Press Release
September 17, 2013

Interview in the Senate on pork barrel scam

Nag-file na ng plunder compalint laban sa mga senators, kailangan pa pang ipagpatuloy ang hearing ng blue ribbon committee?

Para sa akin, oo, sa nagdaang tradisyon at ginawa ng senado kung maalaala nyo yung kay General Garcia, plea bargaining stage na nga yon sa Sandiganbayan tinuloy pa rin ng Senado ang pagdinig at meron pang commitment si Secretary Delima kaugnay ng pagsumite ng mga affidavits ng whistleblowers na ginamit nya sa pagfile ng kaso kahapon. Kung mapapansin din nyo, ang pagdinig lamang sa senado ang tanging venue para mapanood, makita at mapakinggan ng ating mga kababayan yung buong kaganapan kaugnay nitong PDAF investigation at scam, nabibigyan din nito ng kaalaman ang ating mga kababayan kung saan napupunta sa tama man o sa masama ang buwis na binabayaran nila.

Na uncover na kasi yung Napoles modus operandi dapat ba magfocus na sa iba pang NGO?

Matagal ko nang hiniling yon, gaya nga nang nasabi ko 82 NGOs ito, walo lamang ang kay Napoles at yung modus operandi tila pareho lamang ng ginawa ni Napoles, importanteng malaman kung sino-sino at ano ang bumabalot doon sa nananatiling 74 na NGOs dahil mas malaking amount pa nga ang involved doon sa remaining 74 NGOs, without of course forgetting yung Napoles NGOs.

Kung kukonsultahin kayo sino yung dapat na ipatawag sa blue ribbon committee hearing?

Isa o dalawang whistleblower pa kaugnay don kay Napoles at si Napoles din mismo pinaimbitahan ko sa pangalawang pagdinig pa lamang matapos siyang mahuli. Dagdag pa siguro dapat tingnan na rin ng komite pagkatapos non ang mga ibang NGOs pa.

Yung tatlong senador dapat bang humarap?

Tulad ng tradisyon ng blue ribbon committee sinumang senador, kongresista o pribadong individual na nababanggit yung pangalan may karapatan silang mag-appear at magsalita doon sa parehong komite kung saan nabanggit yung pangalan nila, pero hindi na siguro sila kailangang imbitahan pa dahil sila ay naakusahan na, well bilang abogado siguro mas maganda na doon na lamang sila sumagot doon sa Ombudsman o Sandiganbayan kung saan sila sinampahan ng kaso. Pero desisyon at pasya nila yon.

With the filing ng charges before the Ombudsman nagse-set in na ba yung sub judice doon?

Hindi, gaya ng nang nasabi ko ang sub judice hindi naman sinundan at sinunod ng senado sa mga naunang mga pagdinig ng senado. Kung maalaala nyo hindi naman naging rason yan para pigilan ang imbestigasyon. Lalo pa nga sigurong kailangan yon dahil tila tikom ang bibig ng mga nag-iimbestiga kaugnay sa bagay na ito, ni hindi nga sila nagbigay ng aktuwal na kopya ng mga affidavit sa publiko at media.

So they're still free to perform their job as senators kahit may kaso na sa Ombudsman?

Yes because under the plunder law, magaganap lamang ang suspensiyon kapagka nai-file na ang information sa Sandiganbayan mismo, pero dapat sukatin at timbangin din yan sa probisyon ng Saligang batas na nagsasabi na pwede lamang mag-discipline sa miyembro ng senado at kongreso ay ang senado at kongreso mismo, pero bagaman may ganoong probisyon marahil baka kailangan pang dumaan yan sa proseso ng Committee on Ethics at gagamiting basehan yung Section 5 ng plunder law kaugnay ng suspensyon.

They're appealing sa public na huwag agad husgahan, insisting their innocence.

Well dapat naman talaga, para sa akin mahirap maghusga nang maaga, ayaw nating malagay sa kalagayan nila kung saan tila hinusgahan ng guilty, siguro hayaan natin ang korte magpasya at magdesisyon kaugnay sa guilt at innocence nila at huwag manggaling sa atin, hindi naman tayo mga judge. Pero sa parte ng senado dapat magpatuloy ang imbestigasyon para maungkat at malaman ang puno't dulo ng isyung ito.

Kailan ang next hearing ng blue ribbon?

Ewan ko, ina-assume ko sa Thursday dahil every Thursday naman dinidinig yan, pero desisyon ni Senator Guingona kung kailan ang susunod na blue ribbon investigation, sana itong darating na Huwebes.

Sa susunod na hearing pwede nang pangalanan ang mga lawmakers?

Well yon naman ang sinabi ni Secretary De Lima, ma-file lamang nila yung kaso, dagdag pa ron inimbitahan din namin pala yung manager ng bangko ni Napoles kung saan matapos pala niyang magretire ay naging bahagi na at auditor na siya ng JLN Group of Companies, marami ring siguro tayong makukuhang impormasyon kung siya ay magsasalita kaugnay sa modus operandi at operations ng JLN.

Ngayong nakafile na sa Ombudsman at may mag-file sa Ethics dito sa senado, pwede yon? Pwede yon, dapat dinggin ng senado yon, subalit marahil hintayin ng committee on ethics yung pagsasampa ng kaso kung magsasampa man sa Sandiganbayan dahil yon may basehan sa batas na mag-isyu ng suspensiyon pero maski na wala pa yon pwedeng magdesisyon on its own ang committee on ethics base sa ebidensiyang isusumite sa kanila ng sinumang complainant. May chairman na ba ang ethics committee?

