Press Release
August 23, 2013

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero

Date: 23 August 2013
Program: Unang Hirit
Anchors: Arnold Clavio and Connie Sison

CLAVIO: Kasama natin live sa studio si Sen. Chiz Escudero, good morning senador.

FGE: Igan, Connie sa ating mga televiewers, magandang umaga at aming pakikiisa sa lahat ng nasalanta ng Habagat nitong nagdaang araw.

CLAVIO: Okay. Mainit itong isyu ng pork barrel, ang problema may ilang senador na dating hindi kumukuha nyan pero ang nangyari bumabalik lang yan sa National Treasury. So dito ba sa mungkahi mo, pag tinanggal itong pork barrel both senator and congressman mga magkano ba ang total nun?

FGE: Humigit kumulang P25-bilyon Igan para sa darating na taon.

CLAVIO: Okay, ito ba ay iaalis na sa General Appropriations Act o mapupunta lang ito sa kaban ng gobyerno?

FGE: Well para sa akin Igan dapat malagay pa rin sa kaban ng gobyerno pero dapat desisyunan at i-line item saan na mapupunta yan, school building ba? Ilang school buildings yan? Halimbawa housing ba, ilang housing yan? Specified at line-item at nakalagay din kung para saan.

CLAVIO: So pork barrel siya pero ng mga cabinet secretary na?

FGE: Ang depenisyon kasi Igan ng pork barrel ay lump sum. Meaning hindi mo alam kung saan pupunta, magbibigay nalang ng listahan sa loob ng isang taon. Ipapatupad ng DBM at implementing agency kapag line-item na yan, hindi na para sa akin sasaklawin yan ng depenisyon ng pork barrel.

SISON: So ibig sabihin kasi sir ang takot naman ng marami kapag ganito, mapunta lang sa ibang departamento yan, baka sila naman ang magkaroon ng anomalyang gastos?

FGE: Naintindihan ko 'yun, pero dalawang bagay siguro Connie. Una, medyo masyado nang nabababoy, nawawala yung integridad ng mga institusyon ng Senado at Kongreso dahil sa isyung ito. Dapat magsimula kami ng malinis at maayos dito. Pangalawa, at least kung ganyan na ang sistema, implementing agency talaga ang magpapatupad, wala nang duda o isyu sa accountability kung sino ba ang dapat managot para sa perang yan. Hindi tulad ngayon na parang nagbabatuhan o nagpapasahan yung mambabatas at 'yung implementing agency.

SISON: Kaya nga. Ako para sa akin Igan, magandang pakinggan po 'yung mga sinasabi ninyo na kailangan maging malinis kayo sa publiko. Pero kung sa inyo mismong ranggo ganyan, magkakakilala kayo, papaano po uusad ang imbestigasyon dyan?

FGE: Ang imbestigasyon...

CLAVIO: Magkakasakitan yan.

FGE: Ang imbestigasyon Igan kaugnay ng pagsampa ng kaso, NBI ang gumagawa niyan hindi Senado. Pero mahalaga rin at importanteng papel ang dapat gampanan ng imbestigasyon ng Senado. Kaya nga ako naghain din ng resolusyon, una para malaman ng publiko kung ano ang nangyayari. Ang hirap kasi sa mga imbestigasyon, may nagpanukala nga na i-CCTV nalang 'yung imbestigasyon ng NBI, mahirap naman 'yun. Ang pagkakaiba, una, publiko. Pangalawa susumpaan lahat ng sinasabi, hindi tulad ng mga nangyayari ngayon, yung mga testigong nagsasalita laban sa ilang mambabatas ay installment yung sinasabing mga bagay laban sa kanila na walang pagkakataon 'yung inaakusahan, totoo man o hindi, na sumagot, magtanong o magpaliwanag kaugnay sa mga partikular na sinasabi laban sa kanila.

