Press Release
December 5, 2013

TRANSCRIPT OF RADIO INTERVIEWS
with Sen. Alan Cayetano

Establish a government body that is in charge of, accountable for, and focused on rehabilitation and reconstruction

Tingin namin, kapag may mga kalamidad na may damage, pwede pa rin ang NHA, DPWH or DSWD na mag-asikaso.

Pero kapag umabot sa certain level of devastation, kailangan may isang ahensya, rehabilitation and reconstruction or redevelopment authority or commission or corporation na in-charge, accountable at focused dito.

Kaya sabi ko, hindi lang dapat para sa Yolanda lamang, kung hindi dapat rin sa Zamboanga at dun sa earthquake. Kasi ang nangyayari sa ibang mga ahensya, aside from may regular na trabaho sila, kapag may grabe ang pagkabaha, grabe ang tinamaan, pero nung nangyari ang earthquake nakalimutan na sila. Hindi na nadala ang mga dapat maipadala sa kanila.

We should allow former Sen. Lacson to do the job he is tasked to do. Crab mentality has no place in our efforts to come to the aid of calamity-hit areas

Kung meron tayong isang ahensya for relief at hiwalay ang ahensya para sa rehabilitation ay matututukan ang mga kailangan ng rehab. Basta i-define natin (ang mga responsibilities at powers).

Hindi tayo dapat maging seloso sa pulitika. Kung magawa ni Senator Ping, eh di he deserves it. Kung pumalpak, siya din naman ang masisisi.

Kung ang mangyayari na crab mentality tayo, na sisikat siya kaya ayaw natin, ang kuwestiyon lang naman ay: is he the right man for the job? Will he have the resources and will he have the support? Of course, gusto natin lahat na maging successful.

Actually, nakasama ko siya sa isang dinner kagabi at tinatanong ko nga rin sa kanya. Ang pagkaintindi namin ay parang lagnat ba. Pagka-sinisinat ka ng mga 37.5 o lagnat na 38 or 39 (degrees), parang yung normal lang na treatment sa lagnat. Pero kapag 40 ay kailangan ay nasa ospital ka na at iba na ang mag-takeover.

Despite the word war between Sen. Miriam and Sen. Enrile, Senate was still able to focus on P14.6-billion supplemental budget for calamity-damaged areas

Ang good news dito, dati kasi kapag nagbangayan ang mga senador tigil na ang sesyon, naguuwian na kami. Thank you naman kina Senator Miriam at Senator Enrile na pagkatapos mag-cool down ay naipasa natin ang supplemental appropriations na P14.6 billion hindi lang para sa mga tinamaan ng Yolanda, kung hindi yun na ring sa Zamboanga na man-made calamity, yung Labuyo sa Aurora, Santi sa Tarlac, Bulacan at Nueva Ecija.

So in a sense, nakuha yung oras namin pero nagawa rin naman namin yung trabaho.

Ang maganda naman dito ay yung empowerment ng ating kababayan through social media, through text messages, Twitter, Facebook, and then yung ating traditional media.

So napapakinggan ito ng ating mga senador, napapakinggan ito ng mga nagsasalita, so I think that's why nagkusa na rin po yung dalawa na sabihing "hanggang dito na lang." So may natural deterrence din.

Ang ginawa namin para walang kuwestiyon, kasi ang dineclare na unconstitutional ay yung programa hindi yung pera, yng pera kailangan mo rin namang gamitin dahil kinolekta na iyan bilang buwis.

Ibig sabihin kapag sinabi na bibili ng kotse ang bawat senador at sinabi ng Korte Suprema at ng COA na unconstitutional yan hindi dapat luxury car, bawal na bumili sila. Ibig sabihin bawal mong gamitin sa ipinagbawal nila pero ang pera ay pwede mong ilipat ng paggagamitan. Pero kailangan na yung guidelines ng Supreme Court, yung hindi dapat may say ang lawmaker kung paano ito gagamitin pagkatapos ipasa ng budget.

Mahigit P250 billion ang kailangan. Despite all of that money [donated to the country], grabe pa rin po ang damage at nalulungkot nga ako dahil noong linggo umikot po ako sa Bohol naman, last week po sa northern Cebu at sa western Leyte, at dito naman sa towns of Loon, Maribojoc dito sa Bohol at ang mga kababayan natin doon sa Bohol ay hindi naman umaangal, ang iniisip nga nila kamusta ang mga nasa Samar at Leyte.

