Press Release
October 20, 2013

Transcript of DZBB Interview of Senate President Franklin M. Drilon

Q: Priority in the last three session days?

SP: Unang-una, yung FOI bill iyan po aya na-sponsor na at hiling ko sa ating mga kasamahan na ating pag-usapan at pagdebatehan sa susunod na tatlong araw ay ang FOI. May interpellation na mangyayari sa susunod na tatlong araw.

Q: Tulong ng Senado sa biktima ng calamity?

SP: Noong aming caucus noong Wednesday, isa sa pinag-usapan ang pagpasa ng isang resolution na siyang magsasabi ng sense of the senate resolution which will allow whatever remains in the PDAF ay pwedeng gamitin ng Pangulo sa calamity fund. Ang tanong may kaso sa Supreme Court. Sa akin kahit may kaso ang PDAF ay pwedeng magamit to augment the calamity fund. Even if SC declares that it is unconstitutional, pwedeng gamitin at ilipat sa savings dahilan po ang realignment ay pinapayagan sa Saligang Batas. Ito po ay nakalaan na. Assuming the SC rules that the PDAF is unconstitutional, yung pondo pwedeng gamitin hind bilang PDAF kundi pagdagdag sa calamity fund. Regardless of how the SC will rule, sa aking kaalaman bilang abugado at dating finance chair ay pwede i-realign ng executive ang PDAF authorization at ilipat sa calamity fund. Magpapasa kami ng resolution expressing the sense of the Senate na idadagdag ito sa calamity fund.

Q: Concurrent resolution para may effect ng isang batas? O sa Senate lang?

SP: Pork barrel lamang ng mga senador dahilan iyan ay pertaining lang sa amin, hindi kasama ang House.

Magkano po iyon?

SP: Hindi ko pa alam kung magkano. Regardless, kung magkano pa ang naiwan, ang sense of the Senate ay ilipat sa calamity fund.

Q: Yung reso ay authorization of resolution?

SP: We will work it out how we will do it. Maybe authorizing the Malacanang, but to me, technically, hindi na kailangan ng authorization dahil yung realignment of funds ay nasa executive po iyan.

Q: Kaya pang ipasa on second reading ang FOI this week?

SP: Hindi po kakayanin. Hindi madali ang batas na ito. Period of interpellation pa lang. hindi naman agad-aga dahil hindi natin alam kung ilang senador ang magtatanong at hindi natin kayang ipasa on second reading on Wednesday.

SP: Unang-una, hindi ko alam kung kailan darating sa amin ang budget. For the budget to be with us, I think sometime middle of November, by November 18, by the end of this week, dapat maipasa on third reading by Wednesday. Maaaring maumpisahan by the week of November, 18, ngunit kung iyan later pa, ang priority ay ang FOI bill habang hindi pa dumarating sa Senado ang budget.

SP: Dahilan po ang budget bill ay dapat tapusin bago matapos ang taon at iyan po ang ginawa natin sa nakalipas na tatlong taon para maumpisahan ang proyekto by January 1. Kung hindi maipasa ang budget, mapipinsala ang proyekto sa DPWH, sa 4Ps kaya kailangan isantabi, for a while, yung ibang panukalang batas pagdating ng budget sa Senado.

Q: May ssurance na ipapasa ang FOI?

SP: Tama po iyan. Ipapasa ng Senado. Kung hindi man ngayon taong ito, by the next quarter of next year.

Tama po iyan, iyan naman ay nasa legislative agenda given our legislative calendar, bago matapos ang Marso next year maipapasa naitn yan.

Q: On PDAF?

SP: Sa Senado, ang portion doon ay roughly P4.8 billion. Sa Senado, ako ang mangunguna na burahin na namin. I will lead the Senate in the complete abolition of the PDAF. Iyon po ay hindi namin ililipat sa ibang items ng budget, kundi talagang lubusang burahin ang budget. Ang ibig sabihi noon, bababa ang expenditure ng gobyerno ng P4.8 billion.

Q: Yung sa House, sila ang magde-decide?

SP: That's their own prerogative.

Q: Consensus na po o pangungunahan n'yo?

SP: Pangungunahan ko, hindi ko pa masabi na consensus bagama't sa pahayagan, 17 ang nagsabi na tatanggalin nila ang PDAF.

SP: Nag-issue ako ng PR accounting every peso of my PDAF, gayunpaman, ako ang mangunguna dahil ang perception ay lahat masamaq. Kaya kahit tama ang paggamit ko ng PDAF,

SP: Well, ang mangyayari po diyan, kung kami ay magkakaroon ng resolution, may magsusumite bilang amendment sa budget pagdating sa Senado, magsa-submit reducing the PDAF by P4.8 billion pertaining to the Senate. Ang amendment will be to reduce the PDAF as approved in the House by P4.8 billion.

