Press Release
January 22, 2013

Full Transcript - Sen. Loren Legarda DZBB Ikaw na ba? Senatorial Interview

ON SURVEYS

Mike Enriquez : Ano ang dahilan kung bakit kayo ay number one o number two sa mga surveys?

Sen. Loren Legarda (SLL) : Ako po ay trabaho lang ng trabaho. Marami nga po ang nagtatanong kung meron bang sikreto o pormula. Eh ang sabi ko po ay trabaho lang ng trabaho. Mga staff ko nga nakakatanggap ng text ng 12 midnight, 6 am may text nanaman. Trabaho lang ng trabaho, that's all.

Mike: So ibig niyong sabihin ang mga Senador na hindi nag-nunumber one, hindi nagtatrabaho?

SLL: Baka po nagtatrabaho din, pero baka pwede naming turuan ni Chiz kung paano nagtatrabaho. [laughter] Mahirap po sabihin, pero wala talagang formula eh. Siguro, well, I think, for myself, yung mga adbokasya ay akma sa mga nangyayari sa ating bansa. Yung pagbabago ng klima, yung paghahanda sa mga sakuna, yung pangangalaga ng karapatan ng mga kababaihan at kabataan, yung Senior Citizen's Law na ginawa natin... Marami rin diyan ay kasama natin si Senator Chiz. Yun lang po ang aking masasabi, at ako'y nagpapasalamat sa taong bayan sa patuloy po na tiwala at suporta. Pero, 1, 2, or 3, pare-pareho lang po 'yan eh. Senador naman yung 12 po. Pero dito, masasabi ko, salamat po.

Mike: Eh yung ibang mga Senador anong ginagawa ng mga yun?

SLL: Nagtatrabaho rin sigurado lahat yun. Pero tama si Senator Chiz, Mike, Arnold, ang survey, hindi bumoboto. Sabi nila, matulog na lang kayo, hindi na kailangan mangampanya. Sabi ko, hindi po, kailangan trabaho ng trabaho, ano man ang numero, number 1 o number 12, hindi lang sa pangangampanya kundi sa Senado, sa aming mga tungkulin.

ON PORK BARREL Mike: Paano niyo ba ginagamit ang pork barrel ninyo?

SLL: Ah, marami po. Unang-unang po, 156 million pesos-worth (Corrected figure: 146 million pesos-worth) po ng classrooms ang pinamigay ko po sa buong Pilipinas, sa bawat bayan, ay naka-identify ang elementary or high school na pampubliko po, na kinonsulta ko po, isinangguni sa DepEd. Dahil higit na 40,000 ang kakulangan po sa classroom, sa aming mga hearing, ang nilalagay ko po ay one classroom one town. Kulang pa nga po ang aking pagbigay dahil may shortfall sa classroom.

Hindi po kami namimili kung sino ang gagawa ng classroom. Sa LGU ang pumpili kung sino ang contractor nila, hindi namin pinakikialaman, ang hinihingi lang po namin, litrato ng classroom. Naka-album po sa akin ang mga proyekto, ABC National High School, kagaya po nito, ginawa noong 2010, nakatayo na po. Pag ako'y nangangampanya, nasaan nga ho ba yung classroom? Nakapagtayo ba tayo ng puno sa tabi ng classroom? At karagdagan po, ito ay hindi masiyadong nabibigyan ng pondo pero love ko ang sektor na ito, mga katutubo po. Mga Mandaya at mga Talaingod, mga T'boli, yung kanilang mga School of Living Traditions, mula pa po sa aking unang termino, tens of millions sa Mandaya, sa mga nasa bundok na katutubo, yung kanilang mga kultura at mga tradisyon, tinutulungan ko po ang pag-preserve.

ON CASH GIFT

Mike: Kasama po kayo dun sa binigyan ni JPE ng 1 million pesos nitong nakaraang pasko. Ano po ang nangyari doon?

