Press Release
October 31, 2012

Transcript of interview of Sen. Alan Cayetano

(1) Cayetano wants Powerhouse legal team to go down hard on corruption cases

Reporter: Sir, reaction po dun sa SC TRO on the PCSO plunder case?

Senator Alan Peter Cayetano (ASC): Ang kaibahan kasi ng prosecution and persecution ay yung prosecution may proseso. Ibig sabihin dapat mula sa korte ay magkaroon ng fairness sa paglilitis. Ang persecution ay ikaw na ang nag-akusa, ikaw pa lilitis at ikaw pa ang magkukulong.

Hindi natin sinisisi ang korte kapag buong katapatan nilang nakita na kailangan i-TRO o may pagkukulang. Katulad nung naka-piyansa doon sa Comelec case.

Kaya mula sa umpisa, dalawa ang aking rekomendasyon: Una, magkaroon ng matibay na legal team. Katulad noong nangyari noong araw na kakaupo pa lamang ni GMA. Yung mga civil societies, universities, at pribadong mga abogado ay nagtulong tulong sa mga plunder cases at sa mga anti-graft cases. Di natin ito nakikitang nangyayari ngayon sa Aquino administration. Ang nangyayari, bahala na ang DOJ at bahala na ang Ombudsman.

But we need all the help we can get. So we need a powerhouse legal team for these cases. Because the grafters and all those accused in the Arroyo administration led by the former First Gentleman and GMA will not easily surrender. Hindi sila basta-basta. They will use all their powers, their money and their resources to fight the system. Kaya kapag hindi powerhouse ang legal team mo, nasa dehado ka na agad.

Two, no institutional reform or institutional change was put in place as far as the investigations are concerned. Itong PCSO case ay base sa Senate investigation. Ang Senate ay in aid of legislation at hindi naman para sa prosekusyon. Kailangan magkaroon tayo ng agency o ng sistema na maimbestigahan lahat ng ito. Maski Hello Garci, Fertilizer Scam, PCSO scam at iba pa para ang ebidensyang makukuha ay kumpletong kumpleto. Ngayon kasi kanya kanya kung sino ang magiimbestiga.

Lagi kong sinasabi na kailangan nating habulin ang medyo nasa gitna o ang mga nasa ilalim mismo ng mga mastermind para maituro ang mastermind. Ang nangyayari kasi, halimbawa sa Hello Garci, hindi kinakasuhan si Garci. Hindi kinakasuhan yung nasa lebel niya o yung nasa ilalim niya katulad ng mga Garci boys. Andiyan pa sa Comelec yung iba.

Anong nangyayari? Walang nagiging matibay na witness. Sa kaso, hindi mo naman kailangan palagi ng witness, pwede namang by documents. Pero ibang iba pa rin ang may nagsasabi na bahagi siya ng krimen o nakita niya kung paano nagawa yung krimen.

Sa tingin ko, kung totoo na nagkakaproblema yung mga kinakaso sa former President, one way of getting their act together is to put together a powerhouse legal team. Then magbrainstorm talaga ang Palasyo with these legal minds kung paano nila makukuha ang ebidensya.

Hindi pwedeng kasuhan mo lang kasi. Kailangan lumakas ang kaso. Kaya sinsabi sa maraming bansa sa failure yung anti-drug campaigns. Kasi huli nang huli ang mga pulis, pero after 6 months or ilang taon ay nakakawala kaya baliwala din.

Malaking bagay na ang administrasyon na ito ay seryoso sa pag-prosecute at ikinukulong ang mga may sala. Pero isang importanteng bahagi nito ay matibay ang mga kasong isasampa nila.

Reporter: So hindi po ba sapat na Senate committee report lang ang pinagbasehan nila? Nakikita niyo po ba na walang patutunguhan ang kaso?

ASC: Wala akong comments sa merits of the case. Unang una bawal sa abogado ang magcomment doon. What I'm saying are my observations on cases like that of the Comelec's. Pinagpipilitan ng Comelec na malakas ang kaso. Pero pinayagan namang magpiyansa si GMA at yung iba. Kung huwes ang nagsabi na di malakas ang kaso bakit mo ipipilit pa? Dapat palakasin mo nalang ang kaso.

Ganoon din sa Supreme Court. Whether it was a technicality or whatever the reason is behind the TRO, shouldn't we look at ourselves? Shouldn't agencies like the Ombudsman, DOJ and the Palace legal adviser look at the case and evaluate the problems causing these?

Reporter: Sir yung ginagawa ba ng Ombudsman is not enough?

