Press Release
August 18, 2013

Transcript of DZBB Interview of Senate President Franklin M. Drilon

Q: On budget deliberation

SP: Bukas ng umaga, alas-9 ay uumpisahan ang deliberation sa budget sa pamamagitan ng briefing by the DBCC na lalahukan ng ating mga economic managers na magbibigay bird's eye view ng Philippine economy, kung ano itsura ng 2014 budget at kung paano makatulong para magkaroon ng inclusive growth o pangkalahatang kaunlaran.

Q: Ano ang particular na tututukan sa budget?

SP: Ang importante ay ang budget para sa edukasyon, kalusugan, at ang conditional cash transfer program. Sa edukasyon, ang kailangan tingnan ay yung budget para sa 66,000 classrooms (total classroom backlog) na pinapagawa ngayon under the Public-Private Partnership scheme. Malaking halaga ito at titingnan natin kung anon a ang progreso. Sa pondo ng DOH, dahil sa sin tax law ay dinagdagan ang pondo ng mahigit sa P20 bilyon. Kaya ating titingnan kung saan napupunta. Ito ay dapat mapunta sa Philhealth enrolment at improvement ng 4,000 district at government hospitals. Pangatlo, yung 4Ps o Pantawid Pangkabuhayan Pilipino Program kung saan mahigit na P60 bilyon ang pondo para sa 2014. Itong tatlong ahensya ay ating tutukan at suriin nang husto kung paano nagagamit dahil importante ito para sa kapakanan ng mga mahihirap nating kababayan.

Q: Naging makilatis kayo noon sa budget ng DSWD nakita ninyo na malaki ang admin cost para sa CCT.

SP: Tama po iyan. Inyong naalala na sinuri ko nang husto iyan at dahilan sa aking pagtatanog inilipat ang budget sa administrative cost at ilipat para sa proyekto mismo para dumami ang beneficiaries. Sa katunayan, talagang dumami at least a hundred thousand ang nadagdag nang ipalipat nati yung ibang budget na inilagay para sa administrative cost patungo sa actual program.

Q: Kung itong P5 billion na admi cost para sa 2014 ay mataas din po?

SP: Tama po iyan. Hindi bawasan kundi ilipat natin instead na admin cost. Halimbawa, ang laki ng printing cost niyan eh hindi naman taun-taon ay bibigyan mo ng booklet ang implementer at beneficiaries. Titingnan ko ang proposed P5 billion admin cost. Sa ibang bansa nga, mababa lang ang kanilang implementation cost.

Q: Sa timetable po,

SP: Titingnan natin, alam mo, unang-una, dahil kailangan tapusin bago mag-2014 ang budget dahilan ang prinsipyo ng budget ngayon ay para wala ng SARO next year. Ibig sabihin, kapag nakalagay na, iyon na yung automatic release. Kaya ating sikaping tapusin itong budget.

Q: sa DPWH on-going na raw po ang bidding ng mga projects na under ng 2014 budget

SP: Tama po iyan dahilan kailangan nating habulin yung tag-araw. Mahirap mag-implement ng projects lalo na imprastraktura kapag umuulan na. Isa pa, importante na kaagad magawa dahilan malaking bagay ito para makapagkaloob ng trabaho para sa mga mahihirap. Yung kritisimo nga na hindi umaabot sa mga mahihirap ang economic gains natin dahilan sa mataas pa rin ang unemployment, isa sa mga susi ang mabilis na paggawa ng imprastraktura para makapagbigay ng trabaho sa ating mga kababayan.

Q: Ano yung reaksyon sa COA report tungkol sa PDAF?

SP: Unang-una, yung excess, dapat hindi ganoon. Sa panahon ni ex-PGMA ito nangyari. Wala po ako doon dahil wala akong PDAF noon. Ito ay ebidensya na hinahanap ng taumbayan kaya sa akin po ako ay nanawagan tayo na bilisan nang kaunti ang kasong ito. Nandiyan ang COA report, binabanggit ang ang ebidensya. Dapat ay magkaroon ng close coordination between the Ombudsman, COA, at DOJ para mapabilis yung kaso. Nandiyan ang audit report. We are all under clout of doubt. Dapat tapusin ito upang sa ganoon yung mga nababanggit sa report ay mabigyan ng pagkakataon na sagutin ang banat, harapin ang kaso, defend themselves. Otherwise, hirap na puro sa media at walang pagkakataon na makasagot na involve. Dapat bigyan ng priority ang investigation ng Ombudsman at DOJ. The governmentt must show resolve in addressing this issue para yung taumbayan ay makita na may ginagawa ang pamahalaan. In fairness, they have the opportunity to defend themselves. Yung mga hindi nabanggit, paki-clear naman na hindi kami kasama. For those reasons, dapat bilisan ang trabaho rito: ang Ombudsman, DOJ ang investigation para maliwanagan ang lahat at mabigyan ng pagkakataon ang mga nabanggit na pangalan na depensahan ang kanilang sarili.

Q: Ano po ba ang proseso?

SP: Ang sistema: yung sakin halimbawa, sa akin marami akong pork barrel sa mga paaralan. Lalapit sa akin ang isang school principal at alkalde. Ang sasabihin ko, sige gagawa tayo, susulat po ako sa DBM na pwedeng i-release ang P600,000 o P800,000. Iyan ay ire-release sa DPWH as the implementing agency. Pagdating sa DPWH, magkakaroon iyan ng memorandum of agreement, dahilan sa ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. ang nag-execute ang nag-execute under the supervision of DPWH. Kaya ko pinili ang FFCCCII dahil mas mura po ang construction nila ng classrooms, kalahati lang ng presyo kung ikumpara mo sa ibang school building program. I am using my project as an example. Na-check po ba? Iyon ay ino-audit ng COA; pangalawa, doon sa sunod na batch, hindi ire-release ng DPWH ang budget kung hindi pa audited at accounted for yung unang pondo na inilabas sa kanila.

