Press Release
July 30, 2013

Transcript of interview with Sen. Chiz in the Senate

Tungkol sa imbestigasyon ng Senado sa Customs

Ang hirap kasi sa mga opisyal magbabanggit ng mga atake sa Kongreso at miyembro ng Senado tapos hindi naman nakahandang pangalanan, kesyo tinatawagan daw sila ng kung sinong senador, lumalabas tuloy parang kaming lahat tumatawag sa kanila tungkol sa release ng shipment. Magandang maliwanag at malaman sino-sino ba ang tumatawag at dahil ba sa tawag na yon may ginawa ba silang ilegal, mali, bawal o iregular upang malaman na rin kung sino ang mga dapat sisihin kaugnay sa napakatagal ng problema sa Bureau of Customs.

Sir hindi ba kayo mahihirapan dahil kapwa senador?

Hindi namin iimbestigahan ang kapwa namin senador dahil hindi ito kaso laban sa kanila, ang nais naming alaman at least malinis ang pangalan ng institusyon mismo at hindi yung tulad nang lumalabas ngayon ang tingin ng mga tao sa labas pagnakakita ng senador at congressman ay "ay yan yung mga tumatawag sa Customs para marelease yung shipment." Hindi naman siguro tama yon.

So hihilinging nyo sa hearing na pangalan talaga?

Definitely, alangan namang hindi eh dinamay naman nila kaming lahat, sabi nila mga senador eh, sabi nya mga congressman eh, kahit din siguro mga miyembro ng Kamara nais ding malaman para rin naman malinis ang pangalan

Sa executive session?

Sana nag-executive session sya nong sinabing nyang may mga senador at congressman na tumatawag sa kanya, bakit hindi niya ini-executive session yon, sinabi nya sa media eh di sabihin din nya at pangalanan pero hindi dapat sa media.

Paano kung ayaw?

Titingnan namin sa hearing.

Paano kung may pinangalanan?

At least mabibigyan din sila ng pagkakataon na ibigay yung panig nila dahil baka mamaya bilang senador kasi, halimbawa mayroong nagreklamo sa yo na may opisyal na ganito, may opisyal na ganyan, may ilang mga senador na sumusulat, may ilang senador na tumatawag o kongressman "hoy bakit nyo ginagawa ito, bakit nyo ginagawa yan?" Anong uri at klaseng pagtawag ba, dahil pinapalabas nila na oras na tumawag eh ilegal na agad ang hinihingi. So anong ibig sabihin non, kung mayroon banta eh di kahit na may nakikita kaming maling ginagawa nila, kahit may reklamo sa amin ni hindi namin pwedeng i-point out sa kanila yo o ituro at sabihan sialng mali ang hindi naman siguro dapat ganoon yon.

Parang lumalabas na tinotolerate ng BoC ang ganoong...

Gaya nang nasabi ko nga ang hirap dito may katumbas bang ilegal, iregular, mali at bawal silang ginawa bugso ng tawag na yon. Sa panig at parte ko may nagsasabi na kahit sino ang ilagay mo sa BoC palaging magkakasungay, kaya kahit na sa pagpasok ng bagong administrasyon ni isang pangalan wala ako binigay o nirekomenda o itinulak para sa anumang puwesto dyan dahil kahit sinong ilagay mo dyan malamang sa malamang may isyung lalabas palagi tulad nyan.

Anong gusto nyo sir may policy kayong babaguhin, may ipapatanggal kayong Customs officials?

Investigation ito, malamang kung sa blue ribbon committe yan hindi naman necessarily batas ang kakalabas, ito'y pag-imbestiga kaugnay sa misfeasance, malfeasance o nonfeasance in office.

May proposal i-amend yung BoC law

Matagal naman na may panukalang batas para amyendahan yan, pati na yung tariff at customs code matagal nang may pending na panukalang batas. Ang sa akin lang bakit ngayon lang, kung kailan nag-alburuto si Pangulong Aquino doon biglang nagtanggalan ng lahat, pina-submit lahat eh napakatagal naman na may mga balita, tsismis at mga report kaugnay sa nawawalang revenue dapat nating nakukuha mula sa Bureau of Customs.

