Press Release
January 18, 2013

TRANSCRIPT OF INTERVIEW PUNTO POR PUNTO
WITH ANTHONY TABERNA

ANTHONY TABERNA (AT): Ilan po ba yung staff niyo na ni-recall?

SENATOR ALAN PETER CAYETANO (ASC): Unang una sa lahat ang daming problema ng ating bansa. Galing lang kaming Davao at napagusapan ang kalamidad ng tumama sa Region 11 at nangyayari sa peace and order. Nakakahiya na ang pinaguusapan namin sa Senado ay parang labanan ng mga pulitiko tungkol sa pondo.

Una, itong Christmas gift at MOOE namin. Nagulat kami ni Sen. Trillanes na pati staff namin natanggal. Ako naman very respectful ako kay Sen. Enrile. Gusto kong iparating sa kanya na di kami magkalaban, magkaiba lang ang panig namin sa mga isyu. Pero nasubukan ko na kasi noong panahon ni GMA na natanggalan kami ng tao, security, pondo at iba pa. Ngunit hindi nawala ang prinsipyo ko noon.

Ang tanong ko lang sa Senado, "Ganito ba ang magiging sistema natin?" Na kapag hindi kayo pareho ng opinion at may isyu na nagkabanggaan kayo ay tatanggalan ka ng pondo at staff.

Actually, hindi ako umimik noong naging Minority Leader ako kasi nagkakasagutan na kami ni Sen. Enrile ng kaunti pero tinanggal yung isa ko pang opisina. Kasi dalawa ang opisina ng Minority Leader. Dahil senador siya at Minority Leader, ever since may opisina na pangalawa ang hahawak sa posisyong ito. Sa akin tinanggal. Pero dahil ako lang naman apektado, tiniis ko nalang.

Ngayon na apat kami at sinasabing minority kasi kami, nagsalita na ko. Bakit si Sen. Arroyo na minority din ay tuloy tuloy ang pondo niya at marami sa mga senador, yung staff nila ay di naman ni-recall.

Sa akin lang naman ay yung integrity at independence ng Senado. Kasi ganyan ang nangyari sa amin sa Kongreso noong sumoporta kami na iimpeach si GMA. Para ma-control ay iba ibang taktika ang gagawin. Tama si Sen. Ping. Hindi naman makukuha sa suhol, sa P250,000, sa pag-recall ng staff ang mga Senador. Pero importante sa operations ng opisina namin to. Ang isa ko ngang staff ay Muslim. Alam mo naman na magandang tsansa sa akin na naging liaison officer siya pero bigla naman siyang ni-recall.

Yung iba naman na galing sa Blue Ribbon committee na naka-detail sa akin. Yung chairman naman mismo ng Blue Ribbon committee ay di naman sila ni-r-recall. So bakit ganoon ang utos ng Office of the Senate President?

AT: Siguro po isa-isahin natin. Babalikan ko po yung tanong, "Ilan ang tinanggal sa inyo?"

ASC: Dalawa.

AT: Gaano kaimportante ang trabaho nila sa inyong opisina?

ASC: Hindi naman mapipilay yung office namin. Pero magagaling na staff ko ang mga ito at unusual sa Senado ang nangyari. Kasi sa Kongreso regular yung mga staff nila sa mga committee. So mayroong institutional memory o yung matagal na silang andoon. Sa Senado dala ng mga senador ang kanilang mga staff. So yung mga nasa secretariat at mga nasa committee ay magagaling at may technical knowledge ang mga taong yan. So sila ang tumutulong talaga sa mga senador sa dami ng kailangan naming asikasuhin.

Nangyayari, kunwari sa Blue Ribbon committee na madalas kaming magkabanggaan ni Sen. Enrile dati noong nag pro-GMA sila at kami anti- so maraming imbestigasyon diyan. So importante sa office ko yang dalawang yan.

AT: Ano po ang dahilan ng tanggapan ng Pangulo ng Senado sa pagalis ng dalawa ninyong staff?

ASC: Ang sinasabi nila ay nag-expire ang kanilang kontrata. Pero sa six years ko sa Senado, pag nag-expire automatic itong ni-re-renew o tinatawagan kami ng Secretariat at sinasabi i-renew na. First time na kinuha talaga at nilipat. Kaya sa akin, kataka-taka talaga ang timing.

AT: So ano po ang nakikita niyong dahilan specifically dito sa staff na ito?

