusa ng batas.

ESCUDERO: Eksakto ganoon po ang nangyayari. Maaga tuloy na-eexpose sa krimen ang ating mga kabataan dahil sila na ngayon ang ginagamit at madalas Manong Joe, may dala pang birth certificate ang mga yan. Pag nahuli ng mga pulis ay may birth certificate na at hindi xerox ah. Certified true copy at alam na nilang mahuhuli sila pagka sila ay piniit pa ay sila pa ang mananakot na magdedemanda sa pulis na huhuli sa kanila.

TARUC: At baka na-brainwash na sila ay hindi maaring ikulong sa ilalim ng ating mga batas.

ESCUDERO: Well, technically pwede po Manong Joe kaya lang walang facility na hiwalay na matatanda nang criminal offenders.

TARUC: Pero just the same, siguro kailangan tingnan mabuti at maitama ang naturang sitwasyon.

ESCUDERO: Manong Joe kung hindi man namin mabalik sa dating edad definitely may amendment kaming ipapasa kaugnay ng Juvenile Justice Law. Dahil miski na sa Kamara, matinding debate rin po yan. Ang nais sa Kamara ay suspendihin muna ang batas bumalik tayo sa dati hangga't hindi tayo nakakahabol doon sa pangangailangan sa facility tapos pagkumpleto na, miski wala na yung batas ulit, may solusyon naman effective na ulit yung JJ law.

TARUC: Kasi kahit papaano mas mabuti di hamak yung dating batas kaysa sa pinapatupad ngayon.

ESCUDERO: Yung dating batas na tinutukoy niyo Manong Joe yung Child and Youth method. Maganda rin yun kaugnay ang edad pero may maganda rin namang features ang Juvenile Justice Law na maganda rin naman at dapat ipatupad ngayon para makahabol tayo sa mga karatig bansa natin.

TARUC: Ngayon ko lang nalaman kayo rin pala ay chairman ng Environment And Natural Resources Committe?

ESCUDERO: Opo mula noong umalis at nagbitiw si Sen. Zubiri ako po ang nagtake over ng kanyang komite.

TARUC: Okay. Ano po ang papel niyo ukol dito sa paggawa ng revised guideline sa mining industry?

ESCUDERO: Sana ilabas na nila nang makita natin dahil sa ngayon natutulog ang marami sa mga nais pumasok at sa maraming ayaw din niyan. Nabibitin at hindi alam kung saan sila papasok which either way dadagdagan lang yung bayad o hindi, pagbabawal man sa ilang area, hihigpitan yan. Sana ilabas na dahil matagal tagal naman nang pending ang EO na yan.

TARUC: Siguro number one consideration dapat yung environmental protection at pangalawa ay yung pakinabang naman ng mga lugar na pagmiminahan.

ESCUDERO: Ihahawig ko lang Manong Joe, halimbawa sa China o problema sa China sa ngayon. May alok ang China sa aking pagkakaalam na joint exploration na tinututulan ng ilang sektor dahil atin daw yan eh at ano pakielam nila dyan. Pero pwede namang pumasok sa isang kasunduan na hindi na kailangan pag-usapan kung kanino ba talaga yan. Joint exploration at willing pa nga balita ko ang bansang China na mas malaki ang share ng Pilipinas. Kung sa mining nga nabibili mo sa teritoryo ng bansa, ang daming Chinese company na nagmimina dito na 2% lang, edi yung 60%-40% pabor sa atin. Bat tayo hindi papayag? So sa sariling teritoryo natin pumapayag tayo na 2% ang napupunta sa atin, atin pa yun maliwanag. Ano pa kaya yung may kwestyon kung sa atin o hindi, 60% share natin, hindi na siguro masama 'yun.

TARUC: 'Yun ba ang niloloob sayo ng bagong guidelines binabalangkas ng Malacañang?

ESCUDERO: Ang bagong guidelines alam ko ay kinokonsidera nila ang pagtaas mula 2% papunta 7% na parte o share ng gobyerno sa anumang mining na isasagawa rito.

TARUC: Local o national?