So sir kulang yung effort ng BoC

Maganda na rin ginawa yan ngayon kaysa sa namang walang ginawa pa ulit pagkatapos sabihan ni Pangulong Aquino na saan nyo hinuhugot yung kapal ng mukha ninyo, at least may ginagawa sila ngayon. Pero sayang lang yung panahong nagdaan, sayang yung panahong lumipas, matagal tagal na rin naman.

So you're saying dapat noon pa ginawa na yon?

Kung isa sa mga solusyon ay yung pagkaka-relieve sa kanila sana nong simula ginawa agad yon. Halimbawa ginagawa na yan sa iba't-ibang ahensiya ng gobyerno sa ngayon, sa DPWH hindi pwedeng bestfriend mo na, kumpare mo yung district engineer binabalasa na regularly yan para walang madevelop na strong personal relationship para ikanga may check and balance pa rin sa pagpapatupad ng mga proyekto. Ang BIR ginagawa din yon, constant na balasa din ng mga revenue district officers para walang masanay sa kanilang lugar. Ikanga para hindi masanay sa binabantayan nila o sinisingil nilang buwis. Customs ganoon din dapat sana.

So babalasahin yung mga top collectors, is that enough?

Hindi mo kasi pwedeng balasahin ang mga empleyado sa baba dahil usually nakatira sila sa lokalidad, in fact kaya sila nag-apply doon dahil taga doon sila. Ang isa pang panukalang matagal na naming tinitingnan, hindi naming sinasabing tatanggalin yung mga empleyado ng Bureau of Customs, pero pwede silang ire-assign sa ibang mga opisina. At mga opisyal at empleyado, clerk pataas mula sa ibang ahensiya naman ang i-assign sa Bureau of Customs. Wala kang tinanggal, wala diminution in ranks, salary o grade para magreklamo sa Civil Service pero at least napalitan mo ng bagong utak, napalitam mo ng bagong dugo at mga bagong katawan ang ilalagay mo sa Bureau of Customs.

Yung tin atawag na 17 kinga sila yung babalasahin, sila yung medyo matutunog yung pangalan dyan?

Ang problema pag binalasa mo lamang, unfair din sa kanila, babanggitin mo "17 kings" na mukhang sila lahat ay magnanakaw, pagbinalasa mo at talagang magnanakaw sila eh di magnanakaw lang din sila sa ibang lugar. Para sa akin yung may kaso kasuhan, yung may basehan para sampahan ng kaso eh di sampahan ng kaso at talagang tanggalin, sampahan nga kaso, hindi yung simpleng balasa lamang. Dahil kung ako ay gumagawa nang matino at tatanggalin mo ako at babalasahin mo ako at parang pinarusahan mo ako, parang may ginawa na rin akong mali.

Question inaudible

It's not a question of liability but on my part and the members of the Senate it seems grossly unfair dahil parang natatatakan kami, lahat, dahil walang pinangalanan na nagtatawag para marelease kung anumang shipment kaya hindi nila nagagawa ang kanilang trabaho.

Question inaudible

Darating kami sa puntong yan pero that would have to obtain the vote of the majority of the senators, ayoko munag magpunta roon.

Dahil hindi sinabi sa executive session so you would want it to be settled in public din?

Eh sinabi nya sa publikong may tunatawag sa kanilang mga senador at kongresista, sana hindi na lang din niya sinabi sa press con din. Ang problema sinabi sa press con kaya tuloy suspect lahat ng congressman at senador.

Question inaudible

Ikanga sinimulan nya, tapusin naman nya, huwag nyang sisimulan na bitin lang, tuloy nagmumukha at bumababa ang tingin ng maraming tao sa mga miyembro ng Kongreso at Senado

Other Customs officials may mga napangalan na would you also give them like ES Ochoa na chance to air their side during the hearing?

Kasi kakapanood ko lang kay Commissioner Biazon dinideny nya na tumawag sa kanya ni minsan si Secretary Ochoa.

Dapat bang tanggapin ni PNoy yung resignation?

Desisyon ni Pangulong Aquino yon because they serve at the pleasure of the President kung hindi sila CESO, kung CESO man sila sayang pagkakataon sana yon para magbago at maglinis nang kaunti dyan sa ahensiyang yan.

If you were the President?

Ayokong magsalita.

Do you think sir mayroon pang chance para mabago ang maling sistema sa BoC?