ASC: Well nakikita ko na tinuturuan kami ng leksyon ni Sen. Enrile. Kasi ganyan naman siya dati bilang Martial Law administrator. Tinatawag itong Carrot and the Stick tactics. Sa Senado kasi uso diyan na magbabangayan kayo sa issue, tapos pupunta kayo sa lounge at magkakape at magkakamayan kayo. Kahit naman nung impeachment nagkakabangga kami sa mga ibang issue at very close ako kay Sen, Trillanes. So siguro nadamay-damay na lahat.

Noong November kasi, gusto niyang tanggalan ng pondo yung committee ni Sen. Trillanes. Noong December, halos magmano ako sa kanya noong kami ay nag-Merry Christmas sa kanya kaya akala ko maganda na yung relationship namin.

Kasi hindi mo basta gagawin yun eh. Para bang sa mga reporter. Pwede ba namang maganda ang sulat sayo ng reporter ay may gasoline allowance pero pag pangit sasabihin mo sa editor niya na putulan ng allowance? Parang ganoon ang ginagawa sa aming mga senador.

AT: Doon po naman sa opisina, tutal nabanggit niyo na naman. Kailan kayo tinaggalan ng opisina?

ASC: Noong first month pa lang na maupo akong Senate Minority Leader. Kasi bago ako officially mag-assume tinu-turn over na sa akin ni Sen. Nene Pimentel. Tapos nung nag-assume na ko, kinuha nila at sinabing sa Office ni Sen. Enrile at nung chief of staff niya na ibibigay nalang sa staff at hahanapan nalang ako.

Binigyan naman ako ng maliit pero di mo naman masyadong magamit. After that ayaw ibigay sa aking yung seat ko sa Commission on Appointments but ipinaglaban ko ito. Nag-filibuster pa ako doon sa Kongreso at binigay naman.

During that time akala ko ako lang kasi gusto sana ni Sen. Enrile na walang Minority Leader. Gusto niya sana unanimous yung pagka-appoint sa kanya bilang Senate President. But we explained to him ni Sen. Arroyo na hindi maganda ng yung Majority ay mag-appoint sa Minority. Kasi walang check ang balance. Sa Senado ang importante ay may check and balance.

Kaya kita mo, sa national ang magka-alliance NP-LP pero dito sa Senado ang UNA at LP magka-alliance. So separate naman ang pulitika sa labas at separate yung trabaho sa loob. Kaya bakit naman kami ginigipit ng ganito?

AT: Gaano po kaimportante na ma-resolve ang mga kuwestiyon na ganito sa paggamit ng kapangyarihan ng pangulo na Senado at doon po sa pamamahagi ng pondo na ang iba po ay hindi nagsasabi na parehas?

ASC: Tatlong mabilis na punto. Una, napakaimportante ito dahil we have to lead by example. Kung kami na nagiimbistega sa iba at palaging nagsasabi na "Ilabas ang ebidensiya. Kailangan magpaimbestiga ka" pero pagdating sa amin sasabihin lang namin na naimbestigahan na, paano yun?

Kaya sana bukod sa COA ay may isang private accounting firm na credible ang magimbestiga sa mga pondo ng Senado.

Pangalawa, yung integridad at independence ng Senado. Parang reporter din yan. May credibility ba ang news channel kapag ayaw yung reporting gigipitin mo yung isang reporter?

Pangatlo, napakaraming importanteng isyu ngayon sa Senado. Gusto ba ng Majority na kapag nagalit sa kanila ang Senate President ay sila naman ang gigipitin. So kami, with or without the staff or the pondo, okay lang. Sa kanila na yun.Nagsauli pa nga ako ng P100,000 at the end of the year na savings namin.

Itutuloy namin ang trabaho namin. Kaya lang masamang precedent ito. Baka sa susunod na Kongreso ay sa ilalim ng puno nalang magopisina ang mga Senador kapag nagalit sa kanila ang Senate President.

AT: Huling tanong po. Kasama po ba ni Sen. Trillanes at Sen. Miriam na gusting i-kudeta si Sen. Enrile?

ASC: I've always said na nasa Majority yan. Kami sa Minority, kaya nga kami andiyan ay di kami bumoto sa kanya. Pero naghihintay lang kami kung may papalit. Kung mayroon, titingnan muna namin kung magiging mas magaling sa kanya. Pero yung ginagawa nila ngayon na panggigipit sa mga member ng Minority ay mali ata.

AT: Senator Alan, maraming salamat po sa inyo at good luck. Parang nag-slim down po kayo, Nagpapa-sexy po ba kayo?

ASC: Siguro sa dami ng problema. Pero maganda na yung mas healthy ng kaunti.

AT: Thank you very much.

News Latest News Feed