Press Release
June 28, 2012

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

On Sen. Pimentel leaving UNA

Q   Nag-usap na daw po si Erap at si Sen. Koko, na pormal na siyang aalis sa UNA?

SP  Hindi ko alam na aalis na. Nag-usap sila? Well, I am sorry about that. I am sad that he is leaving but that is his decision to make for himself. Where is he going?

Q    Sa PDP Laban lang daw po.

SP   He will maintain his party but he will not be a part of UNA?

Q    Paano po iyon makakaapekto sa koalisyon?

SP   Ang nagkasunduan ay yung dalawang partido, hindi indibidwal. Naka-koalisyon pa rin yung party niya sa amin. Ayaw lang niya na dadalhin yung trademark na UNA.

Q    Makasasama po ba yun sa koalisyon?

SP   Nasa kanya na yun. I would not say one thing or the other.

Q    I-eendorso ninyo pa rin ba si Senator Pimentel?

SP  Kung hihingin niya ang tulong ko bilang kaibigan, i-eendorso ko pa rin siya sa mga voters, sa aking lugar. Pwede naman i-endorso ng mga ibang kandidato yung kandidato ng mga ibang partido, wala namang problema yun kung kailangan. Nasa indibidwal yun.

Q    Sa pag-alis niya sa koalisyon, may mensahe kayo para sa kanya?

SP   I wish him the best.

On the PCOS machines

Q    Ano po ang masasabi ninyo sa PCOS ngayon?

SP  Alam mo, pinag-aralan namin yan noon pa. Ako naman ay nung nag-canvass nung boto ng Presidente at Bise-Presidente, bago ko pinasukan yun ay pinag-aralan ko muna yung machine kung merong kalokohan. Pati yung aming receiver doon sa Batasan Pambansa. Kumbinsido ako na mahirap magdaya doon, at posibleng hindi ka makakadaya. Although at that time, I must tell you, there were many rumors about pwedeng dayaan. Maraming nag-ooffer na mayroong ganito, mayroong ganun. Pina-check ko sa mga kakilala ko na magagaling sa ganyang mga makina, sabi nila, imposible nang magagawa yung mga ganyan. Malaking kontsabahan yan pag nagawa yan. So, kumpiyansado ako na walang dayaan. Nung nag-canvass kami, dire-diretso yun.

Q   Sa 2013, wala pa rin kayong dayaan na makikita?

SP  Palagay ko wala naman, pero hindi mo maalis yung haka-haka. Maraming rason yung haka-haka na pagdadaya sa machine na yan dahil merong mga negosyante na gusto nilang palitan yung PCOS para sila naman ang magbenta ng another machine. Sinabi ko nga, gagastos na naman ang bayan ng sampung milyon para magkakaroon ng bagong makina, eh nandiyan na yan, bakit hindi ninyo pa bilhin yan at kung kailangan ng kaunting modification, pwedeng gagamitin ulit?

On the $1 billion loan to IMF

SP  Nasa ehekutibo yun, kung ano ang paningin nila. Hindi ko alam kung ano yung rason nila para tumulong. Baka meron ding pagkakataon na mangangailangan tayo at magpapatulong tayo doon. Hindi ko alam, pero let us leave it to the executive to perform their job.

Q   Yung palasyo po, sinabi na nagbigay na ulit ng deadline yung Financial Action Task Force para i-enact pa yung mga natitirang amendments sa Anti-Money Laundering Law by October daw po? Makakaya ba ito ng Senado?

SP  October? Marami kaming pag-uusapan diyan. Kung gusto nilang i-cancel kami, pwede naman. Hindi ako takot sa mga task-force.

News Latest News Feed