Press Release
September 27, 2012

Transcript of Kapihan sa Senado
Second part

Meron na kasing mga coalition partners and they would be fighting against each other pagdating sa local level.

That is possible and that is happening already. Take for example the case of Cavite bagama't coalition partner ang LP at NP meron local na banggaan sa lalawigang iyon gayun din sa ilang lugar sa pagitan ng LP at NPC at malamang meron din sa pagitan ng LP at NUP o NUP at NPC at iyong iba't-ibang variation nun paumanhin hindi ko alam at kayang magsalita tungkol doon dahil hindi ako bahagi ng mga partidong bumubuo ng coalition at hindi ko rin alam kung paano aayusin iyon pero malamang ang aalukin nilang kasunduan libre ang laban sa baba basta ang susuportahan linyada sa taas ay iisa at pareho.

Hindi pa man nag-iistart ang election ay magkaroon ng break up ng coalition sa local level.

Ayoko magsalita para sa coalition dahil hindi ako bahagi ng ano mang partido bumubuo ng coalition malamang ang mangyayari na gagawin nila sa mga lugar na iyan bahala ang kada kandidato kung saan stage tatayo o baka hindi mag organize ng rally doon sa lugar na iyon para walang masaktan kung saka-sakali. Again, ayoko magsalita at hindi ako nagsasalita para sa kanila binabase ko ang sagot ko sa mga nagdaang election kung saan may zone na libre ganun ang ginagawa.

Independent candidate ka, paano iyon may mga kaalyado ka ba sa mga local level mga local officials hindi ba dapat iyon ang meron ka sa ganun na level

Kapag dinala ka ng isang coalition automatic lahat ng miyembro ng bumubuo ng coalition sana dala ka na rin kaya iyon ang kahalagahan ng parte ng coalition bagaman independent ka wala naman pinagkaiba iyon sa isang kumakandidatong may partidong maliit o kokonti ang miyembo kapag dala ka ng coalition lahat ng coalition ay dala na siya at hindi lamang iyong maliit niya na grupo o partido.

Kukunin ba ni Sen. Chiz si Heart.

Hindi pa kami nagpapasiya kaugnay ng kampanya at kung ano ang gagawin namin sa kampanya dahil malayo layo pa iyon siguro pagdating ng tamang panahon doon pa lamang naming pagpapasiyahan iyan hindi naming pinaguusapan iyan sa campaign team.

Ano iyong pinag-uusapan ninyo.

Sa campaign team nga e dinagdagan ko pinag-uusapan namin sa campaign team.

Hindi niyo ba kinokonsider na unfair for other candidates na kayo parang may mga nagdidiscribe nga doon sa mga magiging common candidate na parang sigurista kayo.

Lahat ng tumatakbo kung bibigyan ng pagkakataon siguro gugustuhin din nila iyon pero hindi naman para sa amin na piliin o pagpasiyahan na gaya ng sinabi ko. Ang magpapasiya niyan ay iyong mga miyembro o lider ng ibat-ibang leader o coalition pero kung sino man mga tumatakbo iyon ang gusto niya na sitwasyon na malagay siya. Sino man na tumatakbo na mayor, governor, o congressman gayun din siyempre mas gusto niya na siya ang dala ng lahat ng partido ganun din siguro sa level ng senador o kung sino man ang tumatakbo para sa ano mang opisina.

How it is important na maging number 1 kayo this election.

Importante sa akin na manalo sa eleksiyon na ito mahirap iyong nagyayabang at nag aambisyon baka madapa at matisod. Turo sa akin ng tatay ko tumakbo ka na parang takot na takot ka at hinahabol ka ng mga asong hayok at gutom para mabilis ang takbo mo. Ang rank sa darating na halalan ay hindi kasing halaga ng pagkapanalo para sa akin tulad nga ng sinabi ko six years din ang term niyan parehas lang din ang suweldo namin at wala naman sa ranking ang matatanggap mo na committee dagdag mo pa diyan kung inuugnay mo sa 2016. Wala pa maliban kay pangulong arroyo na duda pa ko kung totoo iyon ang nanalo sa pagka presidente na nag number 1 sa ano mang senatorial slate o election.

May information na kayo ang nag number 1 among the senators na may pinakamataas na trust rating.

Hindi ko alam kung authorized kaming ilabas iyon dahil pinakita lang din yun kopya sa amin mas maganda siguro iyong nag survey na lamang magsalita kaugnay sa bagay na iyan kung meron o wala. Ayaw ko manggaling sa amin.

