Press Release
December 11, 2013

Transcript of interview of Sen. Francis Guevara Escudero (FGE)

QUESTION: Okay what do you think about yung more than P4 na pagtaas ng singil?

FGE: Well, sobra 'yun definitely at kailangan pumasok ang pamahalaan. Ang problema kasi pagtumaas na ang kuryente, susunod ang lahat ng presyo ng bilihin. Magpapasko at bagong taon pa naman at alam naman natin na pagka ang presyo ay tumaas na, mahirap nang pababain pa yan. So sana ay multiplier effect yung domino effect ng pagtaas ng kuryente maiwasan, maibsan man lang ng pamahalaan.

QUESTION: Sir sinusuportahan niyo yung Senate...

FGE: Suportado ko yung panawagan na 'yun partikular ang papel na gingampanan ng ERC. Nagtataka lamang ako, yung refund na dapat binalik sa ating consumers ng Meralco, hindi pa bayad tapos pinayagan na nila ito'ng pagtataas na ito. Bakit hindi nila tinimbang, sinukat at in-offset na lamang 'yun, para naman 'yung impact sa consumers ay hindi ganoon kalaki? Kung 'yung rebate nga at refund, taon bago ibalik, ito parang minamadaling buwan lamang 'yung pinayagan nilang hulog, bago ito balikatin ng consumer ay temporary lamang naman 'yung increase, habang ang mga planta ay nire-rehabilitate o nagmi-maintainance sa mga panahong ito.

QUESTION: So, may sagutin ang ERC doon?

FGE: Definitely. Para sa akin, ang ERC, hindi natutulog lamang dapat sa mga isyung tulad nito. At ang problema din kasi sa ERC, hanggang ngayon cost-based pa rin ang formula nila at hindi market-based. Ang ibig sabihin cost-based, base lamang sa pinipresentang cost ng distribution utility na nag-a-apply ng increase o ng generating company na nag-a-apply ng increase. Hindi nila fina-factor in 'yung merkado, katulad na lamang ng binanggit kong rebate, finactor in dapat nila 'yun. Factor in din dapat nila 'yung epekto sa merkado kung saka-sakaling tataas nga ang presyo ng kuryente. Lahat naman kailangan ng kuryente. Dagdag pa siguro doon na temporary lamang ito, dapat sana inisipan nila ng paraang ikarga sa bandang dulo kung kailan mas mura. Huwag na pabayaang bumaba sa bandang dulo, pero ngayon hindi magtataas.

QUESTION: Sir, may right ba ang ERC na i-deny ang isang request for increase ng Meralco kapag hindi justified 'yung amount?

FGE: Well, definitely may karapatan at kapangyarihan ang ERC. Kaya nga nagpapaalam sila bago nila ipataw. Kung ministerial ang duty ng ERC na kada may mag-a-apply ng increase ay iga-grant nila, e di mag-submit na lang ng report o mag-post na lang sa website 'yung mga nagbebenta ng kuryente. There is a reason kung bakit dumadaan sa ERC lahat ng rates, increase o decrease man, dapat aprubahan ng ERC.

QUESTION: Sir, 'di ba may right daw po na automatic adjustment ang Meralco?

FGE: Well, sumulat ang Meralco na kini-claim nila automatic adjustment 'yung ginagawa nila, kaya nga ni hindi nagkaroon ng mahabang hearing, mahabang public hearings at konsultasyon, base ito sa sulat lamang, sa pagkakaalam ko increasan daw base doon sa automatic provision na 'yun. Pero, kailangan pa ring aprubahan ng ERC.

QUESTION: Sir, ano'ng tingin nyo sa sinasabing possible collusion in power plants?

FGE: Hindi ko makita 'yung collusion sa mga generating companies, dahil kung magkasundo 'yung mga plantang sabay-sabay silang magsara, ano'ng kikitain nila roon? Hindi sila makakabenta ng kuryente. At 'yung mga nagbebenta ng mga generating plants na mahal sa WESM, sila ang kikita at hindi 'yung mga nagsarang planta.

QUESTION: Sir, hindi ba unusual Sir na at the same time, parang nagkataon lang 'yun?