SLL: Lahat po ng nakatanggap ng 1.6 million na MOOE na opisina ng Senador ay duly liquidated at sina-subject po sa COA audit, at hindi po pwedeng pang-personal na gastusin. Ang MOOE ng Senador ay hindi para sa personal na gamit. Kung buwan-buwan may pinipirmahan kaming liquidation report, at nakalagay po doon, officially used for these purposes. Iko-correct po namin yung salitang cash gift. Nung ma-interview nga ako, sabi ko, cash gift? Wala eh. Yun pala, diretso na sa opisina.

Mike: Kayong dalawa ay walang personal na pakinabang sa pera na iyon?

SLL: Bawal po iyon, hindi po dapat. Dapat i-liquidate, at subject to COA audit.

ON RUNNING FOR HIGHER OFFICE

Mike: Pareho kayong nagnais maging presidente, bise presidente, paano na po iyon?

SLL: Nabigo, kaya wala na pong ambisyon. Yung totoo. Nabigo po ako bilang bise presidente nung dinaya po kami, yun, paninindigan ko po yun. Noong 2004 po nung tumakbo akong bise-presidente ni FPJ, and I'm sorry, ang aking katabi dito ay hindi tatanggi, dinaya po kami ni FPJ, yun ay garapalang pandaraya. Pero tapos na po, naka-move on na ako, ipinaglaban ko na sa Korte Suprema, natanggap ko na po yung pagkatalo namin ni FPJ, tapos na po. Masakit, pero tapos na po.

Yung pagkatalo ko po noong 2010, talaga pong nabigo doon, kaya alam kong hindi po para sa akin ang pagka-bise presidente. Hindi ako tatakbong presidente o bise presidente, ako ay tumatakbong Senador, huling termino na po, at maglilingkod ng tapat sa aking huling termino bilang Senador. Masarap po kapag wala ng ambisyon, para po akong liberated, at mas marami akong kaibigan ngayong wala na akong ambisyon for higher office.

I say this with all sincerity, and sinabi ko po ito kay VP Binay nung ako ay natalo noong 2010. Hinawakan ko ang kamay niya, sabi ko, VP Jojo, you deserve the position, salamat ikaw ang nanalo at hindi ako, dahil pag ako ang nakaupo sa 'yo ang hirap ng stress. Napahirap ng stress kung ikaw ay presidente o bise presidente.

Mike: Ang mga Senador kadalasan ay gustong maging presidente o bise presidente. Talagang ganoon lang daw eh...

SLL: Kasi ang aming constituency ay parang bumuboto rin sa presidente. Pambansa kasi. Kaya siguro marami ang nagnanais. Nung bago pa lang ako bilang Senador, sa unang termino, sumubok ako dahil sa clamor ng taong bayan noon. Ngunit pag ako ay nabigo, at malalaman mo naman kung saan ka gusto ng taong bayan, dahil nag-number one sa Senado ng dalawang beses, ang aking pakiramdam po ay doon ako gusto ng taong bayan. Kaya susundin ko ang gusto ng taong bayan, dahil ako naman ay nakaupo sa kanila.

Mike: Senadora sinasabi niyo ngayong umaga ng tahasan, matapos ang ikatlong termino bilang Senador, hindi na po tatakbo bilang bise presidente.

SLL: Opo, malinaw po, naka-tape naman ito pwedeng ulit-ulitin. Ako po ay tumatakbo bilang Senador, 2013 Mayo. Matatapos ang termino, kung bibigyan po ng Diyos ng pagkakataon, hanggang 2019. By that time po, legally hindi na pwede after ng dalawang consecutive na termino, baka pwedeng pa-guest-guest dito paminsan-minsan.

Mike: Mag-aapply po ba kayo? [laughter]

SLL: I am a child of television. Pagpasok ko nga po dito, pasensya na, madaldal lang talaga, 1978 pa lamang nandito na ako sa studio na ito, si Orly Mercado ang aking co-host.

ON BEING PRO OR ANTI-ADMINISTRATION

Mike: Kayo po ba ay oposisyon o administrasyon?

SLL: Unang-una po, ako ay NPC, at hindi umaalis sa aking partidong NPC. Ako ay naka-alyansa sa LP at guest candidate sa UNA coalition. Maliwanag. Ako po ay hindi oposisyon, at ipinangako ko kay Pangulong Aquino na ako ay naniniwala sa kanyang panunungkulan na malinis at tuwid. Siya po ay isa sa mga pinakamagaling na pangulo dahil talagang walang korupsyon ang aking nakikita. And I told him, susuportahan ko po siya hanggang sa kahuli-hulihan ng kanyang termino. Ngunit ako po ay oposisyon sa anumang kabagalan at katiwalian sa bureaucracy. I will just oppose any form of corruption or wrongdoing. Pero ako ay naniniwala sa pagpapa-usad ng administrasyon ni Pangulong Aquino, na kasama po doon si Vice President Binay. When I say the Aquino Administration that includes the sitting Vice President. Makikita po natin na parang wala po talagang oposisyon na... Hindi kamukha dati na Arroyo Administration tapos oposisyon, nandiyan na palaban. Ngayon kasi...

Mike: Walang tunay na oposisyon ngayon?

SLL: Hindi ko malaman, kasi ang tingin ko, ang aking interpretasyon ng UNA, United Nationalist Alliance, ay sumusuporta rin sa Administrasyong Aquino.

ON DIVORCE

Mike: Lumulutang ang isyu sa divorce. Susuportahan niyo ba yun o hindi?

SLL: Gaya ng sinagot ko kahapon, live dito, makikinig ako sa mga debate. Ang civil annulment ay nandiyan po, ang Church annulment ay nandiyan, gusto kong makita ang maliwanag na diperensya ng annulment at diborsyo, at ang pagpalawak po ng grounds ng civil annulment ay maaaring gawin nating paraan para magkaroon ng access ang mga kababaihang naaapi sa kanilang mga relationship.

Mike: Ang civil at Church annulment, mahal yun eh, mayayaman lang nakakagawa nun.

SLL: Kagaya nga po ng sinabi ko kahapon, kung papalawakin natin ang grounds para sa annulment at gagawin nating mas accessible o mas mura, o libre ang mga public prosecutor, para sa mga naaaping mga babae, at mga naaaping lalaki rin, sa kanilang mga relationship, o sa kanilang mga bahay. May mga victims of domestic violence na lalaki... All I'm saying is makikinig ako sa mga debate, bukas po ang aking isip, pero gusto ko munang mapalawak ang grounds sa annulment para maging mura o libre po para sa mga nangangailangan.

Arnold Clavio: Bakit maraming Senador na hiwalay sa asawa?

SLL: I can speak for my inaanak Chiz dahil pareho kaming annulled. So, annulled po ako sa Church at sa civil. So single po at clean. Iba po kasi yung hiwalay, at iba yung annulled.

ON FOI BILL

Mike: Ano po ang posisyon ninyo sa FOI bill? Anong bersyon ang naipasa?

SLL: Ang panukalang batas po mula sa unang finile namin hanggang sa matapos ay hindi mo na mahahalata yung itsura dahil nagbabago po yan sa mga amendments ng mga senado. Kaya mahirap ihambing yung House version at Senate version pero sa aking pagkaaalala tapos na nga sa senado, hinihintay na lang yung sa House, but realistically parang hindi matatapos hanggang February 8.

Mike: Naipasa yan sa Senado ng hindi sine-certify as urgent ng Malacanang? Hindi ba kayo nagtataka kung bakit hindi na-certify as urgent?

SLL: Hindi ko po malalaman kung bakit hindi nila sinertify as urgent gaya ng ibang batas. Pero bilang co-author at co-sponsor, hinihimok ko po sana ang Malacanang na ito ay i-certify as urgent dahil ito ay mahalagang parte ng kanilang administrasyon sa kaniyang panunungkulan, sa transparency at good governance.

ON BEING INFLUENTIAL

Mike: Alam nyo po ang Wikileaks dba? Isa po sa mga ni-leak nila ay kayo raw ay isa sa limang itinuturing na pinaka-maimpluwensiyang babae sa Pilipinas.

SLL: Ako naman po, gaya ng sinabi ko ay trabaho ng trabaho.

Mike: Hindi nagbabago ang inyong sinasabi na..

SLL: Ako ay nagagalak dahil gusto kong gamitin ang impluwensiyang yan para paigtingin ang aking adbokasiya sa disaster risk reduction at climate change adaptation, para lahat ay maengganyo na sundin ang batas ng kalikasan.

ON POLITICAL PARTIES

Mike: Isa naman sa mga puna sa inyo ay ang inyong palipat-lipat ng partido.

SLL: Mali po yan, dahil minsan lang po, Lakas 1998 to 2003, 2007 hanggang ngayon po ay NPC.

Arnold: Nagkakalituhan sa coalition kasi.

SLL: Siguro sa koalisyon nagkakalituhan, pero minsan lang po.

ON ANTI-EPAL BILL

Mike: Ano ang posisyon ninyo sa Anti-Epal bill?

SLL: Para maintindihan ng ating mga tagapakinig, ang PDAF po ay pera ng gobyerno, ng taongbayan at hindi naman po hinahawakan ng senador o kongresista yan, yan po ay ina-allocate ng mga ahensiya ng gobyerno kaya hindi po dapat ilagay yung pangalan ng kung sinoman po ang nagpagawa ng classroom o nagbigay ng multicab o ng palengke, o anuman ang pangalan ng kongresista o senador dahil yan ay proyekto dapat ng gobyerno.

Mike: Yung mga pinagawa ninyo pong mga eskwelahan, walang pangalan yun?

SLL: Wala po. Ako po ay kumukuha lang ng litrato sa album sa aking opisina.

Mike: Sinasabihan nyo po ba yung mga tao na ayokong mayroong pangalan yan?

SLL: In fact sinasabi nila, senadora lalagay po namin ang inyong pangalan. Hindi na po kailangan, basta bigyan nyo kami ng litrato ng inyong eskuwelahan. Importante lang po na magtanim kayo ng punongkahoy na akma sa lupa sa lugar na yun.

Yung mga multicab na binigay ko sa ibang mga localities, "lalagay po namin ang mukha ninyo", ay wag po, wag nyo ako ilalagay sa multicab, hindi po maganda yan, hindi po tama yan.

ON BARANGAY OFFICIALS

Mike: Mayroon pong nagpapanukala na yung mga opisyal ng barangay ay gawing swelduhan, hindi allowance lang. Ano ang posisyon nyo doon?

SLL: Meron po akong panukalang batas noong 1998 pa po para sa mga barangay para ma-cover ng philhealth, SSS at pension pag-retiro ng mga barangay captain.

Mike: Maganda yun ah. Pumasa ba?

SLL: Hindi pa nga po eh. Sana po ay yan...para po ang mga posisyon na yan, maliban po sa sinabi nyo na sweldong fixed, ay meron din silang benepisyo dahil sila ay naglilingkod naman sa taongbayan at sila ay hinahalal ng taongbayan ng kanilang barangay. Dapat rin ay mayroon silang basic Philhealth coverage at GSIS o SSS. Yun po sana ang aking tinutulak.

ON WEST PHL SEA

Arnold: Yung sa West Phl Sea. Kahapon kasi sabi ni Mayor Hagedorn, either you die for it or drop yung claim. Ano ba ang posisyon nyo?

