Press Release
January 6, 2014

MEDIA BRIEFING OF SEN. GRACE POE AFTER AN EXECUTIVE BRIEFING WITH PNP AND PDEA

January 6, 2014

Question: Ano po yun napag usapan niyo tungkol sa briefing kanina?

Sen. Grace Poe: Siyempre nagpa-update tayo tungkol sa general peace and order situation at sa mga issue ng nakaraang taon, halimbawa yung Mexican drug cartel presence in the Philippines, at update sa iba't ibang sitwasyon katulad na rin kung ano ang pwede nating gawin para mas mapaganda pa nila ang kanilang trabaho. Actually we should also commend PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) na nahuli nila to. Nag-umpisa pa ito ng 2011--yun kanilang pagbabantay ng operasyon. May nahuli from Alabang tapos hanggang sa nahuli natin yun nangyari sa Batangas. Humihingi rin ako ng status report dun sa mga kaso katulad sa Cagayan de Oro, bombing incident, yun nangyari sa Zamboanga, halimbawa paano nakalusot ang firearms at mga baril na ginamit doon ng mga rebelde, lahat ng updates. Dahil pag nagkaroon kami ng public hearing kasama ng ibang miyembro ng committee, lahat naman ng sinusuggest nila katulad ng Wire Tapping Act para naman mamonitor natin ang mga sindikato dito. Isa rin po na pinapanukala nila ay yung reward system para sa enforcement officials natin, halimbawa ilang milyon ang naconfiscate na drug money, ang nabibigyan lang ng reward sytem ay ang informer, paano yun mga enforcers? Para may incentives naman sila na hulihin. So with the Dangerous Drugs Board natin pag uusapan yun amendments ng regulasyon na yan.

Q: Maam yun po sa indiscriminate firing?

Sen. Poe: Yung pinag-uusapan naming tungkol sa fireworks, kung anong klase. Yun tungkol sa indiscriminate firing, reminding their ranks of their responsibility with their firearms. Importante din na mapaalala natin sa ating mga kababayan na ang imported na paputok ay bawal kasi di ba ang iniisip natin ay ang kabuhayan ng ating mga kababyan sa Bulacan halimbawa. Pero marami sa binebenta ay di gawa dito sa Pilipinas. Kailangan maregulate yan at makampanya natin na bawal ang imported na fireworks so dapat sa customs pa lang magkaroon ng kooperasyon at panukala na magkaroon ng designated areas ang bawat local government kung saan pwede magpapaputok

Sen. Poe: Ito yun sinasabi natin na lalala ba yung sitwayson? Ang natutunan ko dito sa briefing na ito, ang Mexican cartel ay wala pa namang direct link o sariling network dito. Nakikinetwork pa sila sa mga Pilipino dito na kakilala nila. Apparently Torres is a U.S Citizen, who has roots in the United States, perhaps that's when he encountered the group. Importante na huwag sila magkaroon ng tentacles dito sa bansa, sa ngayon naman mukhang limitado kasi kahit si Torres dito ay hindi masyado kilala yan, kaya tinatanong ko yung kanyang background. Naglease siya, bakit pinili niya in particular yung lugar na yon? Dahil ba sa laki ng lupa, o pagkasikreto ng lugar, o may iba pa bang dahilan kasi marami namang ibang lugar na makakuha siya ng lease pero bakit doon pa? Wala naman tayong tinuturo na kahit na sino, any particular lease agreement you will undertake it because it has a certain advantage for you. What are the advantages for him and that's probably how we will know who else are implicated.

Sen. Poe: Kahit naman may FOI, pag may criminal investigation ongoing mas ok na huwag muna malaman ng pinagsususpetsahan kung sila ba'y kasama. Si Torres noong nagkaroon ng raid ay wala na dito sa Pilipinas at sabay din na niraid ng DEA (Drug Enforcement Agency) ang lugar niya sa Amerika at hindi rin siya nahanap doon. Hindi rin sila natin natanong kung bakit nila napili ang isang lugar.

Sen. Poe: Pero ang alam natin diba sa Alabang, may mga mansion doon na nirentahan specifically because of the area. Merong entrance from once street going to another street plus pwedeng meron helipad. May mga concerns na ganon so tignan natin kung baka naman iniisip nila na kung rerenta tayo jan malakas yan baka hindi tayo guluhin ng local law enforcement. Pwedeng hindi talaga alam ng mga may-ari kung ano yung dahilan kung bakit nila pinili ang lugar na iyon.

Q: Ma'am priority niyo po ba ang Senate hearing sa drug cartel?

Sen. Poe: Kasi yung FOI nakalatag na iyan eh. Committee report na yan tska debate sa plenary. Pero ito, magkakaroon na ng lahat nitong mga sabay-sabay na panukala--wire tapping, compensation at kung anu-ano pa sa Public Order. Magkakaroon ng isang hearing dyan--mga position paper at sa next hearing, kung dalawang hearing lang ang kailangan ay matapos natin kaagad. Kasi nga, ang Public Order (committee) lahat yan nakasalalay ang pag-angat sa kapayapaan at sa hustisya so prioridad natin iyan. So kailangan natin, alam mo actually sa PDEA, syempre nakikita lang natin sila kapag mayroong problemang ganyan na mga nahuhuli, pero we should also commend the PDEA for their efforts kasi alam mo pwede naman na tumahimik na lang sila at hindi nalang ireport ang maraming cases, kaya nga ang incentive process para sa mga enforcers ay dapat na maibigay natin. Kasi kung kaharap mo ay milyon-milyon at magkano lang ang sweldo mo? Diba, maging makatotohanan naman tayo, dapat meron ding insentibo para sa kanila.

PDEA Director Arturo G. Cacdac, Jr.: In support of the statement of Senator Poe, syempre maglalagay tayo ng safeguards.

What's the latest on the NAIA Shooting?

Sen. Poe: Kahit hindi napapailalim ang NAIA sa committee on public order, syempre umaapela din kami na, alam ko kasama na sa budget nila sa 2014 na sana malagyan na talaga ng CCTV Camera kahit na sa labas. Kasi diba nagsimula pa lang yan nung MTRCB Chairman pa lang ako, walang CCTV diba? And that was 2 years ago na. So ngayon yung sa labas daw ang wala, at nung isang araw lang may isang mentally challenged na nakalusot sa likod at umakyat sa pakpak ng isang airline hindi ba? So ganon ka-importante hindi ba? Kasi ang labas man o loob basta within the radius and the vicinity of the airport dapat ma-establish natin ang peace and order so kami ay umaapela na sana ay madaliin. Dahil sa isang bahay magpapakabit ka ng CCTV, mababa pa sa 25 thousand ay nakabit na sa buong bahay mo, siguro naman mayroon tayong pondo para sa airport natin.

News Latest News Feed