Press Release
January 14, 2014

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

FGE: Pinapanalangin ko na magdesisyon ang korte kaya nga lang kung sakasakali magiging impraktikal, kung wala nang lump sum na puwede ilagay sa budget dahil mahihirapan mag react ang pamhalaan sa anumang mangyayari dala ng anumang kaganapan sa darating an panahon, ika nga yung flexibility ng gobyerno maaaring malimitahan.

QUESTION: Sir, ini-specify yung mga lump sum na nag amount sa

FGE: Well, karapatan nilang hilingin yun gaya ng nasabi ko pero hayaan natin ang korte suprema magdesisyon dahil pati ang korte suprema e may mga lump sum din naman sa budget nila.

QUESTION: Sir yung mga pinasa 2014 budget nakahanda kayong idepensa

FGE: Hindi Kongreso ang magdedepensa nun, ang solicitor general na ang magdedepensa nun bilang abogado ng pamahalaan.

QUESTION: Sir ano ang magiging effect kapag ideklarang unconstitutional yung---

FGE: Well, yung sarili nilang pondo na lump sum kelangan ideclare din nila dapat na unconstitutional. Hindi naman puwedeng certain lumpsums lamang kung sakasakali. Pangalawa, gaya nga ng nasabi ko, matatali nito ang kamay ng pamahalaan, at mababawasan ang flexibility ng gobyerno. Halimabawa na lamang ang mga calamity fund, paano naman naming i-itemize yun. At sino ang nagbigay sa kanila ng karapatang piliin ang aling lump sum lang ang hindi nila type, alin yung lump sum na hindi, it might remove some felixibility on the part of the government, kung hindi man mangyayari parang lokohan, maglalagay sila ng itemize utilization nun bagaman alam nila na hindi naman gagamitin, at pag dumating yung panahon na gagamitin na irerealign na lamang nila doon sa totoong paggagastusan. So mas mahabang proseso ika nga ang mangyayari.

QUESTION: Sir yung reason nun pareho daw a character sa pork barrel na discretionary,

FGE: I think you should read the decision, ang nakalagay dun, post-enactment intervention ng legislator ang ipinagbabawal, walang post enactment intervention ang legislator sa mga pondong ito.

QUESTION: Sa tingin nyo sir magsasaside the Supreme Court sa lump sum...

FGE: Ayoko pangunahan. Hayaan mong desisyunan ng Korte Suprema yan pagdating ng panahon. Bilang abogado, tinuruan at tin-rain kami na galangin ang anumang desisyon ng korte sa ayaw namain at hindi.

FGE: Kahit anong batas puwedeng ideclare in whole or in part ng korte suprema as unconstitutional. Yan ang parameters ng constitutional powers and prerogatives korte, they can declare any law or any act illegal or unconstitutional

QUESTION: Babagsak bay an sir dun sa reenacted budget pag dineklarang unconstitutional

FGE: Hindi. Hindi naman nya pinapadeclare unconstitutional ang buong budget. Iilang bahagi lamang ng budget.

QUESTION: So sir ano ang mangyayari kung 143 Billion yung dineklare na unconstitutional

FGE: Um, magiging savings iyan kung saka-sakali, kailangang magpasa ang Kongreso ng supplemental budget

QUESTION: So sir, sinong may power gamitin itong savings?

FGE: What do you mean sinong may power?

FGE: Yung 14.6 Billion ang dineclare na unconstitutional ng Supreme Court na PDAF. Anong ginawa namin? Diba nagpasa kami ng supplemental budget, inappropriate namin siya. Ganun din ang mangyayari dito kung saka-sakali. We have to pass a supplemental budget, we appropriate for a specific purpose

QUESTION: Sir yung binanggit ni Atty. Macalintal at Atty. Sta. Maria na inconsonance dun sa SC desisyon ng PDAF yung ginawa pong realignment ng mga senador?

FGE: In fact pag sunod yung sa desisyon ng korte suprema, kung hindi naming nirealign yun at nasa PDAF pa rin yun e di maliwanag na may paglabag sa desisyon ng korte. Tandaan natin bill pa lamang yan, hindi yan batas. Puwede pang amyendahan yan at baguhin. Hindi kamukha ng PDAF na nakalagay sa 2013 budget, nasa batas nay un. Kaya nga narealign lamang yun matapos magdesisyon ang korte, ito bill pa lamang at dahil nga sa korte suprema, na sa desisyon ng korte, nirealign ng kongreso yan sa ibang bagay.

