Press Release
September 3, 2013

Sen. Teofisto 'TG' Guingona III (Chairman Senate
Blue Ribbon Committee) Kalye Escalera Interview

KE: Sen. Guingona good morning po!

TG: Good morning!

KE: Kahapon ay nagdaos kayo ng inyong senators caucus sa kalagitnaan ng session ano po ba ang napag-usapan niyo doon?

TG: Wala po doon sapagkat marami akong coordinative meeting ngayon so hindi ako naka-attend diyan so ngayon ko lang malalaman kung ano ang nangyari.

KE: Ang latest dito sa mga ginagawang series of investigation sa ibat-ibang usapin ito mga ginagawang imbestigasyon ng inyong committee na pinamumunuan. Unahin ko po sa PDAF investigation how far have you gone?

TG: Naumpisahan pa lamang natin sa scheme na ginawa ng mga tao kung papano di umanoy na nabubulsa daw ng mga mambabatas sa pera ng bayan na magre-request for PDAF. Tapos yung PDAF ibibigay sa DBM tapos ibibigay dun sa implementing agencies tulad ng DA at ibibigay naman sa tinatawag na govt, corp. ng implementing agencies tulad ng sinasabi nilang sa Zamaboanga rubber estate corp. Itong agency na ito ibibigay naman sa isang NGO so far so good. Ang problema lang itong mga NGO's na binigyan peke kaya dun nawawala na yung pera hindi mo na masundan kung saan pumunta yung pera.

KE: Dun kasi sa bagong devt.na yan ewan ko kung sasang-ayon kayo dito na ang transaksiyon ng peke sa peke parang namagitan na lamang dito between ZREC at NGO yung transaksiyon nila ay lumalabas ngayon na medyo malinis?

TG: Oo sapagkat dokumentado yung daloy ng pondo so, so far so good sa taas amg problema lang talaga pag pumunta na sa NGO. Gusto ko lang sabihin na ang problema yung NGO na binigyan nila no.1 peke hindi ibig sabihin pag binigyan mo ang NGO mali na hindi po. Sapagkat maraming lehitimong na NGO na naglilingkod na tunay sa bayan natin. Ang problema itong mga NGO's na ito pekeng-peke at ang lalaki ng ponding ang binigay mabuti kung P1M hindi eh hundreds of millions. Another point is kung nagkamali naisahan or something bakit taon-taon binibigay mo to the same NGO na peke. Yan ang mga tinatawag nating mga senyas na tagang kaduda-duda ngayon talagang may kalokohan tapusin muna natin ang imbestigasyon. Batay sa mga sinabi ko sa inyo talagang sino naman ay mapapaduda ng husto.

KE: Pero itong mga NGO naman na binibigyan ng pondo ng ZREC at NABCOR ay nagbigay nga sino naman ang nag-endorso nito o merong mga sources na galing sa taas?

TG: May mga sulat ang mga mambabatas nagsasabi na ibigay mo kay ganito may dalawang pangalan na NGO si PAMSI at si MAMSI magkapatid siguro ito.

KE: Napasadahan ko nga rin yung COA report ng bahagya meron pa ngang Dito na me foundation.

TG: Eto na me!

KE: Puntahan natin ang Fort Sto. Domingo kasi kahapon dun sa hearing na budget ng DILG sinasabi ni Sen. Pres.para daw maiwasan yung maaring pagbabanta na nararamdaman pa rin itong si Janet Lim Napoles yung pork hearing pupuwede naman dawn a dun idaos sa kanyang detention facility pero yan po ay sa usapin ng korte. Sa senate po ay may sariling imbestigasyon kayom po ba ay nag-uusap na kung ang mga member ba ng Senate Blue Ribbon Committee kung may plano na dun din ba idaos ang inyong mga pagdinig for security reasons?

TG: Hindi pa namin nagpag-isipan yun doon pero malamang sa sendao na lang bahal na ang PNP na gumawa ng security arrangements. Pero sa trial pangmatagalan yan mas practical nga kung doon sa Fort Sto. Domingo pero sa senate hearing siguro ones, twice or three times pero hanggang dun lang. I don't think kailangan pa dalhinn yung senado dun.

KE: Mga ilang beses daw papalutangin si Mrs. Napoles na dalawa o tatlong beses lang?

TG: Tinatantsa ko lang kasi usual naman no. 1 papakuwentuhin mo siya after ng kuwento magtatanong yung mga senador gaano kaya katagal yun yun ang tinatantsa ko. Sabihin mong nakatanong na lahat gano katagal yun tantsahin mo ganun katagal yun.

KE: Kung yung magtatanong man yung senador na nabanggit o hindi nabanggit dun sa kanyang mga NGO's ay parehong papatawan ng 2 mins.na haba ng pagtatanong o ilan angumiiral sa inyong komite?