ASC: It depends on which case. Katulad noong naunang na-dismiss, hindi pa naman time ng current Ombudsman yun noong finile iyon. But that doesn't stop the Ombudsman from reviewing it and trying to strengthen it.

Ayaw ko namang sabihin na hindi nila ginagawa ang trabaho nila. Ang sinasabi ko ay marami talagang balakid at marami talagang pagsubok. That's why noong panahon ni GMA noong kinasuhan niya yung Estrada administration, kahit na bago ang Ombudsman o sila ang naglagay ng Ombudsman at DOJ ay sa kanila, they got the help of NGOs and brilliant legal minds at ginawa nila itong multi-sectoral bukod sa apela nila sa tao upang magkaroon ng witnesses. Bukod pa ito sa ginawa nilang work na humanap talaga ng mga witnesses.

Reporter: So kailangang gawin nila yung ginawa ng Arroyo administration?

ASC: I think very clear that there's much more work to be done. Halimbawa sa NBN-ZTE, sa Hello Garci at sa Fertilizer Scam, ang dami pa diyang hindi gumagalaw at ibang bahagi niyan na andito pa sa gobyerno.

--

(2) Cayetano: Not all Political families are corrupt

Reporter: Sir, reaction lang po sa sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na kapag napasa ang Anti-Dynasty bill magreresign daw siya bilang senador para kung sakaling manalo ang anak niya ay hindi dalawa ang Enrile sa Senate.

ASC: Kapag napasa naman ang batas at depende sa form ng batas, lahat naman tayo ay sumunod. Very clear naman yun. I think response niya lang iyon sa magiging tanong na kung sa pamilya ay pwedeng isa lang, sino sa inyo?

But that's a big if. Ako naman ang sinasabi ko dati ay nawawawala tayo sa issue. Ang tunay na issue kasi dito ay equal opportunity. Sa Pilipinas, lamang na lamang ang mga makapangyarihan at may pera whether may mga kamag-anak sa gobyerno o wala.

So how do you create a system like that in the US where one Barack Obama became the President of the United States? Number one, yung question ng fund raising sa eleksyon. Number two, ang issue talaga ay kung sino ang corrupt at sinong hindi. Kung magkakamag-anak kayo sa gobyerno pero pare-pareho kayong malinis, mas mabuti ba yun sa isa ka lang sa gobyerno pero napaka-corrupt mo?

Ang aking advise doon sa mga advocates ng anti-dynasty ay tukuyin niyo na. Kasi mali, unfair at di nakakatulong yung sabihin niyo anti kayo sa lahat ng dynasties. Pero kapag tinanong kayo ng hindi nakaharap ang kamera ay sasabihin niyo itong pamilya na ito okay, ito hindi.

Wala namang masama especially during campaign period na sabihin niyo na "itong mga pulitiko na ito magkamaganak man ay okay naman, malinis ito". Pero itong mga ito, "magkamaganak man o hindi ay corrupt".

Yun ang problema natin. Marami tayong anti-something at palagi tayong generalities pero ayaw nating tukuyin talaga. Why not have a clear understanding kung sinong dapat hindi? Sinong corrupt, walang ginagawa at inutil sa gobyerno, yun ang wag iboto. Kung sino man ang dapat, yun.

I think ang nakikinabang dito sa mga anti movements na nagiging "sexy" sa discussions ay tinatakpan ang mga tunay na isyu. The real issue ay sino ang corrupt, makasarili at tumatakbo para sa sariling kapakanan at sino naman ang hindi corrupt at nakakatulong talaga sa bansa.

--

(3) Cayetano suggests review of taxation system in the country

Reporter:

ASC: I think there's a consensus that health is a priority and that we should get as much as we can. But there is also a consensus that some sectors will be hit. I'm not talking about the tobacco industry but rather the farmers and the stores.

Definitely it will be better than the first report. Pero kung ano talaga ang stand sa actual, that will be the subject of a caucus that we will have soon. And it's not just for the minority or the Nacionalista Party.

Although we still don't have a hard stance, we're talking about it. Not just about the Sin Tax but the system of taxation of the whole country. Kasi napakalaki ng pagbuwis sa ating bansa at napakaraming mahihirap na tinatamaan pa rin ng VAT.

So I think we have to look into the whole taxation system. But between Nov. 5 until the next week, ito ang magiging mga matinding diskusyon. Lalo doon sa mga hindi pa lumabas sa media na napagusapan ng Senado behind closed doors which includes various options on how to raise the sin tax. Ano yung mga subject ng tax at bukod doon, ano yung nasa labas nito na pwede rin i-tax.

News Latest News Feed