Press Release
July 28, 2012

KIKO NAGBIGAY PUGAY SA MGA PINOY
NA ATLETANG SASABAK SA OLYMPICS

Bingyang saludo ni Senador Francis 'Kiko' Pangilinan ang mga kababayang atleta na sasabak sa 2012 Olympic games sa London.

"Ang Olympics ang pinakamataas na antas ng kompetensya na susubok sa tapang at tibay ng loob at pag-iisip ng indibidwal at grupo sa larangan ng sports. Sa pagsasabak ng ating mga atleta sa tanghalang ito, karapat-dapat na sila'y bigyan ng pugay dahil di biro ang pagdadaanan nila dito."

"Sa ating mga kababayang atleta na nasa London, mabuhay kayo at todo ang suporta ng bawat mamamayang Pilipino sa inyong layon na maitaguyod ang ating bandila sa Olympics."

News Latest News Feed