QUESTION: Sir kasi ano daw sya, re-insertion.

FGE: Again they should read the Supreme Court decision, the Supreme Court prohibited any post enactment intervention, this is clearly not a post enactment intervention but a pre enactment intervention. Baligtarin natin, ano ba ang gusto nilang gawin naming, pag may binigay na budget sa amin pag may binigay ang presidente samin hindi naming puwedeng galawin yun? Bawal naming baguhin? E di yung pondong nilaan naming para sa Yolanda victims at Bohol earthquake victims na 100 million, e hindi pupuwede, illegal din ba at bawal yun? Bat hindi nila kuwestiyunin yun? Hindi naman puwedeng mamimili lang sila kung anong type nila at kung di nila type. It should either be legal or illegal, not illegal or legal dahil type nila yung illegal, dahil type nila yung legal at hindi nila type yung illegal.

QUESTION: Pero sir parang dito ipinapakita nila na siyento por siyentong compliant yung ginawa ng Senate.

FGE: Kung sa pananaw at palagay namin ay hindi, bat naman namin ipapasa 'yon? Siyempre ang paniniwala ng kongreso ay a compliance sa Supreme Court decision ang pinasang budget. At to be very sure about it, in fact, we quoted a portion of the decision that is portion in the actual Budget Bill.

QUESTION: Sir, reaction niyo sa survey, trust rate?

QUESTION: Bumaba.

FGE: Bumaba ang alin?

QUESTION: Yung trust rating saka approval ni President Aquino.

FGE: Um, matagal na namang ganun 'yon, asahan na natin 'yon, pero isa pa rin sa pinakamataas ang approval rating na na-eenjoy ni Pangulong Aquino this late in his term. Understandable na mas mababa kay Panglong Aquino dahil mas controversial yung mga desisyon na ginagawa niya, mas nahaharap siya sa mga mabibigat na problema kumpara sa papel o trabahong ginagampanan ng Ikalawang Pangulo na less controversial, at hindi kasing bigat tulad ng dinadala ni Pangulong Aquino.

QUESTION: Sir, yung sa Senate, tapos yung kay SP na ... medyo ginawa para makabawi?

FGE: Hindi naman namin ginawa yun para makabawi si SP sa survey ratings niya. Ginawa namin yun dahil yun ang tama at yun ang dapat bilang isang institusyon. Kung mataas man o mababa iyan, dapat tiganan natin across the period of time at hindi from survey to survey lamang. Dahil siyempre yung effects ng survey, mararamdaman at makikkta lamang natin iyan makalipas ang atleast dalawa hanggang tatlong survey periods.

QUESTION: Sir hindi naman iyon ang reflection ng buong Senado as an institution?

FGE: Iba pa yung... nakita ko rin yung survey nung Senado bilang isang institution, sinurvey nila yung head of agency pati yung agency itself. Pero iba at malayo yung survey naman sa mga miyembro nito.

QUESTION: Sir anong agenda natin pag nag resume?

FGE: Malay ko kay Allan. Malay ko sa kanila. FOI I guess.

QUESTION: FOI?

FGE: FOI I guess. That'll be top of the agenda.

QUESTION: Ano ba sir yung posisyon niyo dun sa FOI?

FGE: Author ako.

QUESTION: Pero yung provision, partikular?

FGE: Ano bang provision yung...

QUESTION: Yung parang debatable pa rin hanggang ngayon...

FGE: No, which particular provision?

QUESTION:

FGE: Alin? Hindi ako sang-ayon doon.

QUESTION: Yun pa rin nagpapatagal pa rin hanggang ngayon?

FGE: Hindi siya isyu ngayon.

QUESTION: Pero sir, last fifteen congress nakapasa na rito eh.

FGE: Precisely, pumasa na yun dito dati, diba? Ang ..... ang nagpasok nun kung maalala mo nun ay si Senator Pimentel. Um, Nene. Nene. Wala namang ganung panukala ngayon. So, I don't think that will be an issue now.

News Latest News Feed