Press Release
September 12, 2012

Transcript of Ambush Interview 2 of Senate President Juan Ponce Enrile

On the Senate leadership

SP: Hindi ko naman pwedeng maging kasama lahat ng senador. Kung mayroong natutuwa, mayroon ding medyo nadidismaya sa aking pamamalakad. Talagang ganoon.

Q: Ano raw, sir, ang ikinadidismaya nila?

SP: Hindi ko alam.

Q: Tungkol kaya sa RH?

SP: Hindi. Hindi naman sa RH 'yun. To be fair sa mga sponsors ng RH, wala 'yun. Mga mature 'yun. Mayroon lang mga taong siguro hindi nagugustuhan ang aking desisyon dahil hindi ko mapagbigyan. Ganoon. Dagdag ng budget, posisyon sa Senado, syempre hindi ko naman mapapaligaya lahat ng tao kahit sinabi ko, "Gusto ko, happy ka!" Di ba? Mahirap nating magawa na happy lahat ng tao.

Q: Pero nabanggit niyo, sir, na kung totoo man 'yun ay handa kayo...

SP: Totoo 'yun. Bakit ko naman ipagkakait 'yung pwesto sa sinumang gusto ng Senado? Ako mismo, kung makuha nila 'yung mayorya sa Senado, iboboto ko 'yung gusto nilang iboto.

Q: Internal po 'yung source ng discontent nila?

SP: Ewan ko. Ang alam ko ay mayroon atang hindi happy sa akin. Okay lang 'yun.

Q: Hindi po ba ito parang related sa issue ng CamSur?

SP: Hindi. Wala 'yun. Hindi sa CamSur.

Q: So, sir, gusto lang po ba ng isang party na mag-gain ng control?

SP: Hindi ko alam. To be fair to the Liberal Party, walang move. Pati 'yung Nacionalista Party, walang move. Personal 'yun.

Q: Paano ire-resolve, sir, 'yung wala pang resolution 'yung hearing sa Friday? Will you resolve it this afternoon?

SP: Bahala sila pero ako, bilang head ng Senado, kinausap ko si Majority Floor Leader pati ang mga abogado ng Senado na pag-aralan. Ganyan ako, ina-anticipate ko ang mga problema.

Q: Pero sir, pupunta kayo sa Friday?

SP: Mayroon akong okasyon sa Friday.

News Latest News Feed