Q: Hindi ba sabihin na DAP iyong ililipat nyo sa calamity fund?

SP: Kung ilipat mo yug PDAF para sa calamity fund, sa palagay ko naman hindi masama iyon both in terms of law and policy.

Q: Paano tutulong ang pamahalaan sa mga Simbahan? Paano na ang separation of church and state?

SP: Sa aking pagkaalala at subject to confirmation, pwedeng gamitin ang pera ng pamahalaan doon sa historical at cultural sites as proclaimed and declared by United Nations, NCCA. Sa aking opinion, pwedeng gamitin ang pera sa historical sites. Hindi pwedeng gamitin ang pera ng pamahalaan kung ordinaryong Kapilya at walang historical value as proclaimed by the UN, NCCA. You are spending not for religious purposes but for cultural and historical purposes. Iyan, kung hindi ako nagkakamali, ay nasa batas ng NCCA.

Q: Napirmahan na ba ang subpoena?

SP: Hindi pa dahilan noong Huwebes, 7:30pm lumipad na ako kasama ng Pangulo sa Korea. Ngunit, pagdating ko sa Lunes pipirmahan ko kaagad. Q: Bakit kayo kasama sa Korea?

SP: Unang-una, isa sa mga sentro ng economic cooperation between the South Korea at ang Jalaur Reiver, ako po nag-asikaso diyan para mabigyang $208-M. 0.15%, 30 years to pay para makatulong sa rice production at food security. Iyan ang pinakamalaking ODA ng South Korea mula ng sila ay magsimulang magkaloob ng ODA. Ang Jalaur as highlights doon sa pag-uusap opisyal ng SoKor at Pilipinas. Mula pa noong April 2011, aking inumpisahan ang pakikipag-usap tungkol diyan. Noong November, natapos ang lahat ng pag-uusap at inaprubahan ang load tungkol diyan sa agricultural dam.

Q: Kailan darating ang pondo?

SP: Handa na ang pondoo. Sabihin nati na napirmahan na. Kailangang bayaran ang nag design, pagdating ng design, may draw down, may darating na pera. Kapag nag-umpisa na ang construction, may mga billing, may draw down, darating po ang pera.

Q: Saan i-address ang subpoena?

SP: Ang subpoena ay i-address kay Napoles ngunit dahil siya ay nasa custody ng Husgado, ang subpoena ay address kay Napoles care of sa RTC.Even if the subpoena is directly issued to Napoles, the PNP, who has physical custody of Napoles, would still have to secure the permission of the court as the PNP is holding Napoles not on its own but by virtue of the order of the Court. I do not recall the details of the subpoena on Gen. Garciabut if he was being detained then by virtue of a warrant, his custodian must also have secured the court's permission because if he was under detention then, he could not have appeared in the Senate without the court's permission

Q: Pwede bang hindi pumayag ang court?

SP: I cannot speak for the court. Ngunit, hindi naman pwedeng hindi idaan sa judge dahilan sila ang ay hawak sa person of the accuses. It will be care of the court who has custody of Napoles.

SP: Ito po ay maliwanag. Mahirap ideretso kay Napoles dahil nasa custody siya ng husgado.

Q: Kapag nagpunta si Napoles, a-attend po kayo?

SP: Depende po kung nandito ako. Ako naman ay walang tinatago. Noong ako ay unang napunta sa Senado, iyan naman ay on a platform na pantay tayo sa ilalim ng batas. Sa akin po, noong ako ay nasa DOJ, lahat ay pantay-pantay ang ating pagtingin sa lahat ng nasampahan ng kaso. Dito, ang aking polisiya, suportahan natin ang prosecution at ipakulong ang lahat ng nagkasala, senador ka man o congressman, kung may ebidensya na magtuturo sayo na ikaw ay sangkot, dapat may pananagutan ka at dapat kang ikulong kung may ebidensya laban sayo.

Q: Paano kung sabihin na may threat sa kanya ay hindi a-attend?

SP: Nasa husgado iyan subalit sa akin hindi sapat na dahil iyan para pigilin ang subpoena kay Napoles.

Q: Comment on CJ Puno

SP: Sa akin po, masyado nang politicized ang isyung it. Let us just concentrate on the policy of prosecution and orderly administration of justice. Suportahan natin ang prosecution kung sino ang nagkasala ay dapat ikulong, kung sino ang walang ebidensya, dapat naman huwag idamay. It is a question of a speedy administration of justice kung sino ang may sala regardless of his ranks, dapat may pananagutan sa isyung ito.

News Latest News Feed