Press Release
November 16, 2013

Transcript of Interview with Sen. Alan Cayetano

Call for one-week postponement of session and budget hearings is to allow government to focus on relief and rescue operations

Kung magse-session tayo next week at magkakaroon ng budget hearing, tatawagin natin ang lahat ng mga ahensya, mga regional directors, mga Usec at Asec. Mapu-pullout sila sa mga ginagawa nila ngayon.

So minumungkahi ko na kahit quietly tumulong na lang muna ang mga senador at mga staff at i-organize kung paano posibleng makatulong sa mga biktima at lugar na sinalanta ng bagyo at yung budget hearing ay ipagpaliban muna dahil kaya namang tapusin in a week or so yan.

Hindi naman maganda na imbes na makatulong, maging abala pa ang Senate.

Ang problema, halos lahat sa gobyerno kasama na sa work ngayon. So kung sasabihin halimbawa na DOTC, DILG, PNP, NDRRMC at iba pa ay i-eexempt mo, may mga kuwestyon din kasi na what do they need next year like mga equipment.

Halimbawa si TESDA chief Joel Villanueva, sya ang namumuno ng repacking at pagbibigay ng relief sa Mandaue City, doon siya naka-base. Last year, one week lang naman nating tinapos ang budget and it is only the third week of November kaya mayroon pang three weeks.

So I think, all of us naman are doing our work, are trying to help in a small way so mas maganda siguro kung hindi muna mag-session dahil last year naman nagawa naman sa isang linggo 'tong budget hearing so pwede natin i-postpone muna ng one more week para tignan muna at tumulong muna tayo.

Kung gagawin naman natin na maghe-hearing tayo ng budget na wala 'yung mga ahensya ng gobyerno ay hindi rin magbibigay ng hustisya ito dahil hindi tayo makakapagtanong. Pangalawa, hindi pwedeng regular ang budget natin next year 'e, kailangan talaga 'yung para sa rehabilitation at 'yung pagbabago ng ating bansa.

Marami sa ating mga kababayan, wala man lang masilungan, wala man lang multi-purpose area na mapuntahan noong dumating 'yung bagyo. These are things na napapaloob sa budget so I'd rather na 'yung Kongreso siguro pag-aralan na lang 'yung rehabilitation and then tumulong muna dito sa relief efforts kesa 'yung sinasabi kong magsayang tayo ng oras.

So sa opisina ko lang, may mga taong nasa Samar at Leyte na, tumutulong din doon sa Cebu at sa iba pang lugar so kung ipapatawag mo ng pabalik lahat yan, e makakasagabal pa instead na magkaroon ng unity and focus to help.

Create a government agency that will focus solely on disaster

Sa Amerika, mayroong Federal Emergency Management Agency (FEMA).

As soon as mabalik na sa normalcy after a calamity, after nagkaroon na ng peace and order, communication, nagamot na ang kailangang gamutin at naayos na ang isang lugar, ipapasa na nila ito dito sa rehab organization, or in their case (US), yung FEMA. Kasama dito ang insurance at rehabilitation work.

Ang isa sa nakita ko ay maraming loopholes ang batas natin sa NDRRMC. I know they're working hard at wala ng tulog at nakatutok sila, pero nakita na natin ang weaknesses nitong Yolanda.

For example, yung kanilang executive director is not of Cabinet rank kaya di niya mautusan ang mga Cabinet Secretaries. Kaya marami ang nagtatanong, who is in charge and what is the lead agency samantalang dapat sa isang kalamida ay very clear ito.

Pangalawa, dahil ito ay isang coordinating agency lang, yung command niya at inventory, halimbawa yung mga vehicles, they should know how many vehicles does the coast guard have, how many airplanes does the air force have. Ilan ba yung RO-RO na magagamit muna?

Ngayon po kasi, yung NDRRMC, everytime na may bagong bagyo, every time na may bagong sakuna sila yung nasa frontline. Kulang sila sa tao, kulang sila sa resources so paano nila maasikaso yung rehabilitation kung nandiyan sila sa relief.

Sabi nga ng isang tumawag sakin, yung pangalan pa lang ng NDRRMC, ang haba-haba na. Tayo lang ang bansa na may gaanong kahaba ang acronym. Dapat dalawa hanggang tatlong letra lang pati yung mga emergency phone numbers and everything.

This calamity is really revealing many things na pwede nating baguhin at ayusin but I said that there will be a time for that kaya minumungkahi ko na pwedeng i-assign ito quietly sa Senado at Kongreso yung rehab agency at kung paano pinuhin yung disaster risk and management preparations.

We should make our buildings calamity-proof

Like DPWH, definitely dapat baguhin na nila paggawa ng mga structures, kasi hindi calamity-proof, kaya baka magmahal ang mga kailangang gawin along the coastal areas.

Talagang over-all o talagang revolutionary dapat ang klase ng budget na hindi ko lang po pino-pokus ngayon dahil nasa relief stage pa lang tayo.

But for example, alam na natin ngayon kung ano yung climate change, yung lang storm surge di ba yung pinag-uusapang terminology and everything, alam na natin ngayon na ang bawat municipality pala, bawat province o region man lang o coastal area ay dapat may multi-purpose area na earth quake proof at typhoon proof.

Baka sabihin nung iba, Sir wala naman ganung klaseng building na resistant sa lahat ng kalamidad. Yes, but engineering intervention di ba? Ibig sabihin, kung dadagdagan mo yung pondo. May technology halimbawa yung mga hapon, how to make it earthquake-proof di ba, yung intense of the wind and yung tatamaan.

