Press Release
January 19, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's Interview with dzBB hosted by Nimfa Ravelo (Part 2)

Sen. Grace Poe: Alam ko may gusto kang tanuning tungkol sa National Security, tungkol sa drugs. Tamang-tama kasi, Ms. Nimfa, galing ako sa Asia Pacific Parliamentary Forum kung saan ang iba't ibang mambabatas ng iba't ibang bansa sa Asia Pacific ay nagtalakay ng problema sa droga at National Security. Ang problema natin na lumalala sa Pilipinas katulad ng mga nahuling Canadian, yung Sinaloa Drug Cartel na sinasabing nilang nasa Pilipinas na, halos lahat ng ibang bansa katulad ng Russia, Mexico at kung saan-saan pa ay may problema talaga sa droga ngayon. At isa sa mga sinasabi nilang ginagamit na paraan sa pagbenta ng droga at sa pagkalakal ng droga ay ang internet. Isa sa ating mga pinag-aaralan, alam mo nagpasa na tayo ng Anti-cybercrime noong 2012 pero nakabinbin pa sa Korte sapagkat may question tungkol sa libel. Naiintindihan ko 'yan sapagkat yung child pornography ay laganap na rin at kasama yan sa Anti-cybercrime, so kung tatanggalin natin ang libel portion dahil maaapektuhan din ang ating mga netizens at ang ating media, tanggalin na natin yan, pero kailangan na ma-iimplementa na natin ang Cybercrime Law natin dahil napakahalaga niyan.

Nimfa Ravelo: Basta iyon sa FOI bill, Ma'am, ay aabangan namin ang patuloy na debate diyan. Bilang chair ng committee on public safety and order, paano po iyong gagawin niyo dito? Mag-pupush po kayo or mananawagan kayo sa Supreme Court to have the TRO lifted? Or magpapa-amyenda kayo ng batas?

Poe: Para sa akin may tatlong bagay na maaaring makatulong na masugpo ang problema natin sa droga. Una, dapat yung conviction rate sa mga nahuhuli na nagpupush ng droga dapat mas mabilis. Pangalawa, yung border controls natin, yung immigration, lahat yan, ay dapat palakasin natin. Pangatlo, yung ating mga magulang. Kailangan na rin kasama ang kooperasyon sa ating mga paaralan, bantayan nating mabuti ang mga anak natin at ituro natin sa ating paaralan ang kahalagahan ng pag-iwas sa droga.

...Pinag-uusapan natin ang Sinaloa, galing lang akong Mexico at yun nga yung ating tinatalakay, mga nangyayari sa droga. Yung mga pinagbebentahan ng droga ay ginagamit para sa terrorism activities rin. So parang nanganganak lahat ng mga criminal activities na yan, so kailangan maging handa tayo at palakasin natin ang ating mga batas, payagan natin ang wire-tapping, isa yan sa mga aamyendahan natin, wire-tapping pag-dating sa mga hinihinalang drug traffickers.

Ravelo: Araw-araw may report sa krimen, nabanggit niyo rin po tungkol sa Mexican drug cartel na naka-pasok na raw rito, sumabog pa ang tungkol sa child cyber-sex industry at ibang bansa pa ang tumawag nang atensyon at nagsabi na ganun ka-lala yun problema, Ma'am yung nakaraan nag-briefing si PNP Dir. General Purisima at iba pang PNP Chiefs, may binanggit sila sa inyo na mga fina-follow up nilang kaso, pero hindi po namin maalala na may binanggit sila tungkol sa cyber porn linked to child trafficking, ano po ba iyon Maam, look out? Or di nila napagtutuunan ng pansin? O ano kaya ang problema doon?

Poe: Alam mo kasi at that time, kaya importante ang presence ng media. At that time na nagkaroon ng briefing, lahat ng attention natin nakatuon sa drug cartel na hinihinalang nakapasok sa Pilipinas. Pero napag-usapan din naman namin yun update na nangyari sa Zamboanga, bakit ganun karami ang baril meron ang kabilang partido, anong nangyari sa Cagayan de Oro blast, meron na bang mga suspects, totoo na hindi nabanggit ang child pornography. Pero ongoing problem talaga yan. Kaya yung anti-cybercrime ay napakahalaga, kailangan din natin ng kooperasyon ng mga telecommunications company, at kung yung ating mga batas ay hindi malakas, hindi natin sila mapipilit na mag-cooperate sa ating kapulisan. Humabol dapat ang ating mga batas sa teknolohiya. At hind madali yan, maraming trabaho ang kailangang gawin. Uulitin ko yung tatlong bagay na makakatulong para masugpo ang mga ganyan. Una, dapat taasan ang conviction rate kasi kung wala namang makukulong, walang matatakot. Pangalawa, kailangan yung border control. Pangatlo, yung ating mga magulang. Hindi natin pwedeng i-asa lahat sa ating gobyerno. Sabi nga sa MTRCB, ang tamang gabay ay nag-uumpisa sa bahay.

