Press Release
August 16, 2012

Transcript of ambush interview of
Senate President Juan Ponce Enrile

On the Sin Taxes

Q Maaari po bang mamatay yung tobacco industry?

SP Mababawasan ang income nila. Yun lang ang pinanggagalingan ng extra income nila, cash-crop nila yung tobacco.

Q So you are not against the Sin Tax Bill?

SP We are not, but pare-pareho lang dapat ang treatment. Hindi merong papaboran, pagkatapos yung mga iba ay pahihirapan. Hindi ako papayag diyan.

Q What are the chances na itong bill na ito mapasa this year?

SP Ipapasa namin yan pero aayusin namin na hindi distorted. We will remove the distortions para pare-pareho, para mabawasan naman yung napaka-bigat na ipinapataw na buwis. Sabi nila, nakamamatay. Meron bang taong palaging mabubuhay dito sa mundong ito? Sila na nga, nagbabawas sila ng population sa RH Bill. Bakit ang iniisip nila ngayon na paramihin ang tao na nasa mundo natin? Sabi ko nga, balik tayo sa Ad Valorem. Ayaw naman nila. Pareho lang. O sige, tingnan natin.

Q Ano sir yung mga distortions na napansin ninyo?

SP Nandoon sa batas, hindi ko na matandaan.

Q Sir, yung concern na sa health ng mga smoker?

SP Hindi mo mababawasan yung smoker. Kung hindi sila makabili ng sigarilyo, gagawa sila ng sarili nilang sigarilyo.

Q Magiging talamak po yung smuggling ng sigarilyo?

SP Kaya nga sinabi ko kay Dr. Ona, I wish you luck. I will not play around. Sampung taon yung kanyang time frame. On the RH Bill

Q Next week po ba period of amendments na?

SP Hindi pa siguro. Tatapusin ni Tito Sotto yung kanyang Turno en Contra.

Q Tatapusin daw niya next week.

SP Titingnan natin, kung wala nang interpolation, siguro we will enter the period of amendments. Maraming tatanggalin doon, babaguhin din yun.

On Sin Taxes

Q The Ways and Means Committee is looking at the passage of the Sin Tax Bill by October, so it's not possible Sir?

SP I don't know. I doubt it.

On Rolito Go's alleged kidnapping

Q Nakakatawa ba yun na kidnap daw siya sa loob ng Bilibid?

SP I don't know. He is due for release, bakit naman siya tatakas?

Q He was presented by PNP Chief Bartolome kanina, saying that he was indeed kidnapped.

SP Walang rason na tatakas yun.

Q What does that say about the penal system considering na nakikidnap po yung isang inmate sa Bilibid?

SP Kasi yung Bilibid Prison naman, nakatira na sa labas yun. Hindi na siya nakatira sa security area. The public is free to move in and out in the area.

Q May security lapses?

SP Wala.

News Latest News Feed