Press Release
May 25, 2012

GMA NewsTV transcript of interview with Sen. Chiz Escudero

STATION: GMANEWSTV
PROGRAM: QRT (Quick Response Team)
ANCHOR: Jiggy Manicad

MANICAD: Kanina ho parang talagang napagtuunan ninyo ng punto ang Foreign Currency Deposits Act bukod pa po dito 'yung kahalagahan ng lahat ng mga public officials na obligahin na ideklara ang kanilang mga deposito. Nasa anong status na po itong bill na ito? Sa ngayon nakikitang talagang napakaimportante niya.

FGE: Nasa plenary na iyan. Matagal-tagal na ring nasa plenaryo. Mag-iisang taon na. Pangalawang committee report na nakarating sa plenaryo ng Senado. At sana, kung ito na talaga ang magiging pamantayan, mga opisyal ng pamahalaan ma-require magsubmit ng SAL, eh 'di sana lahat at hindi lamang si Chief Justice Corona ang dapat sumunod at gumawa nito.

MANICAD: Sa ngayon ho ba masasabi na 'yung SALN parang bumabangga siya sa Foreign Currency Depoits Act? Kasi 'yun 'yung parang binabanggit ni chief justice kanina?

FGE: Iyan ang legal niyang theorya. Subalit pahintulutan ninyo akong huwag munang sagutin dahil sa tingin ko diyan sumesentro ngayon ang pagpapasya ng mga senator-judges. Una, tama ba o mali ang kanyang interpretasyon? Kung tama siya, walang rason para siya maimpeach. Kung siya ay mali, ang susunod na katanungan, sapat na grounds na ba iyun at sapat na rason na ba iyun para siya'y iimpeach at matanggal at tanggalin sa pwesto?

MANICAD: Opo. At ito pong SALN, sa tingin n'yo ho ba eh kahit papaano ay may lusot pa rin dun sa mga public officials na nais magpalusot? May kailangan pa ho ba ito kayong nakikita na para amyendahan pa.

FGE: Alam mo ang problema sa batas na iyan, hindi naman sa may lusot, pero maraming hindi sumeryoso sa batas na iyan. Maraming hindi pumansin sa batas na iyan. Akala nila ganyan-ganyan na lamang iyan. Akala ng mga opisyal natin kinokopya lamang 'yung nagdaang taon dahil nga hindi nila sineseryoso iyun. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa ating kasaysayan ginamit at nagagamit ang SALN para tignan ang fitness o kakayanan, kakayahang manatili sa pwesto ng sinumang nanunungkulan sa anumang opisina sa pamahalaan.

MANICAD: Siguro panghuling salita ho mula ngayon hanggang sa Lunes kung saan ipiprisinta ang oral arguments. Ano po ang saloobin ninyo para sa publiko?

FGE: Una nagagalak ako na dumating na sa puntong ito na matatapos na tayo. Hindi lamang para matuunan natin ng pansin 'yung mas mahahalagang problemang may kinalaman sa ating ekonomiya, epro dahil once and for all may natapos tayong isang impeachment process na hindi nauwi sa EDSA. Hindi nauwi sa postponement. Hindi nauwi sa hindi natapos na kwento. Nagagalak din ako na maski papaano, narereselbohan ang isyu na ito na humati sa ating bansa. Sinuman ang magwagi. Maconvict o maacquit man si Chief Justice Corona. Ang importante manatiling matatag at malakas ang ating demokrasya. At sana, tulad nung rekonsilyasyong nakita natin sa pagitan ng magpipinsan, sa pagitan ng Pmailya Basa at Mrs. Corona, sana makita din nating mangyari iyun dito sa ating bansa once natapos ang prosesong ito.

MANICAD: Opo maraming salamat po.

FGE: Maraming salamat po. Magandang gabi.

News Latest News Feed