Press Release
August 28, 2013

Transcript of Interview of Senate President Franklin Drilon
on DZMM Teleradyo

On Atty. Macalintal's comment re budget of the Senate Electoral Tribunal

Oo. Gerry, natanggap ko yung liham ni Romy Macalintal. Nirefer namin sa Supreme Court, dahilan po ang SET o Senate Electoral Tribunal, hindi po yan nasa ilalim ng Senado. Ang tawag diyan ay Senate Electoral Tribunal pero yan po ay independent body. Ang members po niyan ay tatlong Justices at anim na Senador. Ang head ng SET ay ang Supreme Court Senior Associate Justice. Bigyan ko lang ng diin, ang Supreme Court na chairman ng SET ang siyang nag-aappoint ng secretariat sa SET, hindi po ako. Bilang Senate President. Ang fund management po diyan ay nasa Supreme Court, nasa chairman ng SET na si Justice Antonio Carpio. Sa madaling salita, ang pamamahala ng SET ay nasa presiding chairman na si Justice Antonio Carpio, hindi po ang Pangulo ng Senado kaya yung liham ni Romy Macalintal ay aming agad Pinadala nuong Agosto __ sa Supreme Court sa dahilan po na sila nga ang may tangan ng pondo nito. Ang SET, wala po sa Senate building yan, nandoon po yan sa Quezon City.

Yun daw po kasing budget nito na P125 million ay isine-set daw yun para sa adjudication of electoral contest involving members of the Senate. Kung wala naman daw pong kaso, ano ang pagkakagastusan?

May punto po siya diyan, ngunit sa kabilang dako naman, mayroon ding empleyado yung SET, regular employees po. May secretariat po yan, at yan naman ay hindi casual employees, mga regular employees po yan. Kaya siguro, unang una, uulitin ko po, ang pangangasiwa ng pondo ng SET ay nasa Korte Suprema. Nasa chairman ng SET na taga Supreme Court hibndi po angf Senado, kaya atin pong Pinadala yung liham ni Romy Macalintal sa Supreme Court.

Kapag po ba budget deliberation, nasa ilalim po ito ng Judiciary? Yung budget?

Tama po, sila poo ang sumasagot sa budget ng, hindi naman Judiciary kundi independent body po ito. Ang chairman niyan, ang Justice ng Supreme Court.

Hindi po napartehan ng budget ang mga Senators na parte ng SET?

May mga allowance sila sapagkat sila ay nag-aattend ng hearings doon, sila ay nagmemeeting doon, siguro may mga allowances din sila, hindi ko alam kung per diems din sila, but I do not know that for a fact dahil hindi dumadaan sa akin ang budget ng SET.

Kapag may natira po doon sa pondo, ibabalik po ba yun sa government coffers?

Yan po ay nasa chairman ng SET. Uulitin ko, sila po ay may sariling diskarte po diyan. Hindi po nasa ilalim ng Senado ang SET. Kung ako ang itatanong, mas mabuti sa Korte Suprema, sa Senior Associate Justice.

Kayo po ay matagal nang naging chairman ng finance committee ng Senado, yun po bang mga senador na miyembro po ng SET, may extrang kita po ba yun?

Hindi ko alam personally dahil po hindi po dumadaan sa akin ang disbursement ng pondo ng SET.

News Latest News Feed