Press Release
November 6, 2013

Transcript of Ambushed Interview of Senate President Franklin M. Drilon

SP DRILON: Tuloy na ang hearing bukas. Dadalin ng pulis si Mrs. Napoles sa Senado at ihaharap sa Blue Ribbon Committee.

Q: Ano ang magiging treatment sa kanya: accused o testigo?

SP DRILON: Sa aming rules of procedures, these are resource persons.

Q: Confirm na PAO lawyers ang sasama sa kanya?

SP DRILON: May mga nabasa ako sa pahayagan na pangalan ng mga abogado na ipapadala ang PAO. Nasa desisyon ni Mrs. Napoles kung tatanggapin o tatanggihan niya yung mga abogadong ipadadala ng PAO. Pwede niyang tanggapin o tanggihan ang PAO lawyers katulad ng nakasaad sa Senate Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation, Section 14, Right to Counsel: "(1) At every hearing, public of executive, every witness shall be accorded the right of having a counsel of his own choice." Sa Section 12 of the Bill of Rights naman: "(1) ... any person under investigation for the commission of an offense shall have right ... to have competent and independent counsel preferably of his own choice ..."

Pero kahit tanggihan niya ang mga PAO lawyers, hindi siya maaaring hindi magpunta sa hearing bukas dahil ipinatawag siya ng Senado.

Q: Kung hindi siya magsasalita?

SP DRILON: Tingnan na lang natin bukas kung ano ang mangyari.

Q: Kung meron man o walang abugado, pwede pa rin siyang tanungin?

SP DRILON: Pwedeng pa rin siyang tanungin at nasa kanya kung sasagot siya.

Q: Are you attending?

SP DRILON: Yes, I am attending the hearing. Tingnan na lang natin kung ano ang sasabihin niya.

Q: On the Pulse Asia Survey

SP DRILON: Yung aking pork barrel ay accounted for bawat sentimo at walang napunta sa anumang fake NGOs o fake projects. Lehitimo ang lahat ng proyekto na pinaglaanang ng PDAF. On the survey, I am sure that is how people perceived us at a particular time. Kapag gumulong na ang sistema ng hustisya, kapag lumabas na ang katotohanan at naparusahan ang mga nagkasala at nanamantala sa kaban ng bayan, sa tingin ko ay babalik ang tiwala at confidence ng taumbayan sa institution in general.

Q: Necessary ba na bumababa sa sorties si PNoy para ipaliwanag ang DAP?

SP DRILON: He is a political leader. Sa tingin niya ay kailangang ipaliwanag sa tao, that is a leadership that he must exercise at this point.

News Latest News Feed