Press Release
November 28, 2012

Transcript of Interview
Cayetano, JCOC-AES seek safeguards to ensure a clean
and credible 2013 Automated Election

There are three important things about the three crown jewels - machines, ballots, and transmission - that the JCOC-AES hearings wish to look into: First, the safety nets or safeguards. It is important that people know that they are reliable and that if there is tampering, we can prevent cheating and identify those to be held accountable. Second, the relevance of Dominion vs Smartmatic issue and its impact on the Philippine 2013 election. Will we be in trouble? How will that affect us here. Third, Reliability. We keep going back to the issues encountered in 2010. The relevance of this is that if the problems before have not been resolved, then how can automation be credible and effective come 2013?

Reporter: Is the Comelec ready for the 2013 elections?

Senator Alan Peter Cayetano (ASC): Maraming nagsasabi na nangangamba sila sa automation ng 2013 dahil ibang-iba ito sa automation ng 2010. So far, nakikita ko naman 'yung preparations, at nandoon pa din ang aking pangamba. Pero naa-address naman ang ibang issues.

Dalawa ang issue dito. Una ay 'yung huwag tayong bumagsak pabalik sa manual na election, at pangalawa, kung matutuloy ang automation, at sana matuloy, siguruhin na clean, honest, and orderly ang eleksyon.

As a second part of the issue, tinitingnan din natin 'yung presyo. Naka-apat na hearing na at napatunayan na may problema sa presyo. Unang-una sa warehouse na P400 million. Napatunayan na 'yung P11 million a month, nakita na pwede naman pala na P6 million lang.

Secondly, 'yung sa indelible ink na halagang P140 samantalang naka-post naman sa website ng supplier na $1 lang 'yon.

Pangatlo, 'yung hindi namin natapos today, ay 'yung presyo at bidding ng balota.

And then there are some other questions like the budget for the ballot packaging.

Next time, we will be asking the Comelec to put on screen the justification on why automation of 2013 is more expensive than 2010. May epekto din kasi ito sa integridad ng eleksyon.

"Integrity of three crown jewels of AES is first crucial aspect in ensuring a clean 2013 elections"

Nandito pa lang tayo sa preparasyon para sa automation. Tandaan ninyo, cheating can happen before, during, and after the elections. At mayroon akong tinatawag na tatlong bagay na kailangan natin maprotektahan para walang dayaan--ang makina na bibilang sa boto, mga gagamiting balota, at pag-transmit ng resulta.

Pero 'yung pag-aayos ng voters list, saan boboto, paaano sila boboto, saang presinto, lahat ito ay may mga para-paraan din na madaya. Gusto nating siguruhin na hindi mangyari ito.

Nakita ninyo, in-open natin ang hearing na ito dahil may mga grupong nangangamnba nga na pagdating sa automation, hindi pa tayo ganoon kahanda. Kaya hiningi din ng JCOC ang lahat ng guidelines at deadlines ng Comelec. Kasi medyo lumalapit na ang eleksyon pero wala pa 'yung maraming mga guidelines or general instructions na usually by this time, ay, at the very least, mayroon nang draft na 'yon na rin ang ipapasa.

Reporter: Sir, ano naman ang assessment ninyo sa issue ng Smartmatic at Dominion?

ASC:

"We should ensure that the Smartmatic-Dominion issue will not lead to manual elections"

Yung licensing, I look at it two ways. (1) 'Yung ano ang epekto sa atin, at (2) 'yung kaso itself. Mas mabigat sa akin 'yung epekto sa atin. Kasi if it's a business deal between the two of them, and a court will decide in terms of commercial interest, hindi tayo maaapektuhan,

Pero kung ang mangyayari diyan ay sasabihin na hindi pwede gamitin ang software, ibang usapan 'yon dahil babalik tayo sa manual.

Pero so far, both the Comelec and the Smartmatic has assured that the case will not have any effect sa 2013 election.

'Yung mga election watchdogs at NGOs naman natin would rather that the assurance comes from Dominion itself. Pag-aaralan natin 'yon.

Posible din kasi na hindi dumating ang enhancements o ang sinabi nilang pagbabago sa software based sa mga problema noong 2010, ay hindi mangyari. But according to Smartmatic, na-submit na at sine-certify na.

Next hearing, ipapalabas natin 'yon. Kung ma-solve 'yon, isa na lang ang problema. 'Yung paggamit nito sa 2013. Kailangan na mayroon namang assurance na hindi pagbabawalan gamitin 'yon.

Actually, kahit pagbawalan gamitin, kung nasa kanila na, it's a question of application of US law and Philippine law.

Reporter: Somehow, naliwanagan po ba kayo today doon sa mga issues na nakabinbin?

ASC: Lumabas 'yung mga issues pero marami sa kanila ay unresolved pa din. Marami pa ring trabaho na kailangang gawin. Comelec, really, still needs to inspire confidence and trust in them.

Nakikita ko 'yung frustration sa lahat ng grupo lalo kapag paulit-ulit ang tanong. Pero wala kang magagawa, eh. Nasa gobyerno tayo at hindi ito private company. Kaya kahit ilang milyong tao ang magtanong ng parehong question, kailangang sagutin nang sagutin ang mga iyon.