Allegations thrown in Miriam-Enrile word war should be investigated by DOJ or Ombudsman, while Senate reviews and strengthens own Code of Ethics

I think mayroong general sentiment sa Senado na sa lahat ng tumama na issue dito, kasama na yung sa pork barrel - yung kay Napoles; ay hindi pwedeng kapag nanood ang ating mga kababayan ng TV, makikinig sa radyo ay panay bangayan na lang ng mga senador ang abutan.

Hindi ko tinatanggal na may mga tunay na issues na lumalabas dito. May mga mabibigat na issue, tulad nung graft na tinuturo ng isa sa bawat isa.

Pero siguro, dalawa ang mamumungkahi ko dito.

No.1, dapat may nagmomonitor din from the DOJ, from the COA, from the BIR, from the other branches of the government na may prosecutorial powers or may investigatory powers pag nagsasalita yung bawat kongresista para maimbestigahan din ito.

Sa Amerika pag may mga ganitong lumalabas, iniimbestigahan kaagad nung Attorney-General o DOJ. Sa atin kasi, pag nag-bangayan yung dalawang senador parang show lang, parang pinapanuod lang tapos walang nangyayari sa imbestigasyon.

Sa Amerika po, yung Attorney-General o yung DOJ at yung mga ibang ahensya na katapat nun tulad dito yung sa Office of the Ombudsman, yung COA, yung BIR, ay nakabantay sa sasabihin ng mga kongresista at kapag may sinabi sila ay susunggaban na iyon. Secretly, quietly, magke-create na ng file yan.

Yun ang sinasabi ko parati na sa Pilipinas, palaging case closed. Sasabihin nila na luma na yang issue na yan o tapos na yang issue na yan - pero yung case solved hindi tinatapos yung issue.

Tingnan niyo po yung nangyari sa amin last year tungkol dun sa pondong binigay na Christmas gift, hanggang ngayon wala pang official report ang mga ahensya ng gobyerno kasama na ang COA kung saan galing ang pera na ito at kung tama ba ang paggamit.

Kahapon tinanong ko sa mga estudyante, "Anong tingin niyo sa speech ni sen. Miriam?" "Marami kaming nalaman today," take note yung nalaman, hindi natutunan.

So ibig sabihin, at a loss din ang ating ibang mga kababayan kung sino ang kanilang paniniwalaan o ano yung tamang issue o kung pareho bang guilty.

Number 2, yun ang mahirap na walang Code of Ethics ang Senado. So, bagaman mayroon kaming Rules, bagaman sinasabi sa Rules hindi pwedeng mag-personalan, hindi pwedeng maging unparliamentary; eh hindi mo 'to ma-define eh.

So pag-usapan man natin yung PDAF, yun bang pwede bang kausapin ng senador at ng congressman ang contractor or pwede bang maging kaibigan katulad yung mga sila Napoles. O sabihin mo na pwede bang magbangayan. Parang wala kang basehan na matibay dahil wala pang code of ethics ang ating lehislatura, so ito yung dalawang mamumungkahi ko.

Magkaroon sana kami ng Code of Ethics para kahit sino sa Kongreso pwedeng tumayo at sabihin "Just a minute, kung makikinig kami sa inyo at kung ganito ang magyayari, you will be violating the Code of Ethics."

Sa ngayon parang walang deterrent na mag-upakan o mag-bangayan ang mga senador o kongresista kasi parang walang imbestigasyon pagkatapos ng nangyayari.

Kung ang isa man sa amin ay tumayo at harangin o kuwestiyunin ang ginawa ni Senator Miriam kahapon o kaya naman ang ginawa ni Senator Enrile last week, hahaba pa at lalala ang usapan kasi kekuwestiyunin din nila "o hindi ba pare-pareho tayong elected dito? Bakit ikaw Alan, o may issue ka, pinayagan ka naming magsalita."

So dalawa ang aking proposal dito: 1) dapat may sistema tayo ng monitoring, yung DOJ at Ombudsman dapat imbestigahan kung anuman ang sasabihin ng mga kongresista o senador, 2) magpasa ng Code of Ethics.

News Latest News Feed