Well may chance pero alam nyo noon napakasama ng imahe ng Philippine National Police, sa simpleng pamamaraan lamang nabago yung nang naupo si dating Pangulong Aquino, pinalitan lamang nya yung uniporme, dati chocolate brown di ba, pagnakakita ka ng chocolate brown na pulis minsan iilag ka na kaagad eh. Nong pinalitan nila yung uniporme doon nagsimula yung pagbabago na rin kasabay nang paglilinis ha ng Philippine National Police. Madalas ko ngang sinasabi biro man at may halong kaseryosohan din baguhin natin ang uniporme ng mga taga-Customs, dapat salamin at walang mga drawer, pwedeng magsimula naman doon eh. Pwedeng magsimula naman doon ang pagbabago para immediately may transformation, immediately may pagbabago at immediately medyo mahirap-hirapan naman silang gawin yung mga dating gawain nila at yung dating paninira din sa mga empleyado, na minsan hindi naman totoo at unfair, na kesyo may bukas na drawer na huhulugan mo lang, mawawala na rin yon kung salamin ang lmga amesa nila.

Isa pa siguro magpa-file na kami ng bill kaugnay nyan, lahat ng revenue-generating agencies na magkaroon ng CCTV na pwedeng imonitor mula sa kahit saang remote location ng publiko, lalo na ng head of agency at ilalagay namin na may parusa parusa o may karampatang parusa ang hindi pagmaintain ng CCTV at pangalawa yung hindi pagtago ng tape ng CCTV. Naalaala nyo non 2004 elections nang pinasok yung Kongreso, hiningian namin sila ng video sabi nila wala kasing budget so pinapatungan namin yung lumang video. So yung petsa kung saan pinasok yung Kongreso napatungan na raw. Kalokoham yon, CCTV pwedeng tingnan ng publiko sa isang website at dapat maintained at tinatago for at least three years yung record ng CCTV na yon.

Kailan ipa-file yon sir?

Pina-finalize na namin.

Yung CBCP pinu-push yung abolition ng pork barrel

Ang pork barrel napakasama na ng imaheng kinalabasan pero sa totoo lang kung tatanungin nyo yung mga taga probinsya at lalawigan, hinahanap at gusto ng mga kababayan natin yan doon. Bakit? Great equalizer siya ikanga, dahil maliban sa ina-allocate na pondo ng national government merong assurance ang kada distrito sa buong bansa na mayroong P70 milyong programa ang gobyerno na makakarating dyan kung siyempre gagamitin nang tama. So maski na mahina yung congressman, maski na hindi nagsasalita, maski na oposisyon, at least may ganoong proyekto na darating doon sa kanilang lugar. Again kung ginagamit lamang nang tama. I think they're barking at the wrong tree pagsinabi nila na tanggalin na lamang lahat ng may bahid ng korapsyon eh di na-abolish na sana yung napakaraming probisyon sa budget dahil napakaraming probisyon sa budget na nakadikit na yung korapsyon. Dapat linisin at malaking hakbang ang balak naming gawin sa budget na ito. Sinimulan na ng Pangulo yan at ito ang pinakadetalyadong budget kumpara sa mga nagdaang taon.

Una sa kapal ng mga librong nasa likod ko, ito na ang pinakadetalyadong budget sa kasaysayan ng bansa, kung saan halos line item na lahat, halos line item ang personal expenditure, MOOE, capital outlay, support services, gas at locally funded projects. Maganda na rin yon dahil maliban sa line item siya kinokonsider na rin released document yon para agad ma-bid at ma-implement sa simula pa lamang ng taon ang mga proyekto, at unbundled lahat kaya yung transparency napakataas na. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nakalagay yung expected output at performance indicator ng kada ahensiya na naka-divide yung budget sa kada performance indicator para alam mo kung magkano yung perang naka-allocate don at nakalagay din don, nakadivide din by region, by province pa nga minsan, yung allocated budget sa proposed expenditure program sa darating na taon.

For the first time nakalagay din doon yung guidelines ng pork barrel at kung magkakano, kung magkakano yung naka-allocate sa kada miyembro. Yung menu siguro dapat rebisahin pa nang kaunti, irefine pa nang kaunti at yung paraan ng pagrelease dapat rebisahin pa nang kaunti. Sa parte ng DBM at ni Pangulogn Aquino nag-iisyu na sila ngayon ng executive order para sa pag-accredit ng mga NGO para itong mga fly-by-night ay maiwasan na at nang hindi na magamit pang muli.