Ravelo: Ma'am hindi kasi nabanggit sa briefing ni PNP Chief Purisima yung tungkol sa cybersex industry na bata ang mga biktima. Ano yun ma'am, dahil wala sa radar nila, wala sa priority? Hindi ba kailangang may gawin dito? O sila ang hingian ng paliwanag kung bakit?

Poe: Tingnan na lang natin sa kinikilos, hindi ko naman din sila sinisisi pero sa totoo lang ang mga bata ang pinaka-defenseless. Tayo dapat ang makipaglaban para sa kanilang karapatan. Siguro nga medyo napapabayaan dahil agency pa ng England ang tumawag sa ating atensyon. Nakakalungkot din na mismong mga magulang pa ang bumubugaw sa kanilang mga anak dahil sa kahirapan. Ito ay problema ng kultura, ng pamilya, problemang malaki at mabuti naman na sinabi ng Malacanang na ito ay prioridad. Para sa akin ito ay kahindik-hindik na kasalanan sapagkat ang ginagamit dito ay di naman kayang depensahan ang kanilang mga sarili, hindi tulad ng mga nakakatanda, katulad natin. Yun po ang isa sa ating tututukan. Yung cybercrime law natin kailangan nang ma-implementa. Umpisahan na rin sana ang debate para kung may problema sa libel tanggalin na yung probisyon na yan.

Ravelo: May balak po ba kayo magpatawag ng public hearing dito?

Poe: Para sa akin, kailangan muna magbigay ng update dito, kung executive briefing, dapat magbigay ng briefing din sa akin. Kakaumpisa lang ng aking termino bilang public order chair at ang dami talagang problemang sabay-sabay. Para sa akin, kailangan tapos na nag-briefing sa drugs, magkakaroon din ng pagsisira ng mga drugs na nakumpiska nila sa mga darating na araw, kung saan ako'y pupunta rin para ma-witness kung paano nila ginagawa. Sabi nga ng isang mambabatas, kung di ako nagkakamali--si Congresswoman De Jesus, kailangan talagang mag-meeting ang mga committee on welfare of children and women, para kung may mga batas na kulang, kailangan nating gawin para maipasa na agad.

Ravelo: Ma'am last question na po, yung senado sabi po sa mga survey, mababa daw po ang kredibilidad?

Poe: Yun nga ang nakakalungkot. May mga bago sa senado na sa tingin ko ay gusto naming ibangon ang puri nito, katulad ng FOI, kaya ito ang inuuna natin. Makikita na talaga kung ano ba ang transaksyon, ano ba talaga ang ginagawa namin para wala nang duda. At sabi ko nga, siguro binabantayan talaga ako ng tatay ko sapagkat pagpasok ko sa senado wala nang PDAF. So kahit na ano pa man, mabuti nang walang temptasyon dyan. Mabuti ka man o masama ka, wala namang ipagdududa sayo, wala naman talagang dumadaan na pondo. Edi mas maayos at maluwag. Para sa akin sana ay bigyan kami ng pagkakataon na magawa ang aming trabaho dahil yun naman ang intensyon namin.

Ravelo: Sa tingin nyo po ba ay makakabawi pa din ang Senate dun sa former glory nito sabi nga?

Poe: Sa tingin ko ha. Kasi syempre ang Senado ay hindi lang naman binubuo ng iilan iyan, isang buong group ito. Pero kung maipapasa natin ang mga batas na talagang may kahulugan, katulad ng freedom of information, isa na iyan. Siguro naman, sa tingin ko mayroon pang pag-asa. Habang may buhay may pag-asa hindi ba? Sinabi naman natin, mahirap talaga ang estado ngayon, hindi ko masisisi ang ating mga kababayan pero sasabihin ