Press Release
February 5, 2013

TRANSCRIPT OF INTERVIEW
Cayetano: "Manual elections should not even be an option in 2013 polls"

ASC: Blackmail ang sinasabi ng Comelec na either it's the PCOS machines we use or we go back manual elections.

Three years na ang nakakaraan mula noong 2010 election. Nakalista naman ang mga naging problema doon. Ang Comelec naman ang namili na i-exercise ang option to purchase the machine. Sila din naman ang nagsabi na kahit na binibigyan namin sila ng mahigit sa P10 bilyon na gusto nilang gumamit parin ng PCOS machines.

Kung walang excuses, wala sana ang mga pangyayaring ito sa mock elections. Kung sana sa mock elections ay mayroong one percent o 5 percent na pagkakamali okay lang yun dahil hindi ito perpekto at kakayanin naman i-adjust para maayos. Pero yung sa bawat bahagi ng mock elections sa iba't ibang lugar ay may hindi pumasok yung papel o hindi na-record yung boto ay nakaka-alarm. Less than 100 days before elections and they're still dealing with those problems.

For the information of the chairman of Comelec, nung una palang na binid out yung papel, niraise na ng committee ng senado at kongreso na yung gumagawa ng papel ay mukhang di alam ang tamang size at may problema dahil nung tinesting ito, ganoong glitches na ang nangyari.

JCOC -AES hearing tomorrow 9:30am

Bukas ay magkakaroon ng meeting ang Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System and we're hoping for definite answers from the Comelec.

We're also hoping that before magstart yung campaign period which is Feb. 12 ay magkaroon ng mock election na 100 percent ang function at accuracy ng makina. Kung hindi ay napakahirap naman sa mga kandidato na inaalala na nila ang pangangampanya, inaalala pa nila na baka magkadayaan.

"Election Operators are already offering their services..."

Also, I'd like to bring to the attention of the Commission na marami nang umiikot ngayon na nagbebenta ng kung ano ano at nagsasabing kayang yariin ang election o kayang electronically i-control ang mga makina.

I think dapat hindi patay malisya ito. Kung di totoo dapat magsalita ang Commission at dapat i-hunt down ang mga operators na nagooffer nito. Pero usap usapan na ito sa mga senatorial candidates na ganito kaaga ay marami nang lumalapit na election operators.

Ito rin ang pangamba ko nung NPO ang nagprint ng balota. Kasi that early marami nang nagsasabi na pwede kang bumili ng fake na balota. Sana ma-aassure tayo bukas ng Comelec kung anong mga step ang ginagawa nila para malabanan ito at kung paano nila gagamitan ng mga iba't ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng PNP at NBI para hulihin ang mga election operators na nawala na noong 2010 pero bumalik na naman ngayon.

REPORTER: Sa inyo may lumapit?

ASC: Sa akin hindi because they know my stand regarding this and they know that I've been running after them. But I've talked to a lot of candidates now and tinatanong nga sa akin kung totoo bang kayang i-hack ang makina at totoong pwedeng i-manipulate ang results.

Tinanong ko kung bakit at sinabi nila na may mga lumalapit na at minimum P5 million ang hinihingi at may binebenta na kung ano mang service package sa dayaan.

For me, I'd still give the benefit of the doubt to Comelec and its PCOS machines. But ang nakakababa ng kompiyansa ay ang resulta ng mock elections.

Having said that, natutuwa ako sa Comelec na ginawa nilang pampubliko ang mock polls. Pero nakakaalarma ang mga problemang naganap. Hindi nila pwedeng sabihin na isolated dahil sa dami nang ginawa nilang mock polls, hindi sa isang lugar lang nagkaproblema.

REPORTER: So okay kayo sa Manual?

ASC: Manual should not even be an option. Pero wag naman nila tayong takutin na its either PCOS or manual kasi sila naman ang namili sa PCOS at sila ang nag-assure sa atin na tulad sa 2010 elections ay walang mangayayaring dayaan.

So what I'm saying is, with almost a 100 days to go, ayusin na nila at ipakita ang random testing at mock polls at ipakita sa mamamayan na wala dapat ipangamba dito. And siguro ganito kaaga, representatives ng bawat partido ay iinvite para tingnan ang makina.

O tulad ng sinuggest ko nung 2010, magoffer ng reward sa pwedeng maghack nito. Ano ba naman yung magoffer sila ng P10 million sa sinong makakacome forward at ipakita kung kaya nga talaga imanipulate ang makina. Imbes na ibenta ito sa pulitiko o dayaan ang mangyari, we can use these people who claim to know how to manipulate these machines positively.

REPORTER: Saan galing ang offer na P5 million?

ASC: May nakausap ako na ilang local officials, congressmen, and even senatorial candidates na nung sinabi kong magkakahearing pa tayo after the mock polls, yun ang tanong nila. "Alan, possible kaya ito?" Kasi dati nung manual, may mga areas na nagooffer ng per vote, per ballot box or per election return. Ngayon parang wholesale ang sinasabi na kayang imanipulate ang machines.

So as I said, as of this point in time, I don't believe it is possible. Pwedeng ito ay nangloloko lang. But I think that the Comelec is in the best position and their insiders probably know who these election operators are. Dapat gamitin nila ang PNP at NBI na ihunt down ang mga ito para protektahan ang integrity ng elections.

Ang buong reputasyon ng tuwid na daan o Aquino administration ay masisira kung magkakadayaan sa election na ito. Ganoon kaimportante na ang election na ito ay hindi lang walang dayaan kundi ang perception ay wala talagang dayaan.

On the Proposed New Gun Regulation

ASC: Kasama dapat ng magandang reporma na ito ay ang PNP dapat maganda rin ang mga patakaran sa mga checkpoint para walang ma-accuse na plinantahan sila ng baril kaya sila nakulong.

REPORTER: Anong magiging implication nito sa gun control at sa kasalikuyang crime wave?

ASC: Mas hihigpit ito. Kasi kung dati walang takot yung mga may hawak ng baril na illegal dahil sila ay makakapiyansa, ngayon ay hindi na.

REPORTER: Maiiwasan na ba natin ang mga crime na ito?

ASC: Posible. Dahil magdadalawang isip na magdala ng illegal na baril ang mga tao. Kung yung dati ay nakakapagpiyansa, kakalimutan na ang kaso at aayusin, ngayon kung no bail kahit iniiisip nilang maayos ang kaso after two or three years, ang mangyayari pa rin ay nasa kulungan sila habang naghihintay. It will be a good deterrent.

News Latest News Feed