ESCUDERO: Sa national Manong Joe. Pero nais ko lang din dagdagan yun, sana pag-aralan natin, saan parte lang ba ng bansa tayo dapat magmina? Hindi naman yun kung saan gusto nung magmimina ay doon siya papasok. Pangalawa, parang China, isang rason kung bakit tumaas ang ekonomiya ng China, nagkataong biniyayaan sila ng panginoon na nandoon yung tinatawag nating Rare Earth Metal ito yung ginagamit sa maraming mga computer at gadgets sa ngayon. Sa kanila lang nakikita 'yun at pinagbawal nila ang export nun. Para doon mismo sa China itayo yung factory. Tayo rin po sana timbangin natin ng ganon. Pag may minerals o deposits na magandang magamit at kailangan, pagbawal din natin ang paglabas. Sabihin na natin na mahal ang paglabas, para naman mapwersa ang mga negosyanteng dayuhan na dito magtayo ng planta sa Pilipinas para mapakinabangan nila yung minerals natin.

TARUC: Kasi yung mga minerals natin ay talagang dito nanggagaling pero pinoprocess sa ibang bansa.

ESCUDERO: Pina-process sa ibang bansa, yung factory nasa ibang bansa nangyayari yung pilipino kargador, yung mga teknikal na kaalaman nasa ibang bansa na. Tapunan ng waste pati. Pero Manong Joe alam mo may datos niyan na halimbawa ang Diwalwal, ang Diwalwal umano ang pangalawang pinakamalaking gold deposit sa buong mundo. Umaabot ng higit kumulang siyam na libong hektaryang gold ang nandyan. Hindi ko ninanais na magka-gold rush ulit pero marami ng buhay ang nawala diyan. Subalit sana marami pa tayong deposits na mahalaga pa rin. Sana pangalagaan natin para makarating at makaabot sa saling lahi.

CHAVEZ: Speaking of Davao, si Jossa ng Davao City ay may katanungan napaka seryoso. 'Good A.M. Senator Chiz, kamusta kayo ni Kris Aquino at Pops Fernandez?'

ESCUDERO: (laughs)

CHAVEZ: May dagdag pa siya, 'by the way ano ho ba ang marerecommend ninyo sa Mindanao emergency crisis?'

ESCUDERO: Well kaugnay ng katanungan base sa showbiz column, nasa mabuting kalagayan naman yata sila. Hearsay your honor! No personal knowledge.. (laughs) Kaugnay ng power crisis, hindi ako sang-ayon na ang choice ng taga Mindanao ay dalawa lang. No power but cheap o mataas na kuyente pero meron. Alam niyo lahat na nasa Mindanao, kumpleto rekados na yan, nandyan ang mga rebeldeng grupo, nandyan ang mga terorista, nandyan di umano ang kaguluhan, nandyan di umano ang magandang pang-gogobyerno, ang tanging panlaban ng Mindanao ay yung murang kuryente nila doon. Sana masusing tingnan at timbangin ng pamahalaan na miski naman yun ay ibigay natin sa Mindanao. Para sa gayon ay pwede naman silang makapag compete at makipaglaban na umasenso tulad ng Luzon at Visayas.

TARUC: Senator, isang problema dyan hindi natin maunawaan ng husto 'yun ho bang possibility na maikabit ang grid ng Luzon at Visayas sa Mindanao. Bakit hindi posible?

ESCUDERO: Ang dapat mag invest niyan ay National Grid Company, ang problema private na po yan eh. Pero may mas maganda option Manong Joe, 3 years ago nagkaroon ng isang treaty pinirmahan ang Pilipinas with ASEAN countries na magkaroon ng interconnectivity kaugnay ng kuryente. Mas malayo Manong Joe ang Leyte papuntang Mindanao kaysa Saba papuntang Tawi-Tawi, 20Km lang ang distansya ng Saba at Tawi-tawi. Baka pwede nating iconsider na ikonekta yun. kapag nakonekta natin ang mga islang yun...

TARUC: Ibig sabihin lalagyan ng mga submarine cables..