FGE: 'Yun ang dapat alamin ng Department of Energy, dahil hindi po 'yan parang ordinaryong sari-sari store na bukas isipin magsasara, sa kabilang linggo magbubukas na naman. Nakaplano ang shut down ng lahat ng planta, maliban na lamang kung aksidente o may nangyaring aberya. Doon lamang siguro magiging unscheduled 'yung pagsara ng planta, pero lahat ng generating companies, may schedule sila ng regular maintainance nila na tinatama-tama dapat ng DOE para hindi magkasabay-sabay, tulad ngayon.

QUESTION: Wala kang nakikitang irregularity doon sa, unprecdented increase ng cost of power?

FGE: Well, kung may irregularity man 'yan ay 'yung sa WESM, ang WESM o Whole Sale Electricity Spot Market, dyan binibenta supposedly 'yung sobrang kuryente. Ideally nga, mura, mas mura dapat 'yan. Ang problema sa pagkakaalam ko noong 2003, nagpalabas ng order ang Department of Energy at WESM na ang maximum ceiling ng WESM ay nasa P62/kwh. Sino ba naman ang magababayad ng ganoon kamahal na kuryente? Kaya ngayon sa WESM, umabot ng mahigit P30/kwh, dahil nga 'yung maximum ceiling na in-impose nila ay sobrang taas talaga, ni walang pinanggalingan. Ni hindi ko alam kung saan nila hinugot 'yun, na 'yun 'yung maximum amount, na hindi naman, na imposible, na malayong maabot.

QUESTION: Kung yearly nagme-maintenance shutdown yung Malampaya, dapat bang sa consumer ipasa yung gastos, yung dagdag na gastos ng Meralco o...

FGE: Hindi Malampaya ang nagpapasa ng gastos na yun. Ang problema, mas mura ang natural gas kesa sa halimbawa, diesel. So kapagka yung supply mo mula sa natural gas ay nawala at pupunuan mo ng diesel-fired o coal-fired, yung energy mix mo tataas yun. Tataas palagi. Wala kang nakukuhang gas kasi mula sa Malampaya so bibili ka sa potmarket o bibili ka kung anong available, mag-iiba talaga yung presyo.

QUESTION: So dapat shouldered na nga yung Malampaya fund, Sir?

FGE: Pwedeng i-shoulder para sakin ang Malampaya funds. Hiniling na namin at pinanawagan na naming pag-aralan ng husto ng executive department ang paggamit ng Malampaya funds. Hindi ko lang sila masisi, dahil bugso ng Supreme Court decision na inistriktuhan yung paggamit ng Malampaya funds, naunawaan ko kung bakit nagiging maingat ang pamahalaan sa paggamit ng Malampaya funds para i-cushion yung impact nito.

QUESTION: Anong chance na magamit yung Malampaya fund, Sir?

FGE: Desisyon ng Pangulo. Pwede n'yang gamitin agad yan o kung manghihingi s'ya ng legislative cover para dyan. Again, dahil lamang siguro sa Korte Suprema, yung desisyon nila, kaya nagiging maingat ang Palasyo.

QUESTION: So magpapasa ng bagong batas ang Congress o i-aamend lang po yung batas?

FGE: Kung kinakailangan at kung hihilingin ng Palasyo. Dahil sa ngayon, sa pananaw ko, pwede nilang gawin yan. Pwedeng gamitin ang Malampaya funds ng walang karagdagang aksyon mula sa Kongreso. Pero kung magpe-play safe at nang hindi kumontra dun sa desisyon ng Korte at hihilingin nila sa Kongresong magpasa ng legislative cover para magawa nila yan, nakahanda palagi ang Kongreso na gawin yun.

QUESTION: Sir, at this point, may magagawa pa ba yung gobyerno para itigil yung impending na power hike?

FGE: Gobyerno matapos aprubahan ng ERC, wala. Maliban na lamang kung ang Korte ay mag-iissue ng restraining order o ng TRO sa pagtataas na gagawin, laban sa ERC o laban sa Meralco.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Yun sana ang ginawa ng ERC. Imbis na hinulug-hulugan nila ng tatlong gives, mas mahaba sanang panahon o yung mga rate decrease na hindi pa nila ina-aktuhan, sana dun na lamang nila chinarge o, gaya ng nasabi ko, sana dun sa refund an dapat sanang binibigay sa consumers, dun nila in-offset para bumaba-baba naman ng konti yung tama sa consumer.

QUESTION: Sir, is there a need to amend the EPIRA law?