Ano yung guidelines sa PDAF?

Sa PDAF? Yung menu, dati kasi yung menu internal document lang yan sa pagitan ng DBM at ng congressman, ng DBM at ng senador, na dito ka lamang pwedeng maglagay ng proyekto, nandirito yung implementing agencies. Ngayon nakalagay na sa budget mismo. Hindi pa namin nakukumpara pero kumpara sa two years ago, oo malaki na an gnabawas.

Pero under that menu pwede pa ring mag-allocate sa mga NGO?

Sa ngayon pwede pa pero gaya nga nang nasabi ko ang menu na yan dahil kasam yan sa balak naming amyendahan sa proposed budget.

Gaano pa ka impractical for lawmakers to do away with the pork barrel, bakit hindi pwedeng legislation lang yung sa inyo?

Legislation din naman yan, you have to understand the budget is the biggest allocation of funds which is the job of Congress. Pinaliit mo lang, nag-aallocate sila ng funds sa kanialng distrito. Ang advatange na binibigay non makakaprovide sila ng input kung paano talaga at ano talaga ang lugar nila. Halimbawa sa budget na ito mayroon din silang tinatawag na bottom-up budget approach. Ibig sabihin non P20 billion of the P1.7 trillion kinunsulta nila yung mga local leadersm barangay, konsehal, mayor kung ano yung pinaka-kailangan nila doon, hindi yung dinikta lamang galing sa taas. Ang PDAF system ay isan gparaan para marinig yung opinyon mula sa ibaba kung ano talaga ang kailangan ng kada distrito at barangay at hindi yung dinidikta na lamang ng secretary kung ano yung dadalhin sa kanila.

Reaksyon lang sir yung Church nagsoften ang stance tungkol sa gay pero hindi sa homosexual act

Well makabagong opinyon at pagtuturo yan, pagpapakita ng pagiging inclusive marahil ngayon ng Simbahang Katoliko kumpara sa mga nagdaang dekada at nagdaang siglo. Hindi naman siguro pagsuko yon ng anumang paniniwala nila pero pagiging inclusive lamang ng pananampalataya at paniniwala sa Diyos ng Simbahang Katoliko.

On anti-discrimination

Actually may nai-file kaming anti-stereotyping bill, nakalakip siguro yung discrimination na sinasabi mo. Yung stereotyping is paggumagawa kayo ng report o nagsasalita palaging may kalakip na stereotyping yung tao. Halimbawa pag may nahuling holdaper o bomber palaging nilalagay muslim, "A muslin named .... was arrested," bakit hindi nyo nilalagay "A Catholic... named," hindi nilalagay "Saksi... named," hindi ba? Nais naming iwasan yon para matanggal na yung tagging, pati sa mga pelikula na magagamit ng ganoong tag, maliban na lang kung parehas nilang gagawin siyempre.

Paano kung foreign national?

Dini-define mo lang naman, kung palagi mong sasabihin, kung foreigner siya okay lang na i-define. Dayuhan o Amerikano yon.

Tungkol sa akusayon ng opisyal Czech Republic, mag-iimbestiga ba ang senado dito?

Ewan ko kung may nag-file na ng resolusyon pero gumagawa na ng imbestigasyon ang DOTC sa ngayon. Tiyak ko lalabas yan palagi at maitatanong sa DOTC budget yan. Tiyak ko palaging mabri-bring up yan sa budget deliberation. Kasi magko-concebtrate din naman ang senado sa budget deliberation nitong mga darating na buwan baka wala na ring panahon para mag-conduct ng inquiry.

Yung NBI ang inatasang mag-imbestiga ng Pangulo, pwede ba ang NBI ang magsagawa ng imbestigasyon without any complaint?

Under the law the President can order an investigation. Sa ilalim nga ng batas pwedeng mag-utos ang Pangulo sa NBI o sa director mismo ng NBI na gumawa ng imbestigasyon motu propio if a violation of law was committed. Kahit walang nagrereklamo. It's authorized under the law. Malamang mabri-bring up yan sa budget deliberation. Malamang hindi yan palalampasin ng mga miyembro ng kongreso at senado sa budget deliberation.

News Latest News Feed