ESCUDERO: ...submarine cables, dahil kung ngayon sobra sila at kulang tayo, baka naman dumating ang panahon na sobra tayo at kulang sila at pwede tayong makinabang na magbenta ng kuryente sa Malaysia.

TARUC: Magkaron ng tulungan. Maganda ho yun ah, kahit papano dapat isa-alang alang ang ganyang uri ng problema sapagkat yun ang nakikita nating mga proposal ay puro money making.

ESCUDERO: Actually Manong Joe maraming solusyon...

TARUC: ..yung pagpapagamit ng mga barges ano ho, hindi natin malaman kung kani-kaninong mga barges yun at pinipilit nilang negotiated by contract ang gamit para sa pag arkila ng mga barges.

ESCUDERO: Alam mo Manong Joe noong nagdaang Marso, 178 megawatts ang kulang ng Mindanao. Nasa 60 megawatts doon available sa Mindanao, hindi nagagamit dahil hindi naaaprubahan ng ERC yung mga kontrata kooperatiba. So 180 nalang sana, may 110 megawatts kang Iligan power plant na ilegal daw yung pagkakahandle, overprice ayon sa COA. Kaya hindi nagagamit, natutulog yung planta doon. TARUC: Ang isa pang problema diyan ay napakatagal ng Hydro Electrical Power Plant dyan sa Mindanao na hindi napaglaanan ng panahon at pondo upang sa ganon ay mai-maintain at mag operate nang husto kahit na mahabang panahon.

ESCUDERO: Sinasabi ko nga Manong Joe kung ibebenta man yan, wag na pag-awayan ng gobyerno ngayon para mas mataas ang presyo pag binenta yan. Isa pa siguro Manong Joe na dapat ikonsidera ng pamahalaan yung tinatawag nating self gen. Yung may mga generator ba, yung mga mall may generator, yung mga cement plant, ang laki ng konsumo ng mga cement plant. Pero mas murang bumili sa grid kaysa gamitin nila yung sarili nilang generator. Baka pwede naman silang bigyan ng incentive ng Department of Energy. Baka naman dapat iregulate nila 'yun. Sapagkat parang same co act, papanukala ko nga sana yun na kapag may generator ka at ginamit mo may incentive ka para diyan ka nalang kumuha ng kuryente at wag ka na humingi sa grid para naman magamit ng mga taong walang generator.

TARUC: O kaya ang fuel na gagamitin mo...

ESCUDERO: Pwedeng bigyan ng mga incentives para pumatas man lang o ma-encourage sila na yun ang gamitin. Pansamantalang kinukulang ho tayo ng supply.

TARUC: Yung cultured power plant bakit hindi maitayo sa Mindanao at matagal pa rin yung mga panukala na magkaiba tayo ng nuclear power plant. Halimbawa yung Bataan nuclear power plant ay doon dalhin sa Mindanao.

ESCUDERO: Actually Manong Joe, medyo umaabante na sana noon yung mga panukala kaugnay ng nuclear power plant kung hindi lang nangyari yung problema sa Japan. Medyo inatras nila lahat dahil Japan na ang pinaka advance na bansa pagdating sa nuclear power at nuclear techonoly bilang source of energy tapos nangyari pa rin sa kanila yun at hindi nila alam kung pano i-handle.

FGE: Siguro maraming nag-iisip lamang kasi Manong Joe paano pa kaya tayo? Paano kung sa atin nangyari 'yan, siguro mas maraming buhay ang nawala.

TARUC: Eh ngayon ang mga taga-Mindanao ay nangangapa ano ho, lalo't ang option na binigay sa kanila ng pangulo mahal na kuryente o walang kuryente.

FGE: Ngunit kung ikaw Manong Joe, mahal na kuryente o walang kuryente? Para sa akin, 'yun na lamang ang panlaban ng Mindanao, Manong Joe ipaglaban nating ibigay at manatili sa ngayon.

TARUC: At sakay kung nais nating pakinabangan ang resources ng Mindanao aba'y dapat tulungan at alalayan din natin.