FGE: I have been batting for the repeal, amendment, at least review of the EPIRA ever since it was enacted into law, nung mambabatas pa lamang ako sa Kongreso. In fact, isa ako sa kokonting bumoto laban dun noong ako'y nasa Kongreso. I think there were only 25 of us in Congress who voted against EPIRA.

QUESTION: Sir, according to ERC, staggered yung gagawin implementation, about 4-peso increase. May interes pa daw yun.Tama ba yun?

FGE: Ang tanong ko sa ERC, pag-refund ba, may interes din? At pag may refund ba ganun din kabilis yung dapat na hulugan? Again, sana hindi cost-based, nakabase lamng sa hinihiling sa kanila ng distribution utility and generating company. Sana tingnan nila mula sa punto de bista ng consumer at i-factor in nila yung mga bagay na yun din.

QUESTION: Sir, pending a court intervention, can Malacañang stop this?

FGE: Unless Malacañang... I don't know if they can reverse the decision of an, of the ERC, which is a commission with commissioners with a fixed term. Hindi ko alam kung kayang i-reverse yun. Pero sa pananaw ko, sa ngayon, Korte na lamang ang makakapigil dun sa increase na yan.

QUESTION: Sir itong (inaudible) ng ERC, anong nakikita n'yong reason nito? Systems lang ba o yung personnel nila medyo 'di masyadong friendly with the...

FGE: I think, yung personal hindi ko alam at ayokong pasukan. Pero yung sistemang ginagamit nila, gaya nga ng sabi ko, cost-based. So kung cost-based, cost yun ng distribution utility, in this case, Meralco. Sasabihin ng Meralco, 'Lugi kami.Malulgi kami." Yun lang palagi ang tinitingnan nila. Hindi nila tinitingnan sa kabilang banda. Ay, oo nga pala may refund. Ay, oo nga pala may rate deduction na dapat inaprubahan namin noon na hindi pa rin namin inaaprubahan kaya hindi pa nag-eeffect. Sana lahat yon, finactor in nila at sana nga gaya ng sabi ko, market based at hindi cost based lamang ang formulang ginagamit ng ERC.

QUESTION: Sir, kung magtutuloy-tuloy yung increase, any most brief scenario - more investors won't be coming in etc.?

FGE: Well, this will only be temporary according to the Department of Energy, hanggang February yung maximum period maintenance ng mga plantang 'to. Matatapos yon at by February or March at the latest, magnonormalize na muli. Subalit ang problema gaya ng sabi ko, pag nagtaas na ang kuryente, domino effect yan sa pagtaas ng produkto at consumer goods at pag tumaas na ang presyo ng bilihin, madalas ang hirap na bumaba niyan.

QUESTION: Paano na naman kami non Sir?

FGE: Tayo. Damay kami.

QUESTION: (inaudible)

FGE: I think that's being studied by some groups already, even on our part hindi lang naming alam kung makakaabot because we just finished the budget and we're trying to get some documents, it depends on when we can get them but we heard and we learned that some groups are already planning to go court on this matter

QUESTION: ASAP Sir. Kasi ipapatupad na December e.

FGE: Ang masakit nga nun kung mag-iissue ng TRO man ang korte, napatupad na, yung napatupad na matatagalan na naman bago maibalik.

QUESTION: E, hindi na lang kami magbabayad Sir.

FGE: Sinusubukan na namin ngayon, nagpapakuha na kami ng copies pero (inaudible).

QUESTION: (inaudible) supply normalize, come February or March. The prices will also go down.

FGE: Definitely.

QUESTION: Automatic?

FGE: Definitely dapat bumaba. Sana yung kine-claim ng Meralco, automatic increase nila, automatic - yung provision na automatic increase, sana meron din counterpart yon na provision na automatic decrease

QUESTION: So, Sir. Hindi ba gagawin ng Congress na baguhin na lang yung ganon na may automatic adjustment ang Meralco?

FGE: Base kasi yon sa kontrata, alam ko hindi yon base sa batas. Walang provisions sa ERC na nagsasabi ng ganon sa pagkakaalam ko.

QUESTION: Sir, nangyayari ba yung automatic decrease?

FGE: Yun nga rin yung sinasabi ko noon. Automatic increase dapat may automatic decrease.

QUESTION: Like before, do you remember any situation na nangyari...

