Press Release
July 15, 2013

PRESS STATEMENT OF SENATOR RAMON "BONG" REVILLA, JR.
On the allegations appearing in the Philippine Daily Inquirer

Hindi totoo ang mga akusasyon na nakinabang ako sa usaping ito.

Porke ba may mga nagtutulak sa ating tumakbo sa 2016 ay wawasakin na nila ang aking pangalan?

Ganunpaman, hindi na ako nasorpresa sa panggigiba na ginagawa nilang ito sa ngalan ng pulitika. Noong nakaraang eleksyon nga ay sinugod at pinalibutan ng mahigit 120 armadong tauhan ng mga kalaban ko sa pulitika sa Cavite na kaalyado ng administrasyon ang bahay ko at nilagay pa sa panganib ang aking buhay at ng aking pamilya. Sa pamamagitan ng pananakot, pilit nilang pasukin ang bahay ko, kahit wala silang dahilan o warrant.

And because they failed in what they executed in Cavite, naghahanap sila ngayon ng bagong paraan para gipitin ako.

I have already been warned by someone in Malacanang that I will be targeted. Eto na yun. This controversy has been engineered by the administration for only one purpose - to demolish the opposition, especially those who enjoy the popular support of our people.

It is surprising that mere allegations have been treated as fact in the public eye, especially since the so-called whistleblowers have openly admitted that it was they who forged and falsified documents to carry out their scheme.

This demolition job is a sad commentary on the state of Philippine politics.

This issue should really be investigated, at dapat fair and objective ang imbestigasyon. The allocation of our funds are all subject to existing government rules and regulations. The release of funds are solely handled by the implementing agencies and the executive branch.

Kung may katotohanan man ang mga affidavit, kami ay biktima rin ng anomalyang ito. Ang executive branch ang may responsibilidad na siguruhing sa tama napupunta ang mga pondo ng pamahalaan.

Bakit ginigiba kami sa trial by publicity na ito? Kung totoo na may sampung taon na raw nangyayari ang mga alegasyon, bakit ngayon lang lumabas ito, at sa pahayagan pa?

Suspiciously, only non-allies of the administration are being dragged into this controversy. Bakit hindi nila buklatin at usisain din ang mga record ng paggamit ng PDAF ng lahat, pati ang mga kaalyado ng pangulo.

I have always been transparent and accountable. I have nothing to hide. Malinis ang aking konsensiya at nalulungkot ako na dahil sa pulitika ay sinisira ang pangalan kong napakatagal kong binuo at pinangalagaan.

In the meantime, I am asking the NBI for the alleged affidavits that were made basis of the news reports.

Napakahirap ng kinalalagyan ko dahil hindi ko alam kung ano-ano pa ang mga sasabihin nilang akusasyon in aid of persecution. Sino ang makakapagsabi kung ano pang mga kasinungalingan ang ilalabas nila?

News Latest News Feed