Press Release
May 20, 2013

Transcript of Interview of Sen. Franklin M. Drilon (Part 2)
Monday, May 20, 2013
Team PNoy Headquarters

On Senate Leadership

Q: Kayo raw po ni Senator Cayetano ang maglalaban for the position of Senate President?

DRILON: Marami pong salamat for considering as a one of the two, ngunit ang pagkapangulo po ng Senado ay pagpapasyahan ng 13 senador.

Q: Ngayon po ba ay mayroon na kayong nakakausap?

DRILON: Mayroon at nothing is certain.

Q: Ito po ba isang bagay na pinagtatrabahuhan o is it something that (unclear)?

DRILON: Unang-una, kahapon pa lang naproklama. Iyan ay, we will come to that.

Q: Add advantage po ba kasi marami na yung administration senators?

DRILON: The President would expect support of his programs in the Senate. The fact that the administration candidates won 9-3 is a clear message of the people to the Senate na dapat ipagpatuloy ang mga rpograma ni PNoy. Iyan po ay maliawanag na mensahe ng taumbayan sa Senado na dapat suportahan ang mga programan ni PNoy.

Q: Nangangahulugan ba ito ng pagpapalit ng liderato?

DRILON: Ang liderato sa Senado, bawat Kongreso, ay pinagpipilian. Walang hold over po diyan. Ang present officials ng Senado ay opisyales ng 15th Congress; pagdating ng 16th Congress, may halalan.

Q: Yung 9 ba buo pa rin by that time na maghalal na?

DRILON: Iyan po ang expectation ng aming partido at ng aming coalition at iyan po ay manatili. At uulitin ko, siguro naman maliwanag ang mensahe ng taumbayan na sinasabihan lahat ng senarod na nanalo na suportahan ang mga programan ng kasalukuyang administrasyon.

Q: Paano po kung ikaw at si Sen. Cayetano, hindi po ba masisira ang coalition?

DRILON: Sa akin po, ang pumipili ng pangulo ng senado ay ang mayorya sa senado.

Q: Sabi po ni Sen. Lacson hindi issue kung Team PNoy o UNA ang uupo sa senado?

DRILON: Sa amin po issue na ang senado ay susuporta sa mga programa ng administrasyon dahil iyan po ang mensahe ng taumbayan.

Q: Mahalaga po ba na sa inyo manggaling?

DRILON: Mahalaga na ang leadership ay susuporta kay PNoy at sa kanyang mga programa.

News Latest News Feed