Reporter: Kailan ang next hearing?

ASC: Sa Wednesday. And in the next hearing, tatapusin namin ang issue ng safety nets and safeguard. 'Yung issue ng balota. Kung may anomaly nga o wala.

Titingnan din namin 'yung sa ginawa ng NPO. Chine-check namin kasi parang hanggang ngayon, wala pa kaming kopya ng kontrata.

And then 'yung presyo ng automation at 'yung paano ito ii-implement.

Reporter: Worst case na kailangan natin mag-manual, may contingency measure ba ang Comelec?

ASC:

"Switching back to manual election should never be an option"

I don't think dapat maging option ang bumalik sa manual. But I've always stated na 'yung mga sindikato na sobrang laki ng kinikita every three years, talagang nawalan sila ng kikitain itong nagkaroon ng automation.

Pero ang tingin ko, hindi naman sila umaasa talaga na bumalik sa manual, pero humahanap sila ng paraan na mandaya o magkaroon pa rin ng sindikato sa automated.

So for example, sa balota, napaka-importante na hindi na maulit 'yung dati na makakabili ka ng tunay na sobrang balota. Genuine pero hindi authentic. Ibig sabihin, genuine kasi balota talaga siya. Hindi siya authentic dahil sobra lang siya. Hindi dapat siya ginamit sa presinto na iyon. Kung hindi po tayo nag-ingat, at hindi natin inilagay ang security measures, maaaring mangyari ito ulit sa iba't-ibang lugar sa ating bansa kasi nga malaki ang kinikita ng mga sindikatong ito. At sa ating bansa wala naman masyadong nahuhuli.

Ang "Garci Boys", nariyan pa rin. Si dating Commissioner Garcillano, papahinga-pahinga pa rin sa farm niya, hindi pa rin naman nakasuhan. So unless makita natin na may ngipin din at may pangil din ang Comelec at hahabulin din ang mga sindikatong ito, they will continue to attempt na hindi lamang na isabotahe ang automatioin, pero kung paano din maitayo ulit at maibalik ang dayaan, o 'yung "The Revenge of the Election Syndicates."

Reporter: So hindi kayo nakakuha ng comfort sa assurance ng Comelec at Smartmatic?

ASC: Marami pa rin kasing questions. At dahil nga highly technical, hindi mo nade-demostrate lahat. That's why I'd be more comfortable o tataas ang confidence level ko when they start demonstrating, and when everything is on paper. Kaso ngayon, panay assurance ng isa versus warning ng iba. Katulad nung general guidelines, hindi pa nilalabas ito.

Kaya depende kung ano ang nakalagay diyan.

Reporter: 'Yung sa ibang contract malinaw na?

ASC: Hindi pa. Pati sa source code nga may problema pa. At the same time, hindi ba 'yung iba pang mga issues, halimbawa sa kung sino ang supplier o contractor, nagne-negotiate pa sila dahil nag-fail ang bidding nila.

It's not enough that you have the money for the supply contract o doon sa service contract. Kailangan dan masagot kung kaya ba ng magse-service ang service yon. Katulad ngayon, mga taga-Comelec ang magde-deliver ng mga accountable forms, kasama ang mga balota, sa mga treasurer.

Hindi ba, ganoon nga ang naging problema dati na kapag sa NPO nanggaling ang mga balota, minsan may mga sobra. May sindikato na nagbebenta ng balota during the election. Tapos kapag ang nagde-deliver ay may contact sa loob ng Comelec, nabebenta ito as a group.

These are the things na gusto nating maiwasan na bumalik nanaman.

Reporter: Gumagana ba ang machines?

ASC: "Using these PCOS machines should give assurance to people that election fraud will not happen in this country again"

The JCOC is figuring out a way na hindi lang i-monitor at bantayan ang eleksyon na ito but also to have some sort of random testing before i-seal ang makina. Although mayroong general testing bago ang sealing, in accordance with law, walang mawawala na kung 70,000 'yan o isandaang libo na makina 'yan, randomly kukuha alin man diyan at ite-test mo.

That will give the assurance sa ating mga kababayan na hindi pwedeng lokohin ang mga makinang ito.

Reporter: Sa mismong eleksyon ba mababantayan din ang makina?

ASC: Yes. Mayroon din kasi 'yung mismong habang nag-e-eleksyon, may pinipiling mga presinto tapos io-audit iyon to make sure na gumagana. Kumbaga sa survey, kahit may margin of error ito, maliit lang o halos negligible.

Reporter: Ang sinasabi, kaya may problema dati ay dahil late na na-test ang makina.

ASC: It was not strictly followed. Ang maganda kasi sa random, if you do it scientifically, it will be a good representation of the whole. Kaya napaka-importante noon.

Pwera pa 'yung pag-random audit. 'Yung mismong JCOC will try to have people in the province and city levels to monitor kung paano ang pag-transmit. Remember, whatever happens in 2013, mas malaking issue ito for the 2016, because it would be a presidential election.

News Latest News Feed