Press Release
December 17, 2013

Transcript of interview with Senator Alan Peter "Companero" S. Cayetano

A floating VAT rate on power could be implemented to cushion effects of the power rate increase

The government is not powerless [against power rate hikes]. Halimbawa sa petrolyo, pwedeng magkaroon ng floating VAT rate. Ibig sabihin, kapag mataas ang presyo ng langis, ibaba ng 9% o 6% ang VAT. Pero kapag bumaba ang presyo ng langis, ibalik sa 9 o 12% ang rate ng VAT.

Sa Miyerkules, iimbestigahan ng Senado ang Meralco at ang ibang mga power generators para malaman kung may collusion at kung bakit ganito kataas ang presyo.

Makikita natin, maraming iba't ibang solusyon. Kailangan lang, ang gobyerno, mag-give and take din. Hindi parating sasabihin sa private sector na gumawa sila ng paraan para hindi tumaas, pero tayo sa gobyerno ay pataas ng pataas ang pagbuwis at pagkuha ng pera.

Another way is to cease from collecting VAT on natural gas for three (3) months

Imbes na magturo tayo, hindi din powerless ang Malacanang. If they work with Congress and we work on removing the tax on natural gas (which is P1.46), o kung tatlong buwan nating hindi sisingilin ng tax ang natural gas, that is almost P4.50. Mas malaki na iyan sa P4.15 na itinaas ng Meralco. Mangyayari doon, wala sanang itataas.

Sa Customs at sa BIR, natural trabaho nila na palakihin ang tax. Pero kaya ka nga may Malacanang at kaya ka nga may Secretary of Finance dahil ibabalanse mo ang pasok ng pera sa gobyerno at kung gaano kamahal ang mga bilihin.

Pasok nga ng pasok ang tax, tumataas naman ang presyo ng bilihin. Tataas naman ang presyo ng pamasahe. Ang mangyayari, mapipilitan kang magtaas din ng sahod ng tao. Ang mangyayari nun, sa pera na nakolekta mo, mas kaunti din ang mabibili mo.

Dapat ay ibalanse ito ng DOF at ng Pangulo. Hindi malaki ang mawawala sa gobyerno kung tatlong buwan na hindi kokolektahin ang tax sa Malampaya natural gas, hindi pa magagalaw ang nakolekta na para sa Malampaya.

Ganun din naman sa petrolyo. In the last three years, lahat ng targets para sa itatax sa VAT sa petrolyo, na-meet naman ang targets. Kaya lang, tinataas kasi nang tinataas ng gobyerno ang presyo.

Katulad sa Conditional Cash Transfer, magdadagdag ka nga ng makakatanggap nito, pataas ng pataas naman ang bilihin. Yung mga dating nakakatanggap ay mas maliit din ang mabibili nila.

There is no absence of solutions; government should just be creative in finding one.

I think the government has to be creative. Hindi pwedeng ituro lang nila ang private sector. Ang gobyerno mismo, kailangan ding magsakripisyo para maganda ang pasko ng bawat Pilipino.

More importantly, sa January. Hindi totoo na ang presyo ay tataas lang ngayong pasko. Then afterwards, bababa ulit ito. Alam naman natin na ang kasabihan ng lahat na "what goes up, comes down," hindi applicable sa presyo yan. Usually, ang presyo, kapag tumaas, tuloy-tuloy na yan.

The President has all the powers. Ang meeting lang niyan sa Congressional leaders, it can be a joint session, pwede ding magkaroon ng special session.

Kung gusto, kayang gawin.

And this is just one of the many proposals that we can do. Tandaan natin, pumapayag naman ang Meralco na sila muna ang sasalo.

Kumbaga, hindi thinking out of the box. Parang andun pa din ang 'tax and spend' system na kunin lahat ng tax tapos gastusin. Samantalang ang pagbubuwis ay ginagamit ng maraming bansa na isang paraan sa economic policy at isang paraan to keep prices down.

Even if we do this in January, io-offset lang sa consumers ang pagkokolekta. Remember, hindi naman sa Meralco mapupunta itong additional na kita, ibabayad din nila sa generators ito. Kung papayag sila na over tatlo o anim na buwan ipapasa ito, kung magiging mas mura naman ang elektrisidad sa susunod na tatlong taon - January, February, March - dahil tatanggalin ang buwis, pwedeng i-offset na din nila.

We can do that in January, we can do that now.

The increase on power rates will create a domino effect on prices of goods, commodities and services

Masyado pong malaki ang epekto na sabay-sabay ang itataas ng mga presyo. Meron itong tinatawag na domino effect. Akala nila yun lang ang tataas. Halimbawa, lima hanggang sampung piso ang itataas ng LRT, hindi lang lima o sampung piso ang epekto nito. Pati ang presyo ng bilihin, tataas din. At sasabihin ng mga workers na hindi na kasya ang sweldo nila, kaya hihingi din ng wage hike ang mga employees. Lahat tataas, magkakaroon ng spiral effect. Pretty soon, yung economic gains natin ay hindi mapupunta sa dapat na puntahan.

Halimbawa, ngayon, naka-estimate na P160B ang kailangan sa Yolanda. That's a present-day price set. Pero kapag tumaas ng 5% ang presyo, magkano ang 5% ng P100B? That's another P5B. Saan kukunin yun? Samantalang kung hindi mo lang kinolekta ang isang tax, less than P5B ang mawawala sa gobyerno. Makikita mo na pwede mo i-offset talaga.

There are a dozen types of solutions for this, but the government has to be willing to give, not only to take.

On calls for ERC Chair Ducut to resign: It's up to her

I won't comment directly kung ano ang dapat gawin ni ERC Chairperson Ducut. Sana isa lang ang standard, oposisyon man o administrasyon. Parang ang naging posisyon ng gobyerno kay (Customs) Commissioner Biazon, it's up to him. Pagdating dito kay Ducut, it's up to her. Dapat may isang standard, kapag ikaw ay na-charge, ano ang gagawin mo? Okay lang ba na andyan ka o dapat ka bang magresign?

Kung ako ang tatanungin mo, lahat ng na-charge lalo na kung DOJ na mismo ang nag-file ng kaso, tama ang ginawa ni commissioner Biazon para nakatutok ka sa trabaho mo. Ang hirap kasi na may ginagawa kang iba.

We should have one standard for everyone and it should be the highest standard.

News Latest News Feed