Press Release
August 7, 2013

Transcript of ambush interview after the Committee on Public Order hearing

Alam mo ang problema talaga sa atin ay enforcement ng mga batas na meron na tayo. Meron na tayong life imprisonment for individuals who even have explosive devices without any permit. So sa tingin ko enforcement muna. Kung kailangan pagdesisyunan sng pagbabalik ng iba pang penalties, yan po ay pwede nating pag aralan. Pero sa ngayon, enforcement muna ng mga batas na meron na tayo.

[Napag alaman ba kung may failure sa intel gathering ng PNP?]

Sa tingin ko naman, napakalawak kasi ng ating bansa. Nabanggit naman po na sailang taon na nakalipas nanatili pa rin sa 100,000 ang ating kapulisan, ngunit ang kailangan naman po ay 200,000 na. Kung meron mang failure, kung meron mang dapat i-improve, kaya nga tumawag tayo ng public hearing na ganito ay para malaman ang kanilang rules of procedure kung ito ay akma ba sa panahon. Hiningi ko po yan sa PNP para isumite nila kung papaano sila kumakalap ng intelligence dahil narinig natin na ang ibang mayor ay nabigyan ng pagbabanta. Pag nakakatanggap ba tayo ng banta, ani ang dapat nating gawin? Papaano natin ito ite-trace ...?

[Satisfied ba sa paliwanag ng PNP?]

Ako ay natutuwa na nagbigay sila ng oras at pagkakataon dito pero syempre kulang din ang oras natin. Sa tingin ko naman sinasagot nila pero sinabi ko naman sa umpisa pa lamang na kung ito ay makakasama sa kanilang imbestigasyon, pwede nilang sagutin sa isang executive session. Hiniling ko sa kanila na sana may mahuli na sila para naman maipakita sa ating kababayan na seryoso sila sa ating kaligtasan.

[Next hearing?]

Wala pa pong sine-set sa ngayon. Sabi lang namin na gawin nila ang kanilang trabaho at andito kami para suportahan sila. Hiniling namin sa kanila na isumite nila ang mga batas na sa tingin nila ay dapat nating pagtuunan ng pansin.

Even if they request an executive session, they have nothing to share at this point?

Meron naman po. In fact meron akong mga katanungan na gusto kong tanungin sa isang executive session. Pero binibigay natin ang kanilang kahilingan na gawin muna nila ang pagkalap pa ng ebidensya tapos magtatawag tayo ng executive session.

News Latest News Feed