CLAVIO: So malinaw sa resolusyon mo, hindi talaga tinanggal ang pork barrel, inilipat mo lang, inalis mo lang sa Kongreso?

FGE: Hindi naman Igan, pag sinabing tinaggal ang gusto mo at ibawas talaga sa budget...

CLAVIO: Hindi..

FGE: ...sayang yung fiscal space kasi. Sa fiscal space na pwede mong i-identify na paglagyan para mapakinabangan.

CLAVIO: Pero magiging centralized na ito sa Palasyo?

FGE: Hindi Igan. Kung line item hindi siya centralized.

CLAVIO: Sa DBM na siya?

FGE: Hindi. Actually pag line-item Igan ayon sa ginagawang sistema ngayon released document na siya. Ni-hindi na dadaan sa DBM 'yun. Yun na ang gagamiting basehan para i-bid yan at i-award kung saka-sakali.

CLAVIO: Sino na hahawak ng pondo?

FGE: Implementing agency. Kung school building, DepEd.

CLAVIO: Mga cabinet secretary rin?

FGE: Again kung line-item Igan, iba.

CLAVIO: Hindi na nga magagalaw ibig sabihin?

SISON: Ibig sabihin mas detalyado kasi makikita kung saan pupuntahan.

CLAVIO: Wala nang pekeng NGO, wala nang Janet Napoles ganun ba?

FGE: Kung ako nga ang tatanungin mo Igan, kukwestyunin ko talaga bakit kailangan dumaan sa mga NGO ang trabaho ng gobyerno. Napakarami naman nating sinuswelduhan na empleyado, opisyal ng gobyerno, bakit kailangan pang padaanin sa NGO, lalong lalo na yung specific na mga programa na inherent sa departamento.

SISON: Baka naman sa susunod hindi lang ipangalan as NGO pero ganon din ang anomalya?

FGE: PO na, People's Organization. (laughs)

SISON: Nagkakaroon lang ng iba-ibang pangalan naman at iba-ibang mukha lang din ang nakikita pero through the years parang nakikita natin senador na walang nangyayari sa mga iniimbestigahan.

FGE: Well, ito na ang pinakamalapit sigurong tyansa natin Connie na may mangyari kaugnay ng isyu sa pork barrel dahil ito na ang pinakamalakas na reaksyon ng publiko laban sa pork barrel na sa pananaw at tingin ko, hindi pwedeng manatiling manhid ang mga mambabatas kaugnay...

CLAVIO: Pero pag tinignan mo yung paper trail ng pork barrel, kailangan maipaliwanag sa publiko paano naganap ang mga anomalya dyan? Dahil kung titignan mo, mabusisi rin at mahigpit din sa departamento, kailangan accredited. So yung nakikita nating sindikato pwede bang masabi natin na wala talagang alam si senador? Baka yung staff niya ang kausap nitong mga taong ito?

FGE: Ayokong pangunahan Igan dahil baka sabihin ako na 'yung nag-aakusa at ako na 'yung whistleblower. Kaya nga nais namin lumabas...

CLAVIO: Pero ikaw kunyari yung Pork Barrel mo senador, pano tumakbo 'yun? May pumupunta sayo? Nagtuturo? Kasi di ba nakita ko ang kalakaran noong araw, pag nag cover ako sa Senado, may malaking libro yan galing DBM, pinapatong sa lamesa ninyo tapos mayroon doong mga proyekto, magtuturo kayo at magsa-susbmit sa DBM kung ano yung mga proyekto.

FGE: Sa mga lump sum Igan, hindi yan PDAF.

SISON: Ako ho ang tanong ko lang, nalalagay ngayon sa pangalan yung kapwa niyo senador ...

CLAVIO: Teka muna patapusin muna natin yung pork barrel niya kung paano tumakbo.

FGE: May mga nagrerequest minsan, minsan wala.

CLAVIO: Sa opisina mo?

