Press Release
August 29, 2012

DZMM INTERVIEW SEN JINGGOY ESTRADA

Interview with Karen Davila and Vic de Leon Lima
"Pasada Sais Trenta," DZMM 630, 4:30-5:30 PM

On order of arrest against employers of kasambahay Bonita Baran.

Kumusta na yung mag-asawa, sina Marzan?

SJEE: Hindi pa rin nahahanap.

Ano po ang ibig niyong sabihin Senator, yung mag-asawang Analiza at Reynold Marzan siyempre may arrest order na, hindi pa mahanap, nagtatago?

SJEE: Mukhang nagtatago dahil when I conducted a hearing yesterday, yung abogado nila gave the assurance that he will bring the couple in the hearing. But unfortunately when the hearing started, only the lawyer appeared. At sinabi niya sa amin, na noong kinaumagahan kahapon ay nahilo raw si Analiza Marzan at dinala raw sa hospital.

Anong hospital?

SJEE: Noong tinanong ko kung anong hospital at kung sino yung doktor, wala namang masagot yung abogado. So sinabi ko sa sarili ko, niloloko na kami nitong abogadong ito.

Saka yung sinabi sa inyo na self-inflicted, paano mo pa-plantsahin ang mukha mo? Mahirap iyon.

SJEE: Kaya nga, noong nagpa-interview yata si Analiza Marzan sa isang network at sinabi nga na self-inflicted injury lang daw iyong nangyari kay Bonita. Noong tinanong ko si Bonita kung anong masasabi niya doon sa sinabi ni Analiza na siya mismo ang nag-plantsa sa sarili niyang mukha, sabi ni Bonita Baran sa hearing kahapon, hindi naman ako sira-ulo para plantsahin ko ang sarili kong mukha.

To make the long story short, ganitong nagtatago, ipapahuli niyo sila, hanggang kailan ito?

SJEE: Dahil dalawang beses nang hindi um-attend ng hearing, wala na akong choice kundi ipa-aresto itong mag-asawa, si Analiza at Reynold Marzan dahil hindi nga sumisipot sa hearing. Majority ng senators na members ng Labor Committee tsaka si Senate President ay pumirma na para arestuhin itong mag-asawa.

Ang malungkot dito Sen. Jinggoy, parang pambabastos ito sa mga warrant of arrest sa Pilipinas. May arrest order laban sa mag-asawang ito, tapos magtatago sila. Eh ganyan po ang kuwento ng maraming wanted sa Pilipinas, may warrant of arrest na ipinalabas ang korte, magtatago.

SJEE: At bago iyan, nag-issue na kahapon ang Quezon City Trial Court ng warrant of arrest sa kanilang dalawa because of serious illegal detention, no bail recommended. So dalawa na ang warrant of arrest nila, isa galing sa husgado, at isa galing sa Senado.

Naaalarma ako Sen. Jinggoy, I mean wholistically ito sa ating lipunan, may warrant of arrest ang mag-asawang ito, regular citizens po ito, wala naman sa kapangyarihan, kaya nilang magtago, eh ano pa ang mga tulad ni Delfin Lee. Ang tagal nang may warrant of arrest laban sa kanya. Yung mga kasamahan niya sa Globe Asiatique, pipito sila, lahat iyon evading arrest.

SJEE: Oo nga. Ako naman, mayroon pa rin naman akong tiwala sa ating kapulisan na they will do their homework at magta-tiyaga silang hanapin itong mga taong wanted ng batas.

Ang mahirap diyan, baka makalabas yan, baka maka-sibat dahil walang hold departure order.

SJEE: Yun na nga ang isang pangamba ko, dahil walang hold departure order, hindi pa inaaksyunan ng DoJ ang watchlist order, tsaka ang court nag-set pa ng hearing on Friday tungkol sa HDO. So Friday pa dedesisyunan ng korte.

Yun bang katulong, under your custody?

SJEE: Under custody ng PAO, kay Atty. Persida Acosta.

Kasi kahapon, I've heard nagkasagutan si Atty. (Jess) Fernandez at si Atty. Acosta. Nagkasagutan yata.

SJEE: Oo doon sa hearing na kinonduct namin kahapon..kasi mukha naman talagang nagsisinugaling ang abogado ni Marzan, talagang unbelievable ang mga (sinasabi) sa amin.

On UNA senatorial slate for 2013 elections.

Sir, sino na ang slate ninyo sa senatorial race on 2013? Can we count together?

SJEE: Mayroong additional candidates, sina former Senator Maceda at si former Senator Dick Gordon.

Sure na iyon?

SJEE: Yes, I think 100% sure.

Ulitin natin. Ito ang coalition, ang UNA, ito ang United Nationalist Alliance. So nagdagdag kayo ng former Sen. Ernie Maceda, Richard Gordon. Sino pa nga yung iba sir? Joey de Venecia was the Sec-Gen of PDP-Laban. Sino pa?

SJEE: Si Mitos.

Mitos Magsaysay. Migz Zubir, that's 5. Sino pa ba sir? Gringo?

SJEE: Jack Enrile. Greg Honasan.

Six.

SJEE: Loren.

Loren is definitely in your slate.

SJEE: Yes, I think so.

Because si Sen. Chiz Escudero has committed to running under LP?

SJEE: That I do not know. I am not aware of it.

Sino pa yung iba sir. Sino pa yung UNA?

SJEE: Si JV nga pala.

Si JV, that's eight.

SJEE: Hindi sampu na iyon. Si Gov. Gwen Garcia.

Gov. Gwen. Nine pa lang.

SJEE: We will consider Nancy Binay, the daughter of Vice President.

Sure na ito?

SJEE: Hindi pa naman sure.

Will you fill up 12?

SJEE: Definitely, we will fill up 12.

Ilan ba pwedeng tumakbo sa 2013, is it 12 or 13?

SJEE: 12. Only 12 because Sen. Miriam is still with us.

Si Sen. Miriam, kailan po ba siya aalis?

SJEE: Depende kung tawagin siya ng international court, according to her.

It may not be this year?

SJEE: It may be this year, it may be not this year...The term of Sen. Miriam will expire or end on 2016.

And senator, ang binanggit mo lang na pangalan ay siyam. Hindi pa tayo umabot ng sampu.

SJEE: Alam ko sampu na iyon. Baka may nakaligtaan.

Senador, thank you.

SJEE: I'll update you kasi may meeting kami sa September 5.

News Latest News Feed