FGE: Alam niyo madalas kasi ang policy makers natin dahil karamihan ng leaders ay nasa Metro Manila ang tingin nila ang Pilipinas ay Metro Manila at Luzon at ang Luzon at Metro Manila ay Pilipinas na. Bahagi pa rin ang Mindanao, bahagi pa rin ang Visayas at kapagka may masakit na parte sa katawan mo Manong Joe ramdam na din ng buong katawan eh, so sana ganun din ang gawin nating pag-iisip tungkol sa pag-unlad ng bawat sulok ng bansa lalong lalo na ang Mindanao.

TARUC: Titingnan din natin no, 'yung kita na nakukuha ng gobyerno galing sa Mindanao, pati 'yung pondo na ginagastos natin para sa development ng Mindanao.

FGE: Malayo 'yan Manong Joe, ang pinakamataas na yatang pondo na na-allocate sa Mindanao ay sa panahon ni dating Pangulong Estrada more or less 23 percent ng national budget ay na-allocate sa Mindanao.

TARUC: First time 'yun.

FGE: First and only time yata 'yun Manong Joe nung panahong 'yun.

CHAVEZ: All right, Dr. Joe si Sen. Escudero ay matagal naging chairman ng Senate Committee on National Defense and Security and commander din ng Philippine Navy and Reserve Force. Mr. Senator hindi ba kayo nanliliit na binu-bully tayo ng China sa Scarborough Shoal?

FGE: Alam mo naniniwala ako na hindi na uso ang giyera. Makaluma na na paraan ang giyera para resolbahin ang anumang hindi pagkakaintindihan. Dagdag pa siguro rito Cesar pabili pa lang tayo ng dalawang X-2 samantalang ang China may dalawang libong X-2 nang eroplano. Hindi ako naniniwalang uso pa ngayon sa panahong ito para makipag-giyera, makipagbarilan para lang maresolba ang anumang hindi pagkakaintindihan. Sa komunidad ng mga bansa mas malaki ang laban natin doon kaysa makipagtagisan tayo, pagalingan tayo ng baril, bala't bomba sa bansang China. Para sa akin lumang pamamaraan na 'yan para ayusin ang anumang gusot sa pagitan ng mga bansa.

CHAVEZ: All right, tanong mula sa labas ng ating himpilan partners, Mr. Senator may nagtext po dito, "wala ba kayong balak na bago sumapit ang 2013 election ay maghaharap kayo ng panukalang batas na masususugan ang Oil Deregulation Law kundi man ito maatim para maputol pansamantala ang dambuhalang kumpanya ng langis, thanks po," mula kay Glen Bautista.

FGE: Nag-file na po kami ng resolution para i-review ang Oil Dregulation Law. Ang Oil Deregulation Law nung pinasa po 'yan P14 ang presyo kada litro ng gasolina at diesel, ngayon ay pumapalo na sa sisenta pesos. Maliwanag hindi tumupad sa pangako ang Oil Deregulation Law na bumaba ang presyo ng gasolina. Layunin din po ng aming panukalang batas, bigyan ng kapangyarihan ang gobyernong pakialamanan at panghimasukan ang presyo ng langis dito lalong lalo na kung mayroon tayong tinatawag na market failure, dito man o sa world market at kapagka may maliwanag na kuntsabahan sa pagitan ng mga kumpanya ng langis.

CHAVEZ: Okay, puntahan naman natin ang Valenzuela market RH 23, Edwin Duque, Edwin magandang umaga.

DUQUE (REPORTER): Good morning sa ating mga kababayan, Dr. Joe at kasamang Cesar, good morning Senator Escudero. Katabi natin ngayon itong si Ginang Celia dito sa kanyang stall at malimit pala ito'y nakasubaybay sa isinasagawang impeachment na tinatalakay niyo senador.

CELIA(VENDOR): Good morning Senador Escudero.

FGE: Good morning po

CELIA (VENDOR): Itatanong ko lang po.

FGE: Opo Ma'am,

CELIA (VENDOR): Kung ipapawalang sala niyo si Chief Justice Corona.