TG: Sa ngayon hindi ko binibigyan ng time limit para walang masabi yung senador pero nakita ko sa susunod na panahon kailangan na talagang lagyan ng time limit.

KE: Sa susunod na pagdinig sa huwebes sino yung mga nakalinya?

TG: Ginagawa pa yung listahan ngayon pero ang confirm ngayon of course ang COA andun ulit peo wala si Chairma Grace Pulido Tan si Dir. Garcia na lang ang nandiyan. Chairman Tan will be away for 2 weeks and we have Mario Relampagos Usec.of DBM and then Sec. Proseso Alacla ng DA.

KE: Pero parang sa huwebes po ata may kasabay itong pagdinig niyo dahil budget hearing din ng DOJ na medyo mainit ang pagbabantay na ginagawa dito kay Napoles?

TG: Ang importante kasi dito binubuo muna nating yung kuwento ano ba ang nangyari kailangang dumaan tayo sa proseso sa mga ahensiya kung saan dumaan yung pondo para ma-explain ng mga tao na nandun sa ahensiya ngayon kung ano ba ang nangyari doon.

KE: Balik lang po tayo sa pork barrel scam kasi ang DBM po ba posibleng yan ang pangunahing pananagutin sa sinasabing scam taon-taon sinasabi niyo nga rin na naaaprubahan nila ito at sila din talaga yung mga pangunahing asignatory pagdating sa mga budget?

TG: Kaya nga inimbita namin si Usec. Relampagos para i-explain niya sa taong bayan kung may pananagutan ang DBM o wala dito sa nangyayaring scam. Ang nangyayari ngayon turuan ng turuan at least merong isang grupo na hindi puwedeng magturo yun yung pekeng NGO's. Pero yung ibang ahensiya nagtuturuan at kailangan nating malaman saan ang hangganan ng responsibildad ng mga ahensiya.

KE: Pero gaano kaya katagal itong magiging proseso nito?

TG: Mahirap magbigay ng time limit kasi hindi mom alam kung talagang matatapos lahat at kung meron pang susunod na bagong impormasyon. Wala ka talagang control kung gaano katagal.

KE: Ano naman po yung masasabi niyo na magkakaroon ata ng panukala ng magkakaroon ng special pork investigator na puwedeng makatulong ang senate Blue Ribbon Committee kailangan po ba kaya ito?

TG: Ikaw na nakapanood ka nan g imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa pananaw niyo ba kainagan pa ng special investigator. Kung kuntento na ba kayo sa takbo ng imbestigasyo makikita naman nila kung kailangan pa o hindi.

KE: Meron pong nagsasabi na yung mga NGO's ay mahirap daw malaman kung peke dahil lumalabas na aprubado sila ng SEC ano po yung masasabi niyo tungkol dun?

TG: Merong papeles pero walang opisina pupuntahan namin yung opisina barung-barong o isang residential unit pag nagtanong ka tungkol sa organization nay an hindi alam ng mga taong nakatira doon. Yung NGO na yan hindi kilala dun palang makikita mo na peke na. Dapta yan may mga tao may mga personnel lahat ng requisite para sa totoong NGO dapat nandun.

KE: Sa kondisyon po ngayon ni Janet Napoles ang dami niyang karamdaman kayo po ba ay maaawa po na padaluhin sa hearing kung sakaling siya ay dumalo na?

TG: Alam mo yung sakit kung merong karamdaman ang isang tao ang makakapagsabi ng kung puwedeng dumalo sa isang hearing ang isang tao o hindi doctor hindi abugado. Siyempre kami susunod lang kami sa rekomendasyon ng doctor naalala ko yung panahon yung PNP helicopters scandal si Mike Arroyo ang nagbenta at inimbitahna namin at pina-check namin Phil Heart Ctr.sa head ang rekomendasyon niya huwag niya nag padaluhin sa hearing sapagkat he can go daw anytime sa examination so that rerespetuhin ko yung findings niya.

KE: Mula ho nung lumabas yung mga pangalan ng kasamahan niyo nakapagbigay nga ng mga pondo dun sa pekeng mga NGO's. May mga napansin na ba kayong pagbabago dun sa pakikitungo nila sa inyo or sa mga gawi nila sa inyo pag kayo ay magkakasama sa senators lounge?

TG: Hindi natin masasabi na pareho pa rin siyempre may kaibahan na may tension sa English theres a tension in the air at ingat ang mga senador.

KE: Kumbaga yung mga nababanggit naman ay hindi alog sa karamihan hindi ba naman nagsasabi sa inyo ng bakit ako lang si ganun meron din naman?

TG: Wala naman infairness nagbabatian din naman.

KE: Maraming salamat po Sen. TG Guingona sa inyong pagkakataon dito sa 738 Kalye Escalera!

TG: Maraming salamat sa Radyo ng Bayan maraming salamat din Marlo!

News Latest News Feed