Press Release
December 5, 2013

Transcript of the DZRH interview of Senate President Franklin M. Drilon

Transcript of the DZRH interview of Senate President Franklin M. Drilon Thursday, December 05, 2013

Q: Kahapon po nabago yata ang posisyon. Usually ang privilege speeches ay nakaharap sa inyo. Kahapon nakatalikod si Senator Miriam.

SPFMD: That's the least of my problems. Nalulungkot po ako sa nangyari. Siguro naman ngayon po ay nailabas na ang init ng ulo, baka sakali after a little while, mapakiusapan ang dalawa na ceasfire na muna. Pasko naman ngayon, kalma na muna. Hindi rin naman tanggap ng bayan ang ganyang mga away away, lalo na sa panahon ngayon.

Q: Hindi lamang po sina Senator Miriam at Senator Enrile ang napupulaan ng buong bayan, kungdi ang buong Senado mismo.

SPFMD: Tama po yan Joe. Kaya ako po ay nalulungkot sa nangyaring ito. Pero nangyari na ang nangyari. Siguro naman, sabi ko nga, nailabas na ang init ng ulo, ngayong Pasko ay magbigayan na muna. Baka naman over this cooling off period, pwede natin pakiusapan na siguro, let's us concentrate sa ating mga kababayan, lalo na sa mga bikitima ng sakuna. Duon na lang muna tayo magbigay ng buong effort.

Q: Bilang Senate President, wala po ba kayong balak na isangguni sa paghihigpit ng alituntunin sa mga privilege speeches? Before Martial Law hindi naman po ganyan, talagang kapakanan ng bayan ang involved.

SPFMD: Alam mo Joe, iba na talaga ang panahon ngayon. Because of media exposure, and of the more important role played now by media, siguro mas ibig na ng mga senador ngayon na mas maraming nakakaalam ng kanilang mga damdamin, kaya ganoon ang nangyayari. Meron din namang mga movement na ganyan, but kahapon nobody moved against anything. Somebody did move na irefer ang speech ni Senator Miriam to the rules. Pero tama yun Joe, dati pa noong unang panahon, merong nang mga sinusunod na parliamentary language. Matagal na po yan, way even before my time.

Q: Isangguni natin sa kapulungan, baka pwede ho nating higpitan ang alituntunin. Nasasayang ang oras ng Senado, madami pang mahalagang bagay ang kailangang talakayin.

SPFMD: Oo, pero nasa senador o congressman ho iyan. Ang tawag diyan sa privilege hour ay "I rise to the question of personal and collective privilege. So hindi po mapipigilan kung ano man ang sasabihin, dahil yan ay kasama sa tradisyon ng parlyamentaryo na may kalayaan ang mga mambabatas na magbunyag ng kanilang damdamin, subject only to their own rules on what language should be used.

Q: Siguro dapat din maging particular ang Senado sa ganyan. Kung gagamitin ang privilege hour para lang maglinis ng pangalan, eh merong namang proper forum o mga hukuman para dyan.

SPFMD: Tama yun Joe, pero kahit saang parlyamentaryo sa mundo ka pumunta, ganyan po ang tradisyon. You can speak anything under the sun. We can take the situation na hindi sangayon ang sambayanan sa sinabi ng isang mambabatas sa Kongreso, kesa pigilan natin ang karapatan ng isang opisyal na hinalal ng bayan na magbunyag ng kanilang damdamin. Though I agree with you Joe na minsan, dapat natin lagyan ng rules on the language or the use of the privilege speeches. Q: Paano po ba ang paggamit ng supplemental budget? Ito po ba ay lumpsum na nasa adminsitrasyon ang kapangyarihan at bahala sila kung saan gagamitin?

SPFMD: Yaan po ay ilalagay sa calamity fund. Sa aking original proposal, sa bawat department ay merong allocation, whereas sa sponsorship speech kahapon, lahat ay inilagay sa calamity fund. Kasi ngayon ay kailangan natin ng flexibility, dahil hanggang ngayon hindi natin alam ang kailangan ng bawat department. Hindi nila masabi kung magkano exactly, at kung anung departamento ang pinaka affected. So ang aming ginawa, nilagay lahat sa calamity fund, though sa sponsorship ni Senator Escudero ay kanyang binanggit kung saan mga department dapat ilaan o ibahagi ang calamity fund.

Q: Paano po masisiguro na tama ang paggamit nitong malaking calamity fund para sa mga nasalanta ng kalamidad?

SPFMD: Sa aking paningin, dapat po natin pagkatiwalaan ang Pangulong Noynoy Aquino na tama ang kanyang gagawin. Nandyan naman ang media, bukas naman yan. May nilagay kami na requirement sa supplemental budget kung saan magrereport ang mga ahensya sa kanilang paggamit ng budget na ibingay sa kanila. Meron ding oversight body na titingin sa expenditures - ang Oversight Committee on Public Expenditures. Magkabilang kapulungan po ang nakaupo dyan, at meron pong pagkakataon na eksaminin ang mga disbursements na gagawin gamit ang calamity fund.

Ang supplemental budget po ay galing sa savings sa pork barrel, yung P 14.6 billion. Eto po ay galing sa dating PDAF ng Korte Suprema na hindi na pwedeng gamitin, so idinaan po natin sa calamity fund. Meron pong nagsasabi na hindi pwede ang lumpsum funds. Ang sinabi ng Korte Suprema, pwede po ang lumpsum, basta single-fund at single-purpose, gaya ng calamity fund.

Q: Nagkaroon po ba ng karagdagang pondo ang Department of Health at ang Department of Education, kaugnay po dito sa mga dating nakikinabang sa PDAF ng mga legislator?

SPFMD: Hindi ko po alam ang final version sa bicameral conference, pero meron pong dagdag na pondo sa state colleges and universities at sa DOH. Hindi ko lang maalala kung exactly magkano.

Q: Yung danger na hindi matuloy ang benepisyo ng mga umaasa dati sa PDAF, wala na?

SPFMD: Dahil mayroon nang karagdagang budget, nasa implementing agencies na po yan kung paano nila paiiralin itong programang ito.

Q: Sa Christmas Party sa Senado?

SPFMD: Yung Christmas party sa Senado ng mga empleyado, kanselado. Noon pa, yung nakaallocate na budget na P1million ay ibinigay na sa DSWD noong Bohol earthquake pa. Nagipon kami noon ng P6 million para sa relief operations.

Q: Reaksyon sa pagkaappoint ni former Senator Lacson bilang rehabilitation czar?

SPFMD: Si Senator Lacson ay may kakayahan pong icoordinate ang lahat ng mga rehabilitation efforts.

Q: Reaksyon sa statement ni Senator Jinggoy Estrada na willing daw po siyang mamagitan between Senator Enrile and Santiago? May gagawin din po ba kayong hakbang?

SPFMD: Sabi ko nga, nailabas na nila Senator Johnny at Senator Miriam ang sama ng loob. Pasko ngayon, may cooling period. Baka pagbalik natin sa Bagong Taon, malamig na ang panahon, duon natin susubukan na pagusapin ulit ang ating dalawang kasamahan.

News Latest News Feed