FGE: Actually hindi ko pa ho alam ma'am, hindi pa ho tapos magpresinta ng ebidensya ang depensa, bigyan natin sila ng pagkakataong ipresinta ang buong kaso nila. Binigyan naman natin ng pagkakataon ang prosekusyon na ipresinta ng buong buo 'yung kanilang kaso. Matapos po nilang magpresinta ng ebidensya doon ko pa po lamang siguro bubuuin 'yung aking pasya kaugnay sa pag-convict o pag-acquit po sa kanya. CHAVEZ: Salamat sa mga taga- Valenzuela. Si Edmar Espadilio sa Payatas, Quezon City. Go ahead Edmar.

EDMAR: Yes kasamang Cesar kasama ko rito si Michael Castaño mula dito sa Payatas, Quezon City at may tanong siya kay Sen. Chiz Escudero. Good morning Michael, ano ang tanong mo kay Hon. Chiz Escudero?

MICHAEL: Bilang isang mamamayan sa Payatas napapansin po namin na tila walang ginagawa ang mga senador kundi puro na lang po imbestigasyon na lamang, wala namang natatapos.

FGE: Ahmm, aray, hindi, thank you Ginoong Michael, alam mo gaya nga ng sabi ko kanina hindi po porke 'yun lang ang napapanood sa telebisyon ay 'yun lang ang nagagawa namin. Hindi porket hindi niyo napapanood ay hindi na po namin ginagawa. Hindi naman po kasi namin pwedeng diktahan ang media kung ano ang ilalabas nila at kung ano ang hindi nila ilalabas. Nabanggit po namin ito kanina, hindi po porke puro impeachment ang napapanood ninyo ay 'yun na lamang po at 'yun na lang ang ginagawa namin. Marami kaming ibang ginagawa at ginagawa ng Senado kaugnay ng pagpanukala ng ibang batas at gayundin ang pag-iimbestiga sa ibang anomalya sa pamahalaan na hindi naman lumalabas sa telebisyon at dyaryo pero hindi nangangahulugan na hindi naman po namin ginagawa.

CHAVEZ: Okay, maraming salamat sa mga taga-Payatas. Punta naman tayo sa Camarines Sur RH 18 Roel Saldico, Roel anong katanungan niyo?

ROEL (REPORTER): Dito sa Bicol kasama ko rito ay si (inaudible) na may katanungan kay Sen. Escudero. Ano ang kanyang masasabi kaugnay sa isinusulong ng grupo ni Dante Jimenez na Bicol Autonomy Movement.

FGE: Actually ngayon ko lamang narinig ang bagay na 'yan, ang Bicol Autonomy Movement o BAM. Hindi ko po alam ang detalye ng ninanais nilang mangyari kaugnay ng awtonomiya ng Bicol at ngayon ko lang po narinig 'yan.

CHAVEZ: Salamat Roel. Mike Gonzales mula sa Muñoz Public Market, Mike Gonzales go ahead.

MIKE (REPORTER): Kasamang Cesar, Senador Chiz ang katanungan dito sa puwesto ng gulay.

VENDOR: Good morning po Sen. Chiz.

FGE: Good morning po.

VENDOR: Ano pong parusa laban sa mga illegal logger, 'yung mga dahilan ng pagkasira ng ating kabundukan, tulad nung sa Bicol po 'yung nangyari.

FGE: Actually matindi at mataas na po ang parusa ng illegal logging sa ngayon. May mga panukala din po kaming inaprubahan para taasan pang lalo yan hanggang reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo. Ang problema ay paghuli po sa kanila dahil kahit 10 taon o 15 taon po ang pagkakakulong sa ngayon kung hindi naman po nahuhuli at kung hindi naman po hinuhuli kahit gaano po kabigat 'yung parusa eh balewala pa rin po. Sana matugunan din 'yung pangangailangan natin para sa enforcers. Sa katunayan sa taong 2012 nagdagdag ang gobyerno ng limandaang milyon para pondohan ang ating forest rangers, ang ating forest guards para mas mapatupad nila ang batas kaugnay ng illegal logging.

CHAVEZ: Maraming salamat, mula sa Muñoz Public Market.

CHAVEZ: Dr. Joe, may ilang mga katanungan dito pero bago yan, bigyang-daan natin yung tanong ni Jun Dimautak na nasa Mindanao.