FGE: Alam ko lahat ng increase at decrease pinapaalam parin sa ERC. Ang gusto ko nga ring malaman 'pag pinatawag ang ERC, ganon din ba sila kabilis gumalaw sa decrease, kasing bilis ng galaw nila sa increase? Kasing haba din ba yung period na binibigay nila sa pagbibigay ng refund sa maikling period na binibigay nila sa pagpataw ng increase

QUESTION: So, Sir ang Department of Energy ano po yung dapat na papel nila sa...

FGE: Ang ERC kasi ay hiwalay bagamat attached agency ng DOE walang papel ang kalihim o secretary ng DOE sa ERC. It's headed by a chairperson with Commissioners that are appointed by the President for a fixed term. In fact, the current chair I think is mostly an appointee of the former President.

QUESTION: Pwede bang bawiin ng ERC in case yung approval nila?

FGE: May procedure sila for reconsideration. I think there are pending reconsiderations ng quotations or motions before the ERC. Hangga't hindi pa final pwede pa nilang baguhin yun.

QUESTION: But the TRO is the most doable...

FGE: It's the closest, legal and closest option available

QUESTION: The mere fact na inapprove, ibig sabihin Sir, tama yung computation ng Meralco dun sa hinihinging four pesos? Not necessarily?

FGE: Not based sa computation ng ERC siguro pero hindi pa naming nakikita yung computation na isinabmit galing sa Meralco plus gaya nga ng sabi ko pag finactor natin yung refund. Ano ang kakalabasan ng computation na yan?

QUESTION: Pero Sir, yung computation ng DOE supposed to be 1.58 lang?

FGE: Ang computation ng DOE? Hindi ko alam, ang maganda nga natin tingnan. Reklamo ng reklamo ang mga distribution utility na 'to na nalulugi daw sila pero kada katapusan ng taon nagrereport naman sila ng Stock Market na napakalaking ng kita para hindi bumagsak ang shares of stocks nila. Yun ang magandang ikumpara at i-reconcile natin

QUESTION: ...tumulong pa yung Aquino administration, considering tumaas pa LPG, presyo ng gasolina. Sumasabay pa yung kuryente.Ngayon, naapektuhan pa ng calamity.

FGE: Well in fairness sa calamity-stricken areas, hindi naman sila apektado nitong power rate hike dahil hindi naman Meralco franchise area yun. Yung mga nagbebenta ng produktong petrolyo, nagkasundo yata sa Department of Energy, although that was voluntary, na yung presyo ay wa muna nilang taasan dun sa calamity-stricken areas. May ganung kasunduan sila. Etong increase na ito, hopefully, will be temporary.Hopefully, will be short-lived and hoepfully, will be stopped via the interention of courts. Ang gasolina kasi, tumataas naman yan pag tag-lamig, dahil mataas ang demand sa world market dahil kailangan mong painitin ang mga bahay ng Europa at Amerika. Pag dating naman sa kuryente dito, yung maintenance ang naging rason kung bakit kailangan ng mas mahal na energy rates ang Meralco.

QUESTION: Sir, if you're gonna file an amendment to the EPIRA law, which amendment would it be?

FGE: Actually, again, we have filed bills to repeal, to amend and to review. Particularly, what we would want to interject would be amendments along the lines of price setting. Number one. Number two, the current system wherein we do not have an energy plan since it is regulated. Dapat under EPIRA, may energy plan ang pamahalaan kaugnay sa mga bagay na ito at hindi yung bahala na lang merkado ang magdesisyon. We must be able to temper the operation of free market forces in cases of monopolies and/or abuse para hindi nangyayari ang ganitong sitwasyon.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Merong ganun. Halimbawa...merong ganun. Ang systems loss, may provision sa EPIRA na no pass-on. May maximum limit yun. I think for electric cooperatives, it's 14%. I think in Meralco areas, it's about 9 or 10%. Ibig sabihin, kung yung systems loss ng distribution utility, nag exceed sa percentage na yun, hindi nila pwedeng ipasa sa consumers yun. Sila na ang mag-aabsorb nun. May mga ganung probisyon.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Yung 2 peso fare hike, ayon mismo sa nag-file sa petisyon, mga Feb ruary pa daw mapapagdesisyunan ng LTFRB matapos ang proseso. By that time, dapat bumaba na rin sana ang presyo ng kuryente.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Yan ang sinasabi ko na domino at multiplier effect. Pag tumaas ang kuryente, lahat tataas at hindi mo na pwedeng ibaba yan.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Hindi naman sila magdedemanda agad. Increase ng sweldo, increase ng pamasahe. Magdo-domino effect kami e.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Depende. Kasi ang problema sa ilang mga negosyante, mabasa lang nila sa dyaryo na tumaas, kahit hindi pa nila binabayaran, itataas na nila. At ang sagot nila sa mamimili, e tumaas na yung kuryente, bagaman wala pa naman yung bill nila para dun.