SLL: Bilang chairman ng Foreign Relations Committee, ako'y naniniwala na dapat natin panindigan ang ating soberenya at territorial intergrity sa West Phl Sea dahil lahat ng sakop ng ating EEZ sa ating bansa ay atin. Ngunit, wag natin gagamitin ang dahas, ang bayolenteng pamamaraan o ang ating armadong sandatahan para ipaglaban yun dahil tayo ay signatory sa Declaration of the Code of Conduct sa West Phl Sea.

Ayokong sabihin yun (na hindi natin sila kaya). Maski maliit tayo ay buo ang ating loob.

We must observe the Code of Conduct in the West Phl Sea. Sila po ay signatory din nun, kailangan natin i-exhaust lahat ng diplomasya at internasyunal na pamamaraan para i-pressure ang lahat ng bansa na claimant po doon dahil hindi naman po bansang Tsina lamang, anim pong bansa ang claimant po sa West Phl Sea. Ang Vietnam ay kasama, ang Brunei ay kasama rin. Hindi natin dapat sirain ang ating pagsasamahan sa mga bansang ito, pero kailangan natin ipaglaban hanggang sa huling hininga ang ating pagmamay-ari na karagatan at lupain.

Ngayon ay walang nakikinabang doon. Bakit hindi natin i-explore ang pamamaraan kung paano maaaring makinabang ang mga Pilipino at pupunta naman yan sa gobyerno.

Mike: Bibigyan po namin kayo ng pagkakataon na kausapin ang taong bayan.

SLL: Salamat po sa inyo. Una po, ako po ay may-akda ng Micro, Small and Medium Enterprises Law. Pinapaalam ko sa ating mga tagapakinig, yung mga maliliit na negosyo sa ating kanayunan ay maaaring gamitin ang batas na ito na pinapatupad ng Department of Trade and Industry para po mabigyan ng pondo ang ating micro enterprises na 99% po ng ating ekonomiya.

Pangalawa po, ay ang Expanded Senior Citizens Law ay aking inakda para sila lolo at lola ay makakuha ng buong 20%. Sana po ang ating mga nakakatanda ay ginagamit po ang batas na ito para po buong 20% diskwento ang kanilang magamit para sa gamot.

Ang ating Climate Change Act ay ginawa po ng inyong lingkod noong 2009, sana po ay mapakinabangan ng ating taong bayan para po wag na tayong ma-Ondoy, wag ng ma-Sendong, wag ng ma-habagat at wag ng mabiktima ng Pablo. Ito po ay nagtatag ng Commission on Climate Change na pinamumunuan ni Pangulong Aquino.

Pang-apat po ay ang Barangay Kabuhayan Act ay ginawa po natin. Ang TESDA po ang nagpapatupad ng batas na ito na may skills training po sa lahat ng mga mahihirap na municipalities, 4th, 5th and 6th class na maaari po tumulong ang TESDA sa skills training sa mga lugar na ito.

Pang-lima po ang ating People's Survival Fund, finally naisabatas na po. Ito po ang funding mechanism na magbibigay ng pondong tulong sa climate change adaptation project para sa local communities para hindi na kailangan maghanap ng pondo para sa kanilang pag-protekta laban sa mga sakuna.

Ako po ay tutulak ng ating Universal Health Care na panukalang batas pagkatapos ng Mayo. Ito po ay nagsasaad na ang limang milyong pinakamahihirap na Pilipino ay mako-cover po ng Philhealth. Lahat po ng nakikinig na walang Philhealth, lumapit po kayo sa pinakamalapit na pampublikong ospital at rural centers, covered na po kayo dahil naglagay po ang DOH ng 12 billion pesos para ang mga walang trabaho, ang mga street children, ang mga lolo at lola sa bangketa ay libre po ang health care dapat. Pagkatapos po nga Mayo, ito po ang number one na ipa-file ko, the Universal Health Care para maski tapos na ang aming termino ni Chiz at ng mga senador ngayon, nandiyan pa po ang coverage para sa pinakamahihirap na Pilipino.

Mike: Maraming salamat po Senadora.

News Latest News Feed