TARUC: Okay, puntahan natin si RH 19. Jun, anong katanungan mo?

JUN: Ka Popoy, Ka Cesar, alam n'yo itong Mindanao, may isang batas na hanggang sa ngayon pinaguusapan at nagkakaron ng debate. 9254, ito yung bibliya ng ARMM, kung saan yung mga minerals sa ilalim ng lupa ay hindi pagaari ng ARMM, bagkus, pag-aari pa rin ng national. Maghuhukay ka ng tubig, yung tubig na manggagaling sa ilalim ng lupa, pag-aari pa din ng national. Papano ba natin ieexplain ito, senador?

FGE: Sang-ayon sa Konstitutsyon, actually hindi batas yan. Sang-ayon sa Konstitutsyon, lahat ng mineral resources o forest land ay pag-aari ng estado. Hindi ng national government, hindi ng local government, kundi ng Mindanao, ng region ng estado mismo. Sang-ayon naman sa mga batas na pinasa pagkatapos nun, ang pagbibigay ng kapangyarihang magmina, pwedeng large-scale, pwedeng small-scale. Yung large scale ang lisensya n’yan galing sa national government, sa DENR. Yung small-scale, galing sa mga gobernador, sa mga local government units. Ang pagkakaiba ng dalawa, ika nga, pag gumamit ka na ng makinarya, large-scale na yun. Pag gumamit ka ng mano-mano, small-scale yun at may kapangyarihan ang local government unit na mag-issue ng permit kaugnay nyan.

JUN: Ito kasi yung key issue dito kaya nagkakagulo dito sa Mindanao dahil nga dito sa pinaglalaban ng MILF at MNLF na yung mineral products, halimbawa itong Liguasan Marsh na merong oil ay dapat sila ang unag makikinabang dito na mga taga-Mindanao.

FGE: Meron na kaming panukalang batas kaugnay n’yan. Kami man sa Bicol, meron kaming Bacon-Manito, meron kaming Tiwi pero mas mataas ang kuryente namin kesa sa Calabarzon. Gayon din sa Mindanao dapat kung saan galing ang resources, dapat unang makinabang yung pinaggagalingan ng resources. Hindi para angkinin naman nila, kundi para masabi at para mabigay natin na dapat sila ang unang makinabang mula dyan dahil galing mismo yan dyan. Hanggang ngayon nga lang ay pending yung panukala at hanggang ngayon, yung dati at lumang sistema pa din ang umiiral kung saan dahil lahat ng kuryente sa Calabarzon at Metro Manila bago yan bumalik sa pinanggalingan kaya mataas na tuloy ang kuryente kahit na dun mismo kinukuha yung kuryente.

CHAVEZ: Maraming salamat, Jun. Balikan natin si Dr. Joe Taruc.

TARUC: Senator, medyo napapansin lang natin na mula nang lumabas yung annulment issue e mukhang lalo pang dumami yung mga nagtatawagan sa inyo.

FGE: (Laughs)

CHAVEZ: Sen. Chiz, kamusta daw si Anne Curtis?

FGE: (Laughs) Sana nasa mabuti s’yang kalagayan. Pag napakilala mo s’ya sakin... Dahil hindi ko s’ya kilala. (Laughs)

TARUC: Okay. Katanungan tungkol dito sa pagtaas ng presyo ng kuryente. Sabi nila ngayon hindi daw natin makakaila na talagang ang dahilan ng mataas na presyo ng kuryente dito satin eh yung EPIRA law. Ano pong naging partisipasyon ninyo? Kayo po ay mambabatas na sa mababang kapulungan ng mapatibay ang EPIRA law.

FGE: Actually, Manong Joe, alam mo, siguro tatlo lang yata kaming hindi bumoto para dyan eh.

TARUC: Oo nga.

FGE: Isa ako sa mga kongresistang...

TARUC: Isa kayo dun sa tatlo na hindi nakatanggap ng envelope?

FGE: Na hindi bumoto sa EPIRA law.