Q: Sa kaso ng 13 to 15 senators, 2007-2009 COA report, may sinasabi na nag-exceed. Ikalawa, napunta sa bogus NGO. Ngayon pa lang, hindi nila alam na bogus.

SP: Unang-una, sa sobra, hindi ko alam kung totoo iyan o hindi. Pwede rin na hindi nauubos - let's say, in 2012, meron akong P200 million, kung P150 million lang yung nagamit ko - yung P50 million gagamitin ko sa 2013, mag-carry over iyan. Pwede rin na may binigay na extra si Arroyo. Hindi illegal iyan. Kasi halimbawa, yung isang rotary club humingi ng pondo, hindi naman pwede sabihing bawal iyan. The fact of the use of these funds which are being raised should be examined. Not necessarily illegal kapag sobra dahil pwede rin na na-realign to some valid projects. Ang importante, ito ba ay nagamit for which it is intended.

Ang pananagutan ng senador ay kung maipapakita at may ebidensya dahil sa sabwatan at sa kanilang utos o representatsyon ay napunta sa bogus na NGO yung pera.

Q: Obligasyon ng Senador na alamin kung matino yung NGO?

SP: Tama po iyan, obligasyon namin iyan. Huwag nang ibigay sa mga NGO ang pondo. Subalit mababasa rin sa report na kahit hindi NGO, pero mukhang may problema rin at nabigyan ng pork barrel, tulad yung ZNAC Rubber Estate Corp., GOCC iyan, ay mukhang nagamit.

Hindi lang po NGO iyan. Itong ZREC, noong senador pa lang si PNOy ay inilabas niya ito at ibinunyag. Tinanong niya kung bakit may pondo pa iyan. Noong 2009, why are we funding these? It turned out na they are among those mentioned in the report.

Q: Kapag ganoon, ano ang pananagutan ng Senador. As per Sen. Estrada, dapat line agency ang nag-verify noon?

SP: I do not know. I describe yung proseso ng pag-allocate ko ng PDAF. Ang kausap ko sa implementation ay yung FFCCCII. It depends kung ano yung patakaran na kanilang sinusunod. I cannot answer for my other colleagues.

Q: Responsibilidad ng mga senador na alami kung nagagamit nang tama ang pondo.

SP: Tama po iyan. Liwanagin lang natin, hindi ibig sabihin na nandoon ka sa listahan ay masama na iyon. Mukhang ganoon ang impression pero liwanagin natin na yung listahan na lumabas kahapon ay yung allocation sa mga senador. Hindi ibig sabihin na magnanakaw ka na kapag nandoon ka sa listahan.

SP: 464 pages iyon tingnan mo sa ibang pahina nandoon nakalagay yung mga NGO na hindi nakapag-liquidate, walang address at biglang nawala. Basahin natin nang buo.

SP: Mayroong mga questionable, pero hindi lahat.

SP: May mga graduate na senador na nabanggit, meron din naman na nasa katungkula pa, ano ang konsiderasyon sa kanila?

SP: Siguro ho ang mangyayari diyan ay hihigpitan yung guidelines doon sa implementasyon ng PDAF. Siguro huwag na tayong pumasok doon sa mga medisina, fertilizer, training materials, na medyo doon sa COA report, sinasabi na may overpricing. Ang hirap i-audit like yung sa fertilizer, kapag sinabog mo na, wala na hindi mo na mai-audit. Higpitan yung mga bagay na pwedeng tulungan ng PDAF. Ang aking suggestion ay ilagay na lang lahat sa government hospitals. Halimbawa, yung sa aking medical assistance for indigents, nasa PGH, NKTI, Heart Center, etc. ang aking pork barrel. Kung sinoman ang indigent na pupunta roon, doon nila i-charge sa pondo ko pati yung gamot doon sa pharmacy ng ospital bibilin.

SP: Huwag nang isali ang NGO para wala nang turuan kung sino ba yung nabigyan. Meron pang isa, yung mga rechanneling ng river. Ang hirap i-audit niyan. Paano mo malalaman kung ilang feet na ang nahukay. Noong 2007, ang daminng mga ilog na hinukay noong panahon ni Arroyo.

SP: Bakit hindi po tanggalin ang pork barrel? Bakit reporma lang?

SP: Nimfa, ako ang unang nanawagan na i-abolish natin ito. Ngunit, ang realities, nandiyan sa budget, kapag hindi pumayag ang House, hindi pumayag ang Senado, manatili po iyan. Sa ngayon, ang alam ko walang mga releases ng pork barrel. Kung hindi ma-abolish, gumawa ng paraan kung paano matitiyak na hindi ito magagamit sa anomalya. Hindi naman lahat ng paggamit ng pork barrel ay masama. Halimbawa, diyan po sa University of the Philippines, ang dami po naming senador ang congressmen na nagbibigay ng budget diyan. Sa operating room ng PGH, ang dami kong pinagawa diyan. Hindi tama na sabihin natin na magnanakaw kayong lahat, tingnan po natin hindi lahat ay sa masama ginagamit ang PDAF.

Ang impression na nakukuha ng tao ay lahat ay magnanakaw kaya kasama na siguro sa reporma yung pag-ayos ng paggamit pork barrel at strict enforcement of the law and audit rules.

News Latest News Feed