Press Release
October 1, 2013

Transcript of Sen. Grace Poe's Interview with Ted Failon

October 1, 2013/Tuesday
Failon Ngayon

Q: Nagcaucus na po ba kayo sa isyu to subpoena or not [Janet] Napoles?

Sen. Grace Poe: Hindi pa po. Sa pinakahuling sesyon namin last week nagprivilege speech si Sen. Jinggoy, pagkatapos noon nag-adjuorn na kami. Hindi kami nagkaroon ng caucus tungkol dyan.

Q: Tapos ngayon you are on a break. Kayo po ay myembro din ng Blue Ribbon, ano po ang take nyo dito? Dapat ba siyang humarap?

Sen. Grace Poe: Hindi po ako abogado pero bagamat mambabatas ako ngayon, mas matagal akong pribadong mamamayan. Kaya naman nakita ko na noong nakaraang administrasyon, yung Senado ang nagiging batayan na rin kung ano ba ang nangyayari sa mga issues. Halimbawa, doon pinatawag si Jun Lozada, doon ipinatawag ang iba't ibang whistleblowers. Sabi nga nila, the voice of the people is the voice of God so para sa akin importante din na makita sa Senado kung ano ba talaga ang nangyayari dito sa ating mga whistleblowers. Sabi nila na judicial proceedings do not preclude congressional hearings in aid of legislation. Ito po ay upheld sa SC nang ilang beses na. Itong si Benhur Luy, kahit papano nakikita ng tao kung ano ang reaction ng mukha niya, kung siya ba ay nagsasabi ng totoo. Importante yan to be able to get the participation of our countrymen, to have participative democracy. If only the Senate can encourage participation, importante po yun.

Q: So sa tingin nyo po dapat isubpoena si Napoles?

Sen. Grace Poe: Ako po, para sa akin kailangang magkaroon ng botohan din sa Senado. Not to undermine the leadership of the Senate President, but even the Senate President, even the Ombudsman I think mentioned that she will defer also to the opinion of Senate, of the majority of the Senators. Importante lang, pag nagkakaroon ng botohan nag-eexpect ka rin na may kanya kanyang dahilan kung bakit nagkakaroon ng botong ganyan. Maganda rin naman yun dahil lahat naman kami, Senate President man o walang posisyon sa Senado, lahat naman tayo may constituents na naglagay sa atin dyan so importanteng malaman ng taong bayan na bumoto sa atin kung paano tayo mag-isip at kung alin ang ating pinangangatawanan.

Q: Maganda po ang sinimulan nyo e, sabi nyo nung nakalipas na administrasyon hindi ho bat maraming bagay ang nalantad dahil sa pagdinig ng Blue Ribbon, nga lang nagkaroon ng EO 464 diba kayat pinigilan sila Romulo Neri na magsalita etc. So yung taong bayan naghimutok, so parang maganda tong balik tanawan natin sa ngayon, e dito inaabangan nga ng marami. Balikan ko lang, Yes or No?

Sen. Grace Poe: Yes, importante e. Palagi naman nilang sinasabi diba parang siya na yung pinaka-main na makapagsabi. So nasa kanya yun di naman natin tatanggalin ang karapatan na huwag i-incriminate ang sarili niya kung saka sakaling sa tingin niya ay di makakabuti sa kanyang kaso pero mabuti nang pumunta na rin siya doon. Diba sabi ko nga, sila Romulo Neri, sila Sandra Cam lahat yan nagdaan sa Senado noon. E hindi naman dapat magkaroon ng exception sa ngayon.

Q: So kung magkakaroon ng divide the house, ang magiging boto ng isang Grace Poe ay oo dapat isyuhan ng subpoena?

Sen. Grace Poe: Opo, kasi alam mo dapat protektahan natin ang institusyon dito. Sa tingin ko, in question na rin ang credibility ng Senado at lahat ng pwede nating gawin, masakit mang inumin ang gamot ay kailangan nating inumin at gawin.

Q: I think sa mga nakikinig sa atin, yung pong 20,337,372 votes, mga tiwala ng Pilipino, uulitin ko 20,337,372 votes ay nagagalak sa iyong boto mam.

Sen. Grace Poe: Marami pong salamat. Ipagdasal nyo po kami, salamat po sa nagtitiwala at patuloy na nagtitiwala.

Q: Yung pong Freedom of Information, kung inyo pong nabasa kahapon ang isang editoryal, hindi ho ba ang pinag-uusapan ay yung clasified daw ang mga NGOs na nasa listahan ng DA na naman, Mam, di ba maaring sa inyo na manggaling yun bilang myembro ng Senado na hingin ito sa tanggapan ni Sec Alcala? Bakit ayaw isapubliko ang listahan ng mga NGos na hanggang ngayon ay kanilang accredited.

Sen. Grace Poe: Alam nyo po, kung pagbabasehan natin ang FOI, hindi pwedeng maging classified yun unless may mahigpit na dahilan for national security etc. At kung mayroon mang nag-challenge, kunwari ang isang Ted Failon at nagpunta sa Ombudsman at sinabi dyan at nagkaroon ng debate, it will always stay for the right for information. Ngayon doon po sa sinasabi po ninyo bakit naman po hindi? Pwede naman sumulat sa tanggapan ng DA at kung ano man ang isasagot nila sa atin ay pwede nating pag-aralan mabuti yan so gagawin ko po, ako din ay curious, kung bakit naging classified ang mga NGOs na yun.

Q:Kasi ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ay sumulat na, mediamen ay sumulat na pero ayaw paring ibigay. Mam salamat po ng marami.

Sen. Grace Poe: Salamat din po sa pagkakataon.rib

News Latest News Feed