TARUC: (Laughs)

FGE: Makakalimot ka ba naman dun kung hindi ka bumoto? Hindi po ako bumoto sa EPIRA law nung ako’y kongresista sa paniniwalang dapat pagmamay-ari pa rin ng pamahalaan ang ilan, hindi naman siguro lahat, ang ilan sa mga assets na binebenta ngayon ng pamahalaan, kabilang na yung transmission company o national transmission lines natin. Sana pagmamay-ari pa rin yan ng pamahalaan.

TARUC: Wala na ho bang magagawa ang ating mga kababayan ukol dito? Yang naturang batas, ano yun, maari po bang baguhin yan?

FGE: Actually, Manong Joe, hindi naman yung pag-privatize talaga o yung EPIRA law ang pangunahing may kasalanan. Pangunahing may kasalanan ay yung mga pinasukang ITP at PPA contract nung nagkaroon tayo ng malawakang brownout sa buong bansa.

TARUC: At saka yung privatization, yung mga planta, hindi ho ba? Yung mga planta naprivatize natin pero yung bayad, hulugan. Kung ano yung kinikita ng planta, yun ang binabayad sa gobyerno?

FGE: Yan po yung (inaudible), kung ano ang kinikita, yun din ang binabayad. Maliban dun, Manong Joe, ang problema kasi nung binenta yung mga planta na pagmamay-ari ng NAPOCOR, eh lahat po ng utang eh binalikat ho natin. Alam n’yo ba na ang pinagmulan ng increased VAT, alam n’yo ba na ang dahilan kung bakit pinasa ng Kongreso ang VAT na hindi din po ako bumoto para dun? Eh dahil para mabayaran po yung mahigit isang daan o dalawang daang bilyong utang ng NAPOCOR.

TARUC: Bunga ng kapabayaan ng mga namahala dun sa naturang tanggapan.

FGE: Opo. Na ipinasa po sa gobyerno na pinasa po sa taumbayan sa pamamagitan ng VAT. At alam n’yo kung gano kaswerte yung mga empleyado ng NAPOCOR? Nung pinasa po ang EPIRA, nagretire ang ilan. Ang ilan po, wag na nating pag-usapan yung mga ordinaryong empleyado, yung matataas na opisyal, ay matapos pong bigyan ng retirement ay hinire ulit. (Laughs)

CHAVEZ: Mukhang kulang yung nakuha kaya ni-rehire.

FGE: Yung sa matataas na opisyal lang naman, Manong Joe. Hindi naman yung mga ordinaryong rank-and-file. Sana nung ginawa yun sa mataas na opisyal, ay ginawa din nila sa mababang opisyal para naman patas yung pakinabang. Hindi yung kung sino lang ang malakas at dati nang mayaman ay sila pa din yung makikinabang.

CHAVEZ: Sa madaling salita, lahat sila opisyal sa gobyerno. Eh yung bagong lumalabas na pangalan nitong manager, hindi totoo yun ha?

TARUC: Ano ho yun?

FGE: Kasi may nababasa ho ako dito eh.

TARUC: Kasi ayaw pa rin linawin eh. Ano?

FGE: Hindi nga po naniniwala sa akin eh sa ilalim ng batas at sang-ayon po sa Korte Suprema, kapag hindi dapat pinag-uusapan ang mga bagay na yan dahil subjudice yan.

TARUC: Ano ho ba pwedeng itanong? Sino ho ba ang nag-initiate?

FGE: Ng ano po?

TARUC: Maraming tanong dito, pero ito ang tanong ni Jordan ng Paranaque. Senator Chiz, eto na po si Pax.

TARUC: Maraming tanong dito, pero ito ang tanong ni Jordan ng Parañaque. Senator Chiz, kamusta na po si Pops? Si KC?

FGE: Uy, wag kayong ganyan magagalit si Kiko niyan.

TARUC: Bakit pati si KC?

TARUC: Alright, maraming tanong dito. Bobby ng Las Pinas, may solusyon ba sa pagtaas ng mga bilihin para itaas sana ang sahod. Nahihirapan na ang Pilipino na aksyunan lang ng pangulo ang malaking pondo.

