Press Release
November 20, 2013

Transcript of Interview of Senate President Franklin M. Drilon

SPFMD: Kailangan po natin ng supplemental budget. Ako po ay nag-file ng Senate Bill 1938 to appropriate P14.5 billion of the funds under the item PDAF before na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema. Kailangan po natin ito para magamit ang pera doon sa calamity para sa mga biktima Yolanda at ng iba pang calamities sa bansa. Ito ay kailangang maipasa kaagad dahilan sa kapag lumampas ang Disyembre 31 ay hindi na natin magagamit ang perang ito.

Ito ay dapat ipasa muna ng House. Ang ating ni-file ay corresponding measures lamang at ito ay ating tatalakayin kapag dumating na ang version ng House at may certification na ng national treasurer as to availability of funds.

Hinihiling ko sa ating Pangulo na i-certify as urgent itong batas na ito. I will talk to Speaker Belmonte within the day .

Q: Dapat sa House magmula yung budget?

SPFMD: Pwedeng i-file ito pero hindi pa pwedeng i-report out hanggang hindi pa naipapasa ng House, katulad ng ginagawa natin sa budget na mayroon ng ginagawang consultations para pagdating dito sa amin ng budget ay nakahanda na kami. Hindi naman bawal na ito'y pag-usapan sa Senado habang hindi pa naipapasa sa House. Ang hindi lang pwede ay talakayin sa plenary. Nasa committee on finance kung sisimulan na ang consultation. Ngunit sa aking tingin, mainam na maghintay muna tayo ng certification ng national treasurer dahil hindi rin matatalakay ito kung walang certification ng national treasurer.

Q: By the end of November, naipasa na kaya ng House?

SPFMD: Iyon ang desirable. That should be with us before the end of November.

Q: On the proposed Yolanda commission

SPFMD: No. I am not in favor of creating a Yolanda commission dahil ang ating mga line agencies ay may sapat na experience at capability to handle this disaster. Hindi po kailangan at tutol ako sa Yolanda commission dahil hindi lang naman ang damages ng Yolanda ang ating kailangang tugunan, kundi pati na rin yung iba pang calamities kabilang yung bagyong Santi, Labuyo, earthquake, at gulo sa Zamboanga city.

Ito po ay kailangan at napag-usapan namin ni Sec. Abad at siya ay sang-ayon na kailangan natin itong paggamit ng P14.5 billion na galing sa PDAF funds which are available today but cannot be utilized unless there is a supplemental budget.

Q: Mga ilang araw maipapasa sa Senate once isumite ng House?

SPFMD: Sandali lang siguro iyan, a couple of days and we will suspend the debates on the 2014 budget once the House passed its version.

Q: May counterpart version na ba sa House?

SPFMD: Wala pa, pero palagay ko they will also work on this.

Q: By the first week of December, may supplemental budget na?

SPFMD: That is our hope.

News Latest News Feed