I think meron.... Hindi ko kabisado ang rules ng ethics committee pero alam ko kailangang may mag-complaint. In any investigation naman kasi siguro anonymous complaint should be frown upon, mahirap na yung rereklamuhan ka ni hindi mo alam kung sino ang nagreklamo sa yo. Maganda naman siguro hindi sa pamamagitan ng anonymous complaints. But I'm not sure about the committee on ethics rules.

Kung hindi na matuloy ang hearing ng blue ribbon sa Thursday at hindi na nga dumating dito si Napoles nakakapanghinayan ba?

Para sa akin, oo, dahil marami sa ating mga kababayan ang natututo, ang nagiging mulat at nagiging interesado sa buwis na binabayaran nila at kung paano ito ginagastos ng gobyerno at ng mga opisyal natin. Itong kamulatang ito, itong pagiging vigilant na ito, siguro sa pamamagitan lamang ng mga pagdinig na ito makukuha at mabibigyan ng daan para sa gayon ay maituro din natin sa ating mga kababayan ang tama at hindi tamang paggamit ng pondo ng pamahalaan.

Bakit parang hindi na-schedule si Napoles. Meron bang kailangan? Parang walang independence. Hindi ko alam. Kausap ko si Chairman Guingona kahapon at sina bi ko nga sa kanya ang pagnanais ko na imbitahin si Napoles. Kung tanggihan man kami hayaan nating korte ang tumanggi sa amin pero sana subukan ng Senado na maimbitahan siya dito. Anong sabi sa inyo ni Sen. Guingona?

They will make representations daw with the court. Pero tila ang imbitasyon ay ipadadala daw sa PNP at ang PNP na may custody sa kanya ang hihingi ng permiso sa korte kung pwede siyang madala ditto.

Do you think mare-resolve itong case before na matapos Aquino administration o aabot ng next? When you say ma-resolve ang plunder case, meaning Sandiganbayan. Nagawa at nangyari iyon noong panahon ni Pangulong Arroyo kaugnay ng kaso ni Pangulong Estrada pero may ginawa atang adjustment ang Sandiganbayan na nag-assign sila ng justices talaga ng Sandiganbayan para dinggin ang mga kasong isinampa kay dating Pangulong Estrada. Kung gagawin din iyon siguro matatapos iyon sa termino ni Pangulong Aquino, conviction man o acquittal ang kalabasan niyon. Pwedeng i-reject ni Napoles ang invitation ng Senate at sabihin nilang sa court na lang sila haharap?

Sa palagay ko pag inutusan siya ng korte na mag-appear ditto dahil nasa custody na siya ng korte at ng PNP, wala siyang choice kundi mag-appear dito pero mays karapatan siya na i-invoke ang kanyang right to remain silent sa mga tanong na maaaring mag-implicate sa kanya. Pero tulad sa mga nagdaang pagdinig ng Senado, hindi naman iyon tinatanong pa lang ang pangalan mo o saan ka nakatira ay 'I invoke my right to remain silent.' May mga tamang paggamit ng invocation ng right to remain silent ng isang akusado sa kaso.

Iyong request ninyo to invite Napoles, kailangan na i-formalize pa sa hearing o pinoproseso na ngayon pa lang?

Sa pagkakaalam ko pinoproseso na dahil sa pangalawang pagdinig pa lamang ay hiniling ko na iyan at kinatigan ng komite ang aking hiling kasabay ng paghiling ko kay Napoles na mag-appear doon sa whistle blowers na nag-attend na nga ang isa noong nakaraan.

Pag nag-narrate ang mga whistle blowers kung paano sila tumanggap ang mga senators and legislators, are we going to parang touching on the merit of the case na?

Not necessarily. Again, sa mga nagdaang pagdinig ng Senado hindi naman ganito kasensitibo ang Senado Senado gaya nga ng kay Gen. Garcia. Kung maalala ninyo nasa Sandiganbayan na iyon. Plea baragaining stage na nga iyon, dininig pa rin ng Senado so wala akong nakikitang dahilan dahil ito ay in aid of legislation naman lalong-lalo na hinog ito dahil pinag-uusapan ang budget at kung ano ba ang gagawin talaga ng Senado kaugnay ng PDAF at kung meron mang PDAF pa ay paano natin malilinis ang sistemang iyan.

Sa budget hearing, ang Mindanao Development Authority nagpahayag na ng concern ng possible impact sa economy ng Zambo at sa huong Mindanao kung magpapatuloy ang kaguluhan.

Well, definitely may impact daw pero wala pa ang study at figures sa kanila pero isa daw ang maliwanag, akala nila magkukulang na ang power requirements ng Mindanao in the next 2 years matapos pumasok ang 500 megawatts dahil sa pag-usbong ng ekomnomiya doon pero dahil sa nangyayari sa Zamboanga City, tila sosobra pa rin ang power at hindi magkukulang dahil sa kawalan o kabawasan ng economic activity doon sa lugar na iyon.

Si Sen. Jinggoy, umaaray na siya dahil pinapabanggit daw nang pinapabanggit ang pangalan nilang 3 senators na nasa _ .

I do not feel alluded to. Pangalawa, noong nakaraang hearing wala naming pagbanggit na ginawa sa kahilingan na rin ni Sec. De Lima at hindi naman nag-insist ang mga myembro ng Senado. May mga taking advantage daw.

Again, I do not feel alluded to kaya hindi ko siguro kailangan sumagot doon.

News Latest News Feed