Press Release
September 17, 2013

Transcript of Interview of Senate President Franklin M. Drilon
in DZBB AM Radio

Q: Narinig niyo po ang sabi ni Senadora Santiago, sabi niya iba yung kaso ni Jalosjos at ni Gloria Macapagal Arroyo. Si Gloria Macapagal Arroyo pandaraya di umano sa eleksyon. Si Jalosjos naman ay nanggahasa. Ito yung special na batas tungkol sa plunder or pandarambong na siyang kaso nitong kapwa senador ninyo.

Liwanagin natin. Unang una sa section 5 ng Republic Act 1780, yun po ang Plunder law. Ano po ang nakasulat don? 'Any public officer against whom a criminal prosecution under a valid information, under this act, meaning yung Plunder law, is pending in court shall be suspended from office.' Nakalagay po 'yan. Tama po yan. Pag nasampahan ka ng kaso, hindi sa Ombudsman ha?, kundi sa Sandiganbayan.

Q: Ang sabi po ni Senadora Santiago, automatic 'yon?

Automatic 'yon. Ito po'y kinopya dun sa anti-graft law. Ito po yung provision sa anti-graft law, ganun din. Section 5 ng Plunder law and Section 13 ng Anti-Graft law, magkapareho. May mga kaso po dito kagaya ng isang gobernador sinustain po. Sinabi ng Korte Suprema, tama kailangan suspendihin. Ngunit ang suspension ay limitado sa Korte Suprema sa 90 days. Nakalagay po yan sa batas sa kaso na dinecide ng Korte Suprema. Meron isang gobernador na nasuspinde under this provision sa Anti-graft.

Q: Ang korte ang magsasabi kung gaano katagala ng suspension o habang nililitis yung kaso?

Sabi ng Korte Suprema, Gobernador ang nasampahan ng kaso sa anti-graft. Hindi naman pwede na kung gaano katagal itong kaso, suspension dito ang iiral. Para na ring tinanggal mo siya. Kasi ito preventive suspension lamang. Bigyan natin ng diin. Ang pinaguusapan natin dito ay hindi suspension as a penalty kung hindi preventive suspension. Suspended pending litigation.

Q: Ano po yung ibig sabihin ng pending litigation?

Ibig sabihin habang umiiral yung kaso, suspendido ka. Sabi nga nung Korte Suprema sa kaso ng gobernador, kung tumagal yun kaso at suspendido ka, e di para na ring tinanggal ka dahil matatapos na ang termino mo hindi pa nadecide yung kaso.

Q: Ang sinasabi niyo kung talagang makakasuhan yung tatlo, ang magsasabi kung gaano sila katagal suspendido yung Sandiganbayan?

That's correct. Ngunit ang sinabi ng Supreme Court, 90 days is a reasonable period.

Q: Hindi ba yan sa laki ng dinambong?

Ang kaso dyan ay public official. Gobernador o senador ka man, ang prinsipyo ay public official, sabi ng Korte Suprema ay preventive suspension.

Nakalagay rin sa Saligang batas under article 6 section 16 paragraph 3. 'Each House may determine the rules of each proceedings. Punish its members for disorderly behavior and with the concurrence of all its members suspend or expel a member.' May kapangyarihan ang bawat kapulungan na disiplinahin ang kanilang mga kasama at nakalagay pa ay 'The penalty of suspension when imposed shall not exceed 60 days.'

Magkaiba yan dun sa sinasabi nating Plunder law na ang sinasabi ay preventive suspension.

Q: Anong proseso para gawin yan ng Senado?

Yung Saligang batas. Ang proseso dyan ay may magsampa ng kaso sa Ethics committee.

Q: Sino magsasampa ng kaso?

Kahit sino.

Q: Sino bang namumuno ng Ethics committee?

Sa ngayon po ay wala pa kaming nabubuo.

Mas mabuti siguro hayaan natin ang husgado tutal andyan na yung kaso nay an sa Ombudsman. Yung Ombudsman ang magddecide kung masasampahan ng kaso sa Sandiganbayan. The moment masampahan ng kaso, wala na pong usapan.

Q: Bawal po ba magsabay ng kaso sa Ombudsman at Ethics committee?

