Press Release
February 5, 2013

Transcript of ambush interview in the Senate

On Juvenile Justice Law

Kasama ako sa bicam pero isa na lang isyu ang naiiwan sa JJ Law, yun yung age of discretion, kung ibababa o hindi, pero ang compromise yata papunta sa pagmamantina ng 18 anyos pero kapagka-recidivist o pagka-heinous crime ang ginawa 12 to 18 mayroong criminal responsibility o liability.

Nakumbinse nyo ba si Senator Kiko Pangilinan at Pia Cayetano?

Sila yung kausap ko kagabai patungkol dito, as I've said exception to the rule ang criminal responsibility ng 12 to 18 kapagka-recidivist o kapagka heinous crime ang ginawa, so papunta sa direksyong yon, actualy mas mahirap kumbinsihin ang Kamara na hindi ibaba ang edad, so compromise ito na sa matanggap ito ng bicameral conference committee.

Kailan uli yung bicam?

Hopefully nagkasundo na sila in principle kagabi, hopefully by today ira-route na lamang dahil yon na lamang yung problema.

Sino ang mag-eestablish kung recidivist ang bata o hindi?

Recidivism is established by a prior act, halimbawa dati ng naghuli, may record namana ng DSWD at ang Philippine National Police. Ngayon kung heinous crime yung ginawa, obviously, kung heinous crime yung inakusahan sa kanya automatically then may criminal responsibility siya if he or she acted with discernment.

The child will be tried as an adult?

Yes pero meron siyang criminal responsibility not really as an adult, mayroong mga karapatan siya na didikit pa rin sa kanya sa ilalim ng JJ Law na hindi rin naman sila pwedeng ihalo, halimbawa, sa common criminals, so it's still not as an adult.

Maihahabol pa yon bago mag-bakasyon?

Hopefully, saying naman at kinakailangan ang panukalang batas na yon, marami ang mga barangay na nagrereklamo kaugnay ng kanilang peace and order situation.

Di ba dati nine years old yung pinu-push ng komite nyo bakit pumayag kayo na itaas?

Yon ang panukalang batas pero base sa mga committee hearings na isinagawa naming siyempre dapat bukas ka sa pagbabago, hindi naman nakaukit o nakasulat sa bato yon at hindi naman naming inaangkin ang lahat ng kaalaman kaugnay sa mga bagay na ito so pinasok naming lahat ng inputs sa lahat ng ibat-ibang sector at nandito na nga tayo sa puntong ito.

Yung penalty at punishment same din don sa sinasabi ng batas?

It will be the same pero one degree lower ang pinopropose nila pero hindi pa final yon.

May panawagan si Toby Tiangco sat along common candidates na bigyan sila ng equal time

Well nagkausap kami ni Congressman Tiangco kahapon, maganda naman ang nagging usapan naming at well kailangan nilang i-final kaugnay sa mga baga-bagay kaugnay ng hlalan at inaasahan kongmangyayari yon sa mga susunod na araw bago magFebruary 12. Kakausapin din yata nya sina Senator Legarda at dating (MTRCB) Chair Grace Poe.

So does it mean sasama kayo sa ilang sortie nila?

Ayokong pangunahan ang anumang usapan o usapin kaugnay nyan, uulitin ko lamang yung sinabi ko, independent ako, kasabay ng pasasalamat ko ng pag-adopt sa aming kandidatura, siguro ang pagkakaroon ko pa rin at pananatili ng kalayaan kongmagdesisyon kung ano ang gagawin at hindi gagawin, kugn ano ang sasabihin o hindi sasabihin.

Nagtatampo na daw si dating President Erap sa mga ganyang nyong statement

Wala akong narinig na ganoon sa usapan naming ni Toby,hindi ko alam kung saan galing yon.

Pero kaya nyo yung panawagan nila na give them equal time?

Again hindi namna talaga ganong kalaking isyu, dahil, kahit naman yung sarili nilang mga ikot at sortie hindi naman lahat ng kandidato nila mismo sumasama, so I don't think it will be a major issue in the campaign.

Wala kayong tampuhan ni Erap, pero nagkausap kayo?

Huli kaming nagkausap siguro bago pa mag-Pasko, last year.

Sa ano magdedepedende kung kanino kayo sasaling proclamation rally?

Saan magdedepende, kung kanino? Hanggat hindi namin natatanggap nang opisyal yung imbitasyon, paano naman kami magdedesisyon, yung normal na imbitasyon hindi pa naming natatanggap mula sa LP at mula sa UNA.

Most likely mag-iinvite sila sa inyo?

Most like but we don't even know the time, the schedule and the venue, naririnig lang namin yung mga plano kung saan gagawin.

Paano kung magsasabay?

Magdedesisyon kami pagdating ng panahong yon, uulitin ko nag kampanyang ginawa naming 2007 gayundin ang gagawin namin ngayon, hindi ako masyadong kumbinsido sa tradisyunal na pangangampanya dahil kugn hindi ka magsasayaw, kakanta o magpapatawa, may kasamang artista sa rally malamang sa malamang ay hindi ka rin naman din mapapansin o maaalala.

Sa mga naranasang glitches sa mock elections

Definitely meron pero umaasa akong mareresolbahan yan ng Comelec dahil lahat ng kumakandidato hindi naman pwedeng sabihin na wala sialng tiwala sa sistema kung saan sila ang kumakandidato, kumbaga hindi pa tapos ang eleksyon may sinasabi ka ng problema. Lahat ng kumakandidato dapat ilagay ang pananampalataya nila sa sisyema ng halalan dito sa ating bansa para sa gayon anuman ang resulta matanggap nila.

News Latest News Feed