Press Release
November 22, 2012

Transcript of interview with Sen. Manny Villar and
Mrs. Cynthia Villar (2nd OFW and Family Summit, World Trade Center)

On OFW Summit

M. Villar: Napakahalaga ng OFW sa atin. Napakarami nilang kababayan natin at napakalaki ng pagtulong nila sa atin. Magiging napakahalaga pa nila sa ating buhay kaya itong mga summit na ganito na ginawa natin, kailangan ito para at least once a year nagkikita-kita itong segment na ito ng populasyon natin ng OFWs para mapag-usapan kung paano natin maiaangat ang kanilang buhay, kung paano matutulungan iyong mga nangangailangan na OFWs.

Ilang OFW po ang dumalo ngayon?

M. Villar: Mamaya dadami pa iyan. Normally towards lunch time o mamayang hapon ay mapupuno po ito sapagkat inimbita naming ang mga OFWs para makita nila iyong posibleng livelihood na pwede nilang gawin. At least once a year may ganitong summit at alam nila na dito ay puwedeng pumasyal, makita iyong mga pwede nilang gawing livelihood at iyong may mga kinalaman sa OFW ay pwedeng pumasyala at makipagkwentuhan at makipagtulungan sa ating programa para sa OFW.

Iyong pino-propose ninyo na Department of OFWs, hindi ba magiging redundant iyon sa DFA?

M. Villar: Hindi naman. Alam ninyo, ang pangangailangan ng OFW ay napakalaki na kinakailangang lahat tayo ay magtulong-tulong. Kulang ang DFA, kulang ang DOLE. Lahat tayo ay magtulong-tulong. Milyun-milyon po ang mga kababayan natin doon, iba't iba po ang problema. Merong gumaganda ang buhay, merong hindi. At iyong mga konti naman na medyo minamalas, doon tayo dapat tumulong lahat. Hindi masasabing sapat na ang tulong. Kulang pa. Maski magsama-sama pa lahat iyan. Kaya nga ako ay naniniwala na dapat may sariling ahensya, may sariling departamento ang mga OFWs.

OFWs in Israel

M. Villar: Iyong sa Israel, Gaza Strip, nangyayari na naman iyan. Nakita na natin iyan sa Egypt, Tunisia, Libya, Syria. Ngayon nangyayari na naman. Dapat talaga meron na tayong isang ahensya ng gobyerno na full time para diyan. May sapat na pondo, may sapat na kakayahan, at walang ibang gagawin kundi iyan lang. Asahan na natin na hindi titigil iyan. Parating merong lugar sa mundo na may problema ang OFWs kaya dapat may ahensya para diyan lang Iyong meron tayong undersecretary for migrant workers ay masyadong kulang. Alam ninyo noong 20-30 years ago, hindi naman ganyan kahalaga ang OFWs, konti lamang ang mga kababayan natin pero sa ngayon iba na. Malaki na ang kanilang papel sa ating buhay. Hindi lamang milyon-milyon, 10 milyon na. kung wala iyong kanilang remittances sa ating bayan, bagsak ang ekonomiya natin. Napakahalaga nila na hindi pwede ang isang undersecretary lamang. Ang kailangan talaga ay isang cabinet member.

Nai-file na ba iyon?

M. Villar: Nai-file ko na. Dangan nga lamang at syempre may resistance on the part of some people na magdagdag ng departamento. Sabi ko nga, hindi kailangang magdagdag, ang kailangan ay rebyuhin natin ang lahat ng departamento at iyong pinaka hindi importante, iyon ang palitan natin. Iyon ang gawin nating bureau tapos ang OFW ay gawin nating department. Syempre nagpapalit ng importansya. Sa ngayon, mas importante na ang OFW kaya dapat department na iyan. Iyong ibang department ngayon sa tingin ko ay pwede nang gawing bureau na lang dahil hindi na ganun kahalaga.

May plano po ba na mag-conduct din ng summit sa Visayas and Mindanao?

M. Villar: Iniisip din namin iyan, ang magkaroon ng OFW summit sa Visayas at Mindanao. Pangalawang taon na ito, oobserbahan namin kung ano ang karanasan namin dito. Nakikita ko nang maganda at dapat meron din sa Visayas at Mindanao para talagang nationwide ang mga ganitong events.

News Latest News Feed