Hindi bawal.

On the image of the Senate

Inaamin ko po na talagang apektado ang Senado dahil sa galit ang taong bayan hindi lang sa mga Senador na nasangkot kundi sa lahat ng Senador at sa mga pulitiko. You cannot deny that. Ang hamon po sa amin ay maibalik ang tiwala ng taong bayan sa Senado at sa institution ng demokrasya. Halimbawa, ipakita natin na talagang ginagampanan naming an gaming mga tungkulin tulad ng pagpapasa ng budget at ng batas at iba pang mga bagay na kailangan ng taong bayan.

Q: Kailangan taun-taon talagang obligasyon niyo sa taong bayan na ipasa yung budget kung hindi titigil ang gobyerno?

Kaya nga gagampanan naming an gaming obligasyon. Kahapon pinasa naming yung pagpapaliban ng SK elections. Next week paguusapan naming yung Freedom on Information bill. Yun po ang isa sa mga pamamaraan na unti-unti maibalik natin yung tiwala ng taong bayan sa ating institusyon.

Q: Makakatulong po kaya ang pagsampa ng kaso sa Ethics committee sa imahe ng Senado?

Sa ngayon palang ang imbestigasyon sa Blue Ribbon ay nakakatulong na sa imahe ng Senado.

Q: San tayo patungo ngayon? Yung tatlong Senador na ito ay senador pa rin?

Oo. Wala naman kasing suspension upon filing of the case.

Q: Pwede niyo rin silang hilingin magleave of absence?

Nasa kanila 'yan. That is addressed to the individual decision of the Senators. Wala pong rehimento sa Senado na nagsasabi na mag leave of absence sila.

Q: Personally, nahihirapan po ba kayong balansehin ang tatlong ito?

Siyempre mahirap. Ikaw ang Pangulo ng Senado.

Q: Dun po ba sa caucus napagusapan na yan?

Nagkaroon po ng caucus.

Q: Totoo po bang may request ang minority na itigil na muna ang Blue Ribbon investigation at walang pangalan na babanggitin?

Hindi po hiningi na itigil. Dahil sa alam naman nila na hindi kayang itigil yan dahil merong resolution. Ang hiningi ay wag naman banggitin ang mga pangalan.

Q: Totoo po ba na may isang Senador na nagbanta na pag nabanggit ang pangalan ng minorya ay damay damay na daw po?

Not in the caucus.

On the treatment on Opposition lawmakers

Kaya po yung sinasabing opposition ay inumpisahan ang special audit ng dating COA chair na si Rey Villar, hindi ng kasalukuyang chairman. May 2010 inumpisahan ito. Siyempre kung sinabi mong nagspecial audit ka, hindi mo naman pwedeng sabihin na ispecial audit mo yung may 2011. Siyempre yung mga nakaraang taon- 2009, 2008 at 2007. Hindi naman po totoo na yung kanila lang ang pinili. Talaga lang by circumstance dahil binigay yung order ng 2010, siyempre yung 2009 yung pinakalatest na audit na ginawa noon. Hindi naman totoo na sinisingle-out yung opposition. Sa katunayan, si Bong Revilla is part of the majority in the Senate.

On the abolition of the pork barrel

Noon pa nung pumutok ito, isa ako sa mga 15 na Senador na nagsabi na tanggalin na yung pork barrel. Pag tinanggal mo, ang epekto niyan ay yung deficit ay bababa. Ang impression kasi is na kapag tinanggal mo ay may savings. Ang atin ay deficit. Pag tinanggal mo yan, bababa ang deficit natin. Ibig sabihin hindi tayo mangungutang para mapuno yung ating kulang.

On debt services

Ang debt servicing wala po sa budget yan. Automatic ang appropriation. Mga P300 plus billion. Kasama na yung domestic loan sa debt service. Malaki yan. Ang importante yung inuutang ba ay nagagamit sa tama. Pwede ka naman mangutang. Sino bang bansa ang walang utang dito sa mundo? Ang importante nagagamit ba sa tama yung inuutang. Yun ang kailangang bantayan natin.

