Press Release
November 7, 2013

Transcript of Statement in Blue Ribbon Committee Hearing
Sen. Alan Peter Cayetano November 7, 2013

Perjury for Napoles

ASC: Ginang Napoles, sabi niyo po kanina you are innocent, tama? Inosente po kayo sa charges ng PDAF?

JLN: Opo, your honor.

ASC: At sinabi niyo po na wala kayong alam dito sa PDAF scam?

JLN: Opo.

ASC: May alam po kayo kina Benhur or sa kanila, kung may ginagawa sila sa PDAF? (Kung) wala rin po, bakit ho niyo nasabi kanina na kawawa naman yung tatlong senador na nadra-drag yung pangalan? Eh akala ko ba wala kayong alam sa PDAF?

JLN: Kasi nababasa ko sa diyaryo, your honor.

ASC: How do you know if they're innocent or guilty if you don't know anything about the PDAF?

JLN: Nababasa ko laging tatlong senador, sabi ko eh kawawa naman. Normal lang pong reaksyon ng isang tao, yun po ang opinion ko.

ASC: Kawawa kung hindi sila guilty, hindi ba?

JLN: Yun lang po ang opinion ko, your honor.

ASC: So sa opinion mo, hindi sila guilty?

JLN: Sabi ko kawawa naman yung tatlong senador.

ASC: Oo nga po. Pero kawawa po kung hindi guilty. Kung guilty, kasuklam-suklam ang ginawa nila, hindi ba?

JLN: Kung napatunayang guilty, kasuklam-suklam.

ASC: Kung wala kayong alam, bakit niyo ina-assume na inosente sila?

JLN: Hindi ko po ina-assume, pero sa pagbabasa ko po ng diyaryo, pag laging nabababanggit ang isang tao, sinasabi ko po kawawa naman. Yun lang po ang opinion ko.

ASC: So kawawa din si Hello Garci, kawawa din si GMA. Kasi sabi nyo wala kayong alam (sa PDAF) eh tapos sasabihin nyo kawawa yung tatlo.

Humihingi po ako ng paumanhin pero hindi mawala sa isip ko kasi na ang pagkasabi mo kanina medyo na-feel mo di ba na yung tatlo, kawawa naman na-drag yung name. Pero kung hindi mo alam... kasi ako maaawa din ako sa tatlo kung inosente sila.

Pero kung guilty... isipin niyo nadamay kaming lahat. Lahat, ang tingin ng tao halos lahat ng pulitiko ninanakaw ang pork barrel. We have to explain our innocence sa nangyaring ito.

But if sasabihin ko wala akong alam, and then suddenly sasabihin ko inosente sila...

JLN: Hindi ko po sinasabing inosente sila. Gaya po nung nag-aaway kayo ni FG. Sabi ko po noong nanonood ako ng TV, kawawa naman si Sen. Cayetano. Ganun lang po ang opinion ko bilang tao.

ASC: Hindi ba kawawa naman si Sen. Cayetano because siya ang nasa tama, si FG ang nasa mali.

Ginang Napoles, babaligtarin ko lang. Kung sinabi mong kawawa naman si FG noong nag-aaway kami nung dalawa, ang ibig mong sabihin false yung accusation ko sa kanya, hindi ba?

JLN: Kasi po, hindi ba, pag nagbabasa ng dyaryo, sabi ko kawawa naman... opinion ko lang po iyun. Hindi ko po naman sinabing guilty sila o hindi kasi under investigation, kasama nga po ako sa plunder case nila. Gaya ho nung sa inyo, noong pinapanood ko kayo sa TV, naawa din po ako sa inyo pag inaaway kayo.

ASC: Anyway, I won't belabor the point... Mr. Chair, I request that we look at her testimony and we look at the records because if she's being evasive or lying to this committee, even though ang liit ng penalty ng perjury, ng lying under oath compared sa plunder, siguro obligasyon natin sa Senado na hindi payagan na may magsisinungaling dito.

I am not only referring to Ms. Napoles. I am referring to anyone who gives testimony to this sacred institution.

News Latest News Feed