Press Release
August 27, 2013

Sen. Grace Poe on Freedom of Information Bill

DZMM / Anchorman Ted Failon

Failon: Yun pong Freedom of Information Bill, last Congress po naipasa ho in the Senate. In fairness. Ngayon po nakatoka sa inyo, siguro para i-refile, we'll just talk with your counterpart in Congress, sa inyo ho Ma'am, ano ho ang inyong pangitain dito? Mayroon ho ba kayong time-table para maipasa ang version po ng Senado?

Sen. Poe: Alam niyo ho, lalo na ngayon sa mga kaganapan, ako ay umaasa talaga na mas madali itong maipapasa. Alam ko sa senado, sa pakikipag-usap ko sa aking mga kasama, sila naman po ay sumosuporta din dito. Wala naman ho yata akong magiging problema rin dito. Sa September 4 po, nakamarka na ho ang una nating public hearing tungkol dyan at nang-imbita na rin tayo ng mga resource people sa media pati na rin sa gobyerno para makilahok dito.

Failon: Pero Madam, ano ho ba ang pulso ng inyong mga kapwa senador? Sila ho ba ay supportive ho talaga?

Sen. Poe: Sa tingin ko po e. Kasi noong kampanya pa lang, marami naman tayong nakasama sa senado, sa mga speeches nila sinasabi nila na importante itong FOI. At noong kinausap ko naman sila, sa totoo lang po Manong Ted, wala pong may gusto ng komite na yan, walang gaanong kainteresdao. Generally, hindi masyadong popular na komite yan. Sa mga nakausap ko, si Sen. Chiz, lalo na sa mga kaganapan ngayon, mawawalan na po talaga ng excuse na hindi suportahan ang ganyang klaseng panukala. Kung saka-sakali na sabihin mong seryoso ka na magkaroon ng malinis na gobyerno.

Ted: Ma'am, ngayon ilang araw pa lang po kayo nakakaupo bilang senador, ano ho ba ang turo sa inyo ng mga nakatatanda sa inyo dyan? Kasi po sa atin din pong karanasan sa kaalaman sa lawmaking, talagang pag yung counterpart mo sa kabila ay inupuan yan, sayang lang ang pagod nyo. Kung minsan talaga, pupuntahan mo yung counterpart mo at kakausapin, hihikayatin na ipasa din nila ito or else sayang lang ang pagod ninyo. Sa inyo ho ba pinayuhan din kayo na kausapin niyo na yung counterpart niyo sa Congress. Mayroon po bang ganoon Ma'am?

Sen. Poe: Sa kahit na anong sitwasyon naman po ay importante ang diplomasya. Pero binabalanse ko rin po yan sa turo ng nanay ko. Na sa ganoong sitwasyon din, wag mong walain ang sarili mo. Ngayon kahit papaano naman po, sa MTRCB, natuto na rin tayo, na may kanya-kanyang panig talaga at ginagalang naman natin yan.Opo isa po yan sa aming klaro. Hindi lang naman ako, marami din talagang ibang grupo na gusto talagang makipag-usap sa ating mga kasamahan sa Congress na wag katakutan ito. Sapagkat kahit na anong bagay no, kahit na sabihin mong pork barrel in another form or in another name, ito pong sandata natin para makita natin kung ano talaga ang nangyayari sa gobyerno. Kasi po sa FOI, ang executive, legislative at judiciary ay hindi po exempt dito sa FOI. Ibig sabihin lahat po ng dokumento ay kailangang nakikita ng ating mga kababayan. At kung ito naman po ay na-classify as secret or for national security, meron din pong panukala sa FOI proposal na yan na mayroong silang time frame, na within a reasonable time, na madi-declassify po yan. Kahit na sabihin natin yung ginagasta sa executive, puwede naman nating ma-declassify. Talagang mayroon tayong alternatives kung saka-sakali, at ngayon, sa FOI rin, kunwari pumunta ka sa isang branch of government at hihingi ka ng impormasyon, tapos yung nandon nagmatigas ayaw ibigay sa iyo, under FOI mayroon na pong penalty dyan na makukukulong ka ng not less than a month but not more than six months at may kaukulan ding multa. Yan talaga ay sandata ng tao sa isang demokrasya.

Failon: Kami po at medyo optimistic po sa inyong mga binabanggit ngayon, kasi nga po diplomasya so you can confer with your counterpart in the lower house para ano ba ang damdamin niyo, pag-usapan, kumbinsihan po. Kasi ho talaga itong lawmaking is a really tedious process. Even with a local bill, hindi maipapasa yan kung hindi mo pupuntahan sa senado. Kailangan manikluhod ka talaga sa kanila para lamang maipasa. Ganoon ho katindi ang lawmaking, kaya ho good luck Ma'am.

Sen. Poe: Alam niyo po yan. Gusto ko lang po idagdag Kuya Ted, lahat po tayo ay gusto ng Freedom of Information Bill, pero kailangan natin tandaan, ang government din kailangan maging handa sa ganitong klaseng batas. Kasi kung wala naman tayong means, halimbawa wala naman tayong pondo para magkaroon ng FOI desk o para mai-digitized ang mga impormasyon at hindi din natin maibibigay sa ating mga kababayan, it would be FOI in name only. Kaya ho pinag-aaralan natin na mabuti yan sapagkat maraming bansa, 193, 90 something merong FOI pero kalahati noon hindi matagumpay. Gusto ho natin maging matagumpay ang FOI implementation.

Failon: Hindi lang po sa pangalan no, kasi baka tadtad naman ng exemption yan sa mga nais nating makuhang detalye sa mga contracts for example. Siguro talaga ho Madam, things happen for a reason. Sa inyo ho talaga siguro iyan ibinigay para ho, naniniwala ho ako sa inyong sinseridad. Honestly, I trust your sincerity po at dito po sa inyo hong ipinapangako na ito na gagawin niyo ho ang lahat para ho ito ay maipasa. Madam Grace, mabuhay po Ma'am at I will be keeping in touch.

News Latest News Feed