On his moral ascendency on the three Senators

Wala po ni piso ang aking PDAF ay napunta kay Napoles.

Q: Pero may litrato kayo kay Napoles? Pati si Presidente?

Alam niyo kaming mga pulitiko, hindi naman siguro mali kung may lumapit na hindi mo kilala. Pwede mo tanungin kung ano ba trabaho mo or ano ba negosyo mo?

On the alleged Mont Blanc pen given as a gift by Napoles to a senator

I have not seen that ball pen. Ngayon, ang pinag-uusapan natin dito ay yung pork barrel scam. Hindi ko sinasabing nagsisinungaling kayo. Ang sinasabi ko, wala akong nakikitang ball pen na nakarating sa akin. Hindi ko po nakita yung ball pen na sinasabi na yan. Ang importante lang po, sinasabi ng whistleblower na wala akong natanggap na PDAF.

Hindi ko maintindihan anong kaso. Wala akong binigay na PDAF kay Napoles.

On the picture of Drilon with Napoles

Yan ang sinasabi ni Arnold, yung litrato, at ilang beses na yan. Sinasabi ko naman na hindi ko dinideny na may litrato. Kinumbida kami ni Mrs. Drilon doon dahil ang aking may bahay ay active sa church at yung imbitasyon ay mga seminarians galing ng China na bumisita dito sa Pilipinas at mga bata na under the feeding program ng simbahan ay binibigyan ng hapunan, kaya nandoon kami. Inaamin ko po yan, hindi ko dinideny. Para bang guilty ka by photography, sabi nga.

On whether Napoles contributed to his election campaign.

Hindi. Wala siyang binibigay. Wala po sa Liberal Party na binibigay, at lahat po, nirereport po yan. Lahat po ng aming nagastos sa kampanya ay nakaresibo, at ang mga binabayad namin ay naka-tseke.

On whether the three senators will be given a travel order in case they ask.

Pwede silang magbiyahe na ginagamit nila yung kanilang personal passport. Pagdating po ng kaso sa Sandiganbayan, doon po automatic ang hold departure order. Kung wala pa silang hold departure order sa Sandiganbayan, yes.

On the plunder case filed against him by Mejorada

Yan po ay isinampa sa akin ng dati kong consultant. Nawalan siya ng trabaho, dahil nag-expire yung term ni Governor Niel Tupas, provincial administrator siya, nag-expire ang term, nawalan siya ng trabaho. Binigyan ko siya ng trabaho as consultant. Pangalawa, humingi siya ng trabaho sa akin noon bilang undersecretary ng Office of the Press Secretary, at kung hindi man pwede doon, ang sabi niya, TESDA regional director. Hindi ko po napagbigyan pareho at kaya ko siya tinigil ay ginamit niya ang aking Twitter account para tirahin ang ibang tao under my name. Hindi siya authorized, kaya tinanggal ko siya. After two years, nagsampa ng kaso. Sabi niya, overpriced daw yung pag-gawa ng kubeta at saka yung water system. Wala naman akong pakialam kung paano ginawa yun. Ako ang nagbigay ng pondo, P13 million, but I had no participation whatsoever sa implementation. Public Works ang nag-implement noon. Wala rin siyang sinasabi na may pakialam ako, basta sinampahan niya ako ng kaso.

Yung P13 million, klaro na kasama yun sa pag-gawa ng esplanade?

Oo. Yung airport, kami rin ang naghanap ng pondo noon, galing sa JICA. Pinaka-magandang airport sa buong bansa yan, after the NAIA Terminal 2, according to General Hotchkiss ng CAAP.

Alam po namin na ang taongbayan ay galit at amin pong nararamdaman ang galit ng taongbayan, ngunit lahat po yan ay kasama sa tinatawag nating cleansing process at ito po ay hindi tinatakpan, dahil sa polisiya ng pamahalaan na transparency and accountability. Kami po sa Senado, sisikapin po namin at gagawin po namin ang lahat ng aming magagawa para lang maibalik ang tiwala ng taong bayan sa amin kaya ito pong prosesong ito ay kailangang gawin para po tumibay ang ating mga institusyon sa demokrasya, kasama na po ang inyong Kongreso.

News Latest News Feed