So mag-a-adjust nitong lahat. Yung budget kasi kahit anung ganda ng plano kung hindi mo bibigyan ng pera para ma-implement yan wala ring mangyayari.

I'd like to see from DPWH kung meron silang plan for earthquake or typhoon-proof multi-purpose structures in some critical areas. Sino ang sasagot nun kung wala dun yung mga Usec or regional directors or yung Secretary mismo?

Hopefully makita din ito ni Senator Escudero.

There is enough time to pass the 2014 national budget even with one-week suspension

Kahapon, ka-text ko si SP Drilon and he will decide today. Siguro, kokunsultahin niya ang ibang members ng Senate, but puwede tayong mag-open and then close at pwede din nyang tawagan ang Speaker of the House.

Kasi tingin ko napakaraming kongresista ang ayaw naman na pumunta muna sa Manila para mag-session kasi gusto nilang tutukan ang kanilang mga lugar at distrito. At yung mga staff nila ay nandun sa mga lugar nila para tumulong.

Yung pag-uusapan naman dito ay yung 2014 national budget and we have enough time. Last year, one week lang nating ginawa yan. I think it's doable.

Ang kuwestiyon naman dun kung mapostpone ang session, how do we make the Senate very productive. Marami sa mga empleyado and gustong tumulong from simple repacking, from calling contacts nila. I think we can organize it as an institution and quietly in our own way, we will be able to help.

Kung mag-speech pa kami at mag-debate habang nagsa-suffer ang mga tao, nakakahiya naman.

We have to show a united face ng gobyerno at kailangang magtulong-tulong muna at least for a week. Then the SP can assess by Wednesday or Thursday kung bumabalik na sa normal ang sitwasyon sa maraming lugar, pwede na tayong magsimula next Monday.

Maaring within today, magdecide si SP Drilon. I don't see the point kung magkakaroon pa kami ng caucus sa Monday to talk about the budget. That is not the priority right now. Positive naman yung reaksyon niya. Di naman niya isinara ang pinto for this to happen but I think he just wants to consult din yung ibang senators.

Either way, I will focus on the relief work next week, whether pumayag sila o hindi. Mas obligasyon ko sa ating mga kababayan nagyon na makatulong muna sa kanila.

National budget cannot be passed without the participation of Cabinet Secretaries

As chairman ng Finance (committee), naiintindihan ko siya (Sen. Escudero), but hindi ko nakikita na habang nagkakamatayan ang mga tao, habang walang gamot at kuryente sa ibang lugar, ay pinu-pullout natin ang mga ahensya at dinidiscuss natin ang budget.

Either way, tingin ko, talo ang bayan kung ipu-pullout mo yung mga tao para sila ay tanungin, nakaabala pa kami.

Kung ipapasa mo naman ang budget ng wala sila, sino ang tatanungin namin. Ibig bang sabihin nun, di na namin gigisahin ang budget after ng mga nangyari?

I am hoping na makita din ito ni Senator Escudero, at yung concern naman nya na matapos ito, kayang-kaya naman naming tapusin yan before the end of the year.

PDAF should be abolished, but put the money in the Calamity Fund

Well sa senado, magiging irrelevant na ito pag nagpasa na kami ng resolusyon na yung natitirang pork barrel for 2013 ay ilagay na sa Calamity Funds.

So tingin ko, magiging less na controversial at mas malaki ang suporta ng ating mga kabababyan na sumulat na lang individually or yung Speaker of the House na ang perang para sa pork ay ire-align na (for the Calamity Fund).

Ang hinold ay yung PDAF, pero ang pera kung ililipat sa calamity, wala naman sigurong aangal dun. Pero kung i-lift mo yung TRO at hindi mo pa sure kung saan gagamitin ang PDAF, kahit sabihin mo na most of it or all of it dun mo gagamitin, eh baka magkaroon pa ng distress.

Gusto kasi nung iba, tanggalin na lang sa budget ito pero sabi ko, medyo mas maganda ata ilipat na lang sa calamity funds kasi yung funds po natin for the past five years, only P7.5 billion.

Eh usually, wala pa nga ang bagyong Yolanda, ang kailangan mo na ay P20-25-billion. So pag-uusapan na lang kung saan ilalagay yung pera.

We need a mechanism to make it easier for everyone to help and save lives

The first three days, andami kong tawag na natatanggap from abroad. Kasi nga sila pwedeng magbigay ng relief pero may balita na ita-tax ito, so I had to pick up the phone and call my friends in government to ask kung totoo ito at kung anong proseso.

Tutulong ka na nga, may red tape pa at may burukrasya pa.

I'm sure, hindi sinadya ng gobyerno yun but ganoon naka set-up ang ating sistema for so long. So, hopefully, this transparency at pagpasok ng international media at pagbabantay sa mga nangyayari ngayon, will cause certain changes dahil ang nangyari, in certain areas, naging hassle pa yung pag-oorganize ng gobyerno imbes na maging tulong.

Yun po ang isang panawagan ko sa gobyerno, of course it's not time to criticize. Napuna naman ng international community ang mga pagkukulang.

Make it easy for people who want to help, kasi marami namang gustong tumulong, hindi rin alam kung anong dadalhin, anong gagawin, tapos kung anong lugar yung nangangailangan nito.

Minsan, nasisisi yung media kung bakit naki-criticize, pero katulad nito, kung hindi pa napaabot sa inyo at hindi pa na-broadcast yun, maraming hindi nakakaalam na nangangailangan din ang Antique ng tulong.

News Latest News Feed