Meron may nakarating na sa inyo iyong information na iyon.

Lahat ng survey naman nakikita namin ang iba nga lang ay pinakita lamang dahil hindi kami nag commission so hindi para sa amin na ilahad o ilabas iyon. Mula naman sa simula hindi naman kami nagpabaya kaugnay ng rank sa trust o sa approval sa trabaho na ginagawa namin sa Senado kung pang ilan iyon hindi para sa akin na sabihin.

Bakit mo nasabi na importante na manalo ka sa eleksiyon na ito.

kaugnay na tanong niyo kanina na importante ba na mag number 1, number 2 o number 3. Para sa akin mas importante ang manalo kesa maging number 1,2,3 bonus na lang siguro iyon. Ang importante manalo sa eleksiyon na ano mang tinatakbuhan mo.

Gusto mo ba uling manalo dahil sa tingin mo na may mga maiiwan ka pang ginagawa mo

Siyempre nais kung ipagpatuloy ang mga ginagawa ko sa pananaw at sa palagay ko at sana ganun din an gating mga kababayan. May ginagampanan akong tungkulin dito hindi lamang para sa sarili ko kundi para sa ating mga kababayan. Kaya muli akong tatakbo at iaalay ang pangalan ko sa dambana ng balota para pagpilian para maging isa sa labingdalawang senador sa darating na eleksiyon.

After 2013 elections do you expect some changes in senate leadership.

Hindi ko kayang sabihin iyon depende, kung titingnan mo sa kasalukuyang make up ang mananalo sa magkabilang panig ay halos pantay o parehas hindi rin naman nakabase sa political affiliations iyong botohan, halimbawa, isang dahilan kaya sa tingin ko na kaya may lumabas na balita na kudeta ay iyong coalition o partnership na ang LP, NP at NPC na kung pagsasamahin mo nga naman iyong LP, NP at NPC sa senado e mas konti iyon kesa sa mga miyembro ng PDP o PMP siguro isa iyon sa pinanggalingan ng balitang kudeta pero mas alam niyo ang laro dito sa senado na hindi naman binabase sa linyadang iyon ang botohan ng senate president dito sa senado. Ano man ang mangyayari sa configuration ng mga partido sa 2013 hindi nangangahulugan na mag rereflect agad iyon sa kung sino mang uupo na senate president at ano ang magiging partido.

Willing ka ba na makasama sa isang slate si Sec. Mar Roxas sa LP kung sakali.

Hindi ako galit sa kanya at wala kaming pinag awayan nagkataon lang na hindi ko siya sinuportahan o binotohan noong nagdaang eleksiyon. Wala naman problema sa akin iyon at marahil siya rin. Kasama at kasabay na iyon kapag nasama ako sa coalition dahil siya ang tumatayong pangulo ng Liberal party.

May admission mismo si Sen. Trillanes na ma unseat si Senate President Enrile until now may mga rumor na may number na daw para isagawa ang kudeta, sa inyo ba ni minsan wala bang lumapit.

Walan lumapit sa akin for the record and off the record pareho walang nagtanong walang naghikayat walang humiling at iyong ilan sa inyo hindi lahat mas matagal na senado mas kabisado na niyo kapag may kudeta kapag pinag uusapan o ginagawa mahigit isang lingo o dalawang lingo pa bago magbukas muli ang senado. Tiyak ko ni hindi mapapagusapan sa forum tulad nito. Ang pinakamaliwanag na ebidensiya ay wala maliban sa walang kumakausap sa akin.

Ano yung root cause ng clash between Senate President Enrile at Sen. Trillanes iyong kontrobersiyal na Cam Sur Bill

Base sa kani kanilang talumpati iyon ang root cause kung may iba pa na mas malalim na dahilan hindi ko na nalalaman na para sa kanila na sabihin iyan, pareho silang miyembro ng Senado at pareho silang hinalal ng milyon n gating mga kababayan alam na nila ang hindi at ano ang dapat na gawin dapat sabihin at hindi dapat sabihin hindi para sa kapwa nila miyembro ng senado na magsabi o diktahan o pagsabihan sila kaugnay diyan iyan ang pananaw ko sa hidwaan nila.

Tungkol sa Cam Sur may chance pa ba na ma aaproved after ng filing puwede pa na makahabol na tatakbo doon sa Ike create na bagong probinsiya.