FGE: Sa opisina namin. Pero ang kaso ko Igan, mula nung nagka pork barrel uli ako, mula noong naging senador ako, kasi wala ako sa listahan 2007-2009.

CLAVIO: Ay kalaban ka ni ano.

FGE: Akala ko nga marami kaming kalaban 'nun Igan,pero parang ako lang ata 'yung wala nun. (laughs)

CLAVIO: Tapos nung naging seandor ka?

FGE: Nung naging senador ako, nung naging presidente na si Pangulong Aquino, doon lamang narelease 'yung PDAF ko. Nilagay po namin 'yun sa dalawang bagay lamang. Una, medical assistance para sa indigent patients, downloaded sa lahat ng regional hospitals sa buong bansa. Iba't-ibang amounts 'yun, pinakamalaki sa Metro Manila partikular PGH, Kidney, Heart Center. Pangalawa, P500,000 assistance para sa construction, repair and rehabilitation ng public market sa kada munisipyo sa buong bansa, downloaded rin ang pondo.

CLAVIO: Kakalat 'yun? Pero P200-M kayo di ba? Ano amount natin dito? P500,000 sa public market tapos yung remaining sa hospitals?

FGE: Hospitals na 'yun.

SISON: Pero ibig sabihin, kayang gawin na alam ng nagbibigay ng pondo kung saan dapat talaga napupunta.

FGE: Tama yan Connie at hiniling namin sa COA na i-monitor ito at humihingi kami ng report mula sa ospital, sa mayor kung saan napunta at saan ginamit yung pondong nilagay namin. Usually nagrerequest silang ilagay sa iba pero hindi kami pumapayag, para talaga sa public market.

CLAVIO: Pero nung lumutang 'yung Janet Lim Napoles, meron ka bang na-recall na lumapit sayo o function mo na nandoon siya?

FGE: Na-meet ko na noon Igan pero hindi kaugnay sa mga lumalabas ng iskandalo o scam ngayon.

CLAVIO: Hindi ganon ang pakilala sayo kay Janet?

FGE: Hindi.

SISON: Pero ibig sabihin kilala ba siya sa industriya ng mga pulitiko?

FGE:Hindi ako pala attend at hindi ko siya doon na-meet. Na-meet ko siya nung nag shooting kami sa isang advertisement sa Pasig at sa isang okasyon din kapiling ang isang mambabatas pero hindi sa gathering ng mga congressman.

CLAVIO: Pabor ka ba na si Sen. Ping Lacson ang mag-iimbestiga batay na rin sa resolusyon ni Sen. Alan Cayetano?

FGE: Well, pwedeng tignan at pag-aralan pero Igan parang NBI investigation din 'yan. Walang malalaman ang publiko at hindi makikita ng publiko kung ano ang nangyayari sa imbestigasyon.

SISON: Ako balikan ko lang yung tanong ko kanina, kapwa senador niyo rin yung nalalagay dito sa hot seat, papaano mo, kumbaga ano ang mai-advice mo, kasi syempre kino-contest niya na magpapa authenticate pa siya ng signature, inamin niya naman sa COA. Pero paaano ang advice mo sa ganyan, kasi kasamahan mo sa Senado rin?

FGE: Karapatan ng kada senador ang bagay na yan pero para sa akin, kung may isang isyu na involve ka, magandang mabigyan ng pagkakataon na makompronta yung testigo at nang malagay siya sa tamang lugar niya kung siya ay nagsisinungaling o naninira lamang laban sa iyo at para mapatunayan din sa publiko na ika nga, wala kaming ginagawang mali at talagang maayos ang aming trabahong ginagampanan.

CLAVIO: Okay. Pasensya na medyo napahaba, mas malaking kalamidad ito. Kailangan maunawaan ng tao, kasi ang tao kapag nakikita ang pork barrel galit agad sa pulitiko. Salamat Senator Chiz sa pagpunta at pag-gising ng maaga.

News Latest News Feed