QUESTION: Sir, kapag nag-conduct ng hearing sa Senate, sino po ang dapat humarap? Pati po ba yung mga ano ng powerplant, kasi mga...

FGE: Well, para sa akin, kung mag-schedule ng hearing ang Senado. Una, syempre ERC.Pangalawa, yung government agencies muna.

QUESTION: Yes.

FGE: DOE. Pangatlo, MERALCO o yung distribution utility involved dito. At yung mga planta na nagme-maintenance check ngayon para malaman natin yung rason kung bakit hindi ito napaghandaan ng DOE o ng mga planta.

QUESTION: Kaya pa bang umabot sir, ngayong taon?

FGE: Tapos naman na ang budget. Ratification na lamang mamayang hapon. Meron pa kaming apat na sesyon kabilang ang araw na ito para diyan.

QUESTION: Sir, kapag nagpatawag ng hearing, (inaudible, overlapping voices)

FGE: Kung may nakitang collusion, oo. Definitely, dahil bilyong piso at masakit sa ekonomiya ito at sa ordinaryong konsumer. Kung may makikita silang collusion sa pagitan ng mga GENCOs.

QUESTION: Sir, yung electric cooperative, hindi ba dapat sila din yung concern dito?

FGE: Hindi sila gaanong matatamaan kasi mostly na sinusuportahan ng Malampaya at yung mga planta dito at yung Meralco franchise area. Tatamaan siguro ay yung Central Luzon cooperatives na umaasa rin doon sa mga plantang yan.

QUESTION: Sir, isa sila dun sa mga nagreklamo sir, yung NASCO, yung nasa Cagayan?

FGE: Yes. Ang problema kasi may power purchase agreement tayong mga kooperatiba. Hindi mo na alam. Halimbawa, kami sa Sorsogon, bumibili kami sa Batangas ng kuryente. So isa yon sa mga plantang magshu-shutdown. So kailangan namin maghanap ng magsu-supply na baka mas mahal din. So yung tatamaang kooperatiba dito, depende kung sino ang bumibili dun sa plantang nag-shutdown at nangangailangang bumili sa mas mahal na presyo.

QUESTION: Thank you sir.

FGE: A consumer can. Since this morning, ayokong sabihin na magfi-file ako kasi hindi namin alam kung makakakuha kami ng mga kopyang kailangan namin e.

QUESTION: But you are considering?

FGE: Yes. Hindi, ayoko nga kasi baka nga hindi kami makakuha ng kopya. We need to get a certified true copy of the ERC order. So it is...

QUESTION: Actually, you are considering?

FGE: And, or we are working with groups. Kasi may mga nagpaplano na e.

QUESTION: Will you issue a TRO?

FGE: Ayokong i-commit dahil baka hindi namin magawa e. Mahirap yun e.

QUESTION: Pinag-aaralan?

FGE: It was a suggestion and we're trying to work with groups to do it. Kasi kung may mag-file na...

QUESTION: Consumer advocacy groups to?

FGE: May mga balak mag-file, yes. Consumer advocacy groups.Individuals actually, meron din. I've talked to several lawyers na may plano.

QUESTION: But they are planning to do it?

FGE: Yes. I think some of them are in the middle of...

QUESTION: Sir, ba't ang tagal? Ba't hindi pa sila mag-file?

FGE: Hindi ganun kadali. You have to cite the legal ground. Example, kung ikaw ang magfi-file, kailangan mong kumuha ng kopya nung letter nung MERALCO for rate increase, you have to explain in the court kung ano yung issue. Kailangan mong kumuha ng certified true copy nung ERC decision.

QUESTION: But you're working on it?

FGE: They're trying to work on it. Pinapahingi nila yung kopya. They're expecting it this afternoon.

QUESTION: Sir they are filing it this year?

FGE: The petition?

QUESTION: Within the year?

FGE: The petition should be filed if someone will file it within the week. Ganun kabilis e. Kasi kung hindi nila i-file within the week. Ayan na naman, ire-refund na naman.

News Latest News Feed