Kung ang habol nila ay makahabol sa 2013, depende iyan sa comelec kung ma adjust pa nila iyong last day of filing pero malay niyo na ang habol lang nila ay ma aprobahan lang ke humabol sa 2013 o hindi. Batas pa rin naman iyon kung saka sakali ma aaprobahan sa plebesito na dapat sundin mas magastos nga lang siguro pero umabot man o hindi sa 2013 hindi relevant iyon kaugnay sa pag pasa ng batas na ito sa senado.

Kinekwestyon po at inooppose ang online libel provision sa Cybercrime Prevention Law. Kumbaga hindi pa man napapatupad meron nang opposition na ipatupad becasue of that provision. Anong pananaw ninyo?

Nakalusot sa amin iyon. Hindi ko nakita iyon noong kami ay bumoto at pumirma sa Committee Report pero maliwanag ang posisyon ko kaugnay sa bagay na iyan. Isa ako sa principal authors, o hindi man, unang nag-file para i-decriminalize ang libel sa ating statute books. Sa ngalan ng pagiging consistent, kung nandyan nga iyan ay kasalukuyan nga naming pinag-aaralan ang paghain, maski na ganito kaaga, ng amendatory law para alisin at i-repeal ang provision na iyon para maging consistent sa nauna kong bill na nai-file kaugnay ng repeal ng Libel Law para maging civil na lang ang liability at wala nang criminal liability.

So kayo ang mag-i-initiate para ma-amend ang law?

Iyon ang titignan namin sa ngayon dahil may ilan ring mga probisyon doon na okay naman maliban sa ilang probisyon lang na ginagawang criminal muli iyon. May liability pa rin siguro dapat pero civil na lamang at hindi criminal.

Bakit nakalusot iyon inyong ni-ratify na bicam report?

Ayokong magbigay ng dahilan o anumang motibo. Aaminin ko na lamang siguro ang aming pagkukulang personally. Kaugnay niyon, hindi ako makapagsalita sa ibang senador. Nakalusot sa amin iyong pero maliwanag naman ang posisyon ko kaugnay niyon. Tutol ako doon dahil nga sa nauna kong panukala para i-decriminalize ang Libel Law.

Nangyari raw insertion during the period of amendments not in bicameral.

Hindi ko natutukan ang pagpasa partikular ng provision na iyon na nagsingit o naglagay ng libel sa amendment period man o bicam man pero ngayong nakita namin, para maging consistent nga sa nauna kong bill na nai-file, pinag-aaralan namin ang pag-file ng amendatory bill doon sa batas na iyon.

Did you ask the principal author paano nainsert?

Hindi.

May report na Sen. Tito Sotto daw ang nag-insert ng online libel provision.

Hindi ko rin alam at wala rin akong personal konwledge kung siya nga ang naglagay niyon. Again, kaya hindi ko nga alam ay nakalusot nga sa amin. Kung nalalaman ko hindi sana nakalusot iyon siningit man sa anumang stage ng bill dahil sa posisyon ko kaugnay sa libel law.

Kung iaamend, paano nyo ia-amend in such a way na meron ding responsibility ang mga bloggers..?

Tatanggalin ko lang ang criminal responsibility. May liability pa rin naman pero civil. Ibig sabihin walang kulong.

Cybercrime Prevention or the entire law itself?

Ang bill ko i-decriminalize ang libel. Ito kung may criminal provision ang libel sa cybercrime law o bill, criminal liability ang tatanggalin ko. May liability pa rin naman pero civil na lang.

So kung may kumekwestyon hindi na muna iimplement ang batas kahit revently nilagdaan na ni President Aquino?

Hindi ganoon iyon. Maliban na lang kung magpapasa ang Kongreso ng joint congressional resolution na sinasabing ipagpaliban iyon which has the force and effect of law. Pag walang ganoon pwedeng ipatupad ang btas na iyon. Tama ka, sana magkaroon ng policing ang paggamit ng internet. Ang lamang ng gumagamit ng internet kumpara sa inyo ay kayo kailangan ninyong ilagay ang pangalan at pirma at mukha ninyo sa sinusulat at sinasabi ninyo. Sa internet they have the benefit of anonymity. Minsan hindi mo alam kung sino iyon, nasaan siya, at tunay na katauhan niya. Iyon ang mahirap sa cybercrime na libel. Ni hindi mo alam kung sino ang kakasuhan mo at hindi naikonsiderang libel dahil lumang batas iyan. Paano ang pag-repost, re-tweet? Kung may sinulat si Mr. X na ni retweet mo pati ba ikaw damay na rin?

News Latest News Feed