FGE: Pinakamahirap resolbahan ang pagtaas ng presyo. Dapat ay pagtulung-tulungan na ng lahat ahensya ng pamahalaan. Ang problema kasi, kapag nagtaaas ang kuryente at gasolina, sabay-sabay na ang lahat niyan kaya dapat marapat sana pinipigilan na ang pagtaas niyan at iniiwasan ang pagtaaas niyan dahil in domino effect sa lahat ng presyo ng bilihin ay susunod na. Ironically, alam niyo sa taas ng presyo ng bilihin ay nagiging solusyon eh murang mga produkto mula sa smuggling, ay hindi naman siguro tama yon na ang pwedeng pagkunan ng ating mga kababayan ng murang bilihin ay mula sa isang illegal na pamamaraan.

TARUC: May text message po dito Senator Chiz. Huwag nyo daw, iiwanan nyo daw si Erap. Iniwanan niyo ho ba si Erap?

FGE: Walang kinalaman yong annulment ko dun ah?

TARUC: Iniwanan niyo ho si Erap?

FGE: Sa aking pagkakaalam ay wala kaming hidwaan o away ni Pangulong Estrada. Imbitado nga ako sa birthday niya nitong darating na..

TARUC: Batiin namin yan ng advanced happy birthday.

FGE: Advanced happy birthday sa aking ninong kay dating Pangulong Estrada at nawa’y biyayaan pa siya ng Panginoon ng mahabang panahon dahil halos pareho kayo ng bisyo manong Joe eh.

TARUC: Text message mula kay Jimmy Daquiado, increase lang pala ang kailangan para mawala na ang brown out sa Mindanao. Boss talaga ni PNoy ang mga negosyante, senator?

FGE: Uulitin ko, hindi ako sang-ayon na iyon lang ang solusyon. Para sa akin ay may ibang solusyon na pwedeng gawin na na hindi nangangahulugan pagtaas ng presyo. Hindi lamang yon ang choice para sa akin. At para sa akin din, dapat ipaglaban ng pamahalaan ang murang kuryente sa Mindanao para naman makapagsabayan sila, makapagcompete sila sa ibang bahagi ng bansa dahil yun ang advantage ng Mindanao sa ngayon. Huwag natin tanggalin mula sa kanila.

TARUC: Text message, Danilo Azarcon, Cabanatuan. Dapat bang magkaroon ulit tayo ng base militar sa Pilipinas?

FGE: Hindi naman pwedeng hilingin ng America sa atin yan. Bakit tayo mag-vovolunteer? Masyado naman tayong sumisipsip kung saka-sakali. Kung hilingin nila dun natin timbangin kung papayagan natin sila o hindi. Pero ang ginagawa nila na halos ganun na rin Ceasar alam mo, tawag nila Visiting Forces Agreement. Ang tawag pagbisita hindi ba? Eh aalis. Walang bisita na nandiyan 24/7. Walang bisitang 7 days a week. Walang bisitang magtatayo ng sariling bahay. Walang bisitang ganon. Alam niyo ang sabi sa akin ng ilang opisyal ng Department of National Defense na (inaudible) eh yung mga sundalong Amerikano na nagpupunta diyan iba-iba. Every 3 days yan pero yung bansa hindi bisita. Yung mga sundalo ang bisita.

TARUC: Hiling ng PGMA batiin niyo rin Senator. Mula kay Cecil Villarosa. FGE: Belated Happy birthday din po. Alam ko nagbirthday siya April, March 4,5 yata kung hindi ako nagkakamali. Nabasa ko din yun. Sa darating na mga araw pa.

CEASAR: Joe, wala na tayong oras. Magpasalamat muna tayo kay Chiz Escudero. Magpasalamat din tayo kay Doc Lilian. Doc Lilian ,maraming salamat po.

TARUC: Maraming salamat for your time Senator Chiz Escudero.

FGE: Maraming salamat Manong Joe. Sana’y magpatuloy ang inyong paggaling at ng personal na kayong nandito. Galingan ninyo yung pag-dudumbell ninyo. At ang pagbating muli sa ating listeners sa buong kapuluan. Karangalan ko ang makapiling kayo sa umagang ito.

News Latest News Feed