Press Release
November 21, 2012

Transcript of Sen. Loren Legarda's press conference on the Senate hearing on the issue of wastewater dumping in Subic by a US Navy contractor

The findings are clear, number one, maliwanag na mayroong mga violations ang Glenn Defense Marine Asia sa mga regulasyon ng ating pamahalaan. Una, hindi sila kumuha ng permit mula sa Philippine Coast Guard at hindi sila nasamahan sa kanilang pagtapon ng dumi beyond 12 nautical miles. Pangalawa, hindi nila na-treat yung dumi o hindi sila sigurado kung yung dumi ay treated dahil ina-assume nila na ang US Navy ship na source ng dumi ang naglinis ng dumi. Ngunit yung kapitan naman ng isang US Navy ship, base sa isang report sa DENR at kay Mr. Garcia ng SBMA ang nagsabi wala silang treatment facility.

To simplify, maliwanag na mayroong violations ang contractor na Glenn Defense Marine Asia at maaring marami pang kamukha nila na hindi kumukuha ng permit mula sa Coast Guard, at pangalawa, na hindi naglilinis ng waste dahil base sa resulta ng SBMA Ecology Center ay sukdulan ang taas ng lebel ng toxicity o ng dumi ng waste na ito. Maaring hindi hazardous dahil domestic waste, ngunit yung bacteria, virus, yung dumi na galing sa mga ships na ito ay nakakamatay at nakakasira ng kabuhayan.

There are violations of the Phil. Coast Guard Memorandum Order, of the Clean Air Act, of DENR guidelines, etc.

Hihingin ko sa DENR ang kanilang mga rekomendasyon kung ano ang dapat pang gawin ng SBMA, ng Coast Guard at ng contractor na Glenn Defense Marine Asia at lahat ng kamukha nila sa buong Pilipinas. I will input that into the committee report.

Maliwanag na kailangan ng simpleng pamamaraan sa koordinasyon ng mga ahensiya ng gobyerno. Inamin ng Glenn Defense Marine Asia na hindi nila alam na mayroong 2006 na circular ng Coast Guard na kailangan pala silang samahan pag sila'y nagtatapon ng dumi beyond 12 nautical miles. Kaya nagulat ako na hindi nila alam ang patakaran na ito ng Coast Guard. Kailangan suportahan ang Coast Guard sa kanilang pagsasama, pagmomonitor ng pagtapon ng dumi ng mga barko.

Anng isyu ng VFA ay ibang isyu at magko-conduct ng hearing ang LOVFA hindi lamang tungkol dito, ngunit dahil matagal ng overdue ang pagsasagawa ng hearing na yan.

Q: Meron bang criminal liability ang Glenn Defense Marine Asia?

Yan ay pag-aaralan natin Bilang Senate committee, hindi naman tayo ang maghahabla o uusig. Tayo ay nandito para magbigay ng solusyon sa nangyari. Kaya ang ating immediate na solusyon dito ay napaamin natin diba?

Si Admiral Mayuga, in behalf of the contractor, inamin na talagang may pagkukulang, inamin nila nga na walang permit sa Coast Guard, hindi nila alam na kailangan silang samahan sa pagtapon ng dumi, at inamin nila na hindi sila sigurado na treated yung waste dahil ina-assume nila na treated na yung waste. Kaya, ang pag-uugnayan at pag-aayos ng proseso ay dapat gawin. Kung kailangan ng clean-up ay sila ang gagawa, kung kailangan ihabla o magbayad, yan ay sila ang mag-uusap. It's not for the Senate committee to do that. It may be part of the recommendation, but we will have to study that.

Q: Would you recommend po to suspend their license to operate/contract?

Ang Marina ang nagbibigay ng permit sa kanila, kaya maaring maging parte yan ng ating rekomendasyon kung ipagpatuloy man o hindi ipagpatuloy, depende sa pag-aaral na gagawin natin. Pero immediately, binigyan ko sila ng taning na November 30 na kanilang ibibigay kung paano sila nagkasundo sa proseso.

It cannot be business as usual. Hindi maaring ang ating paraan ng pagtapon ng dumi, land-based man o sa karagatan man ay ganun na lang, dahil taun-taon ay nangyayari na ang fish kill. Ito ang example kung bakit kumukonti na ang huli ng ating mga mangingisda, ito ang example kung bakit nagugutom ang mga mahihirap. The bounties of Philippine seas are definitely affected by the disregard for environmental laws. The environment is a gut issue.

Hindi natin papayagan na ang Pilipinas ay maging basurahan, tapunan ng dumi ng mga dayuhan. Hindi tayo papayag na ang ating karagatan na siyang nagdudulot ng biyaya at pagkain sa ating mga kababayan sa kanayunan ang siyang dudumihan ng dumi ng mga dayuhang sundalo.

We will not allow the waste of foreigners to destroy the marine life and the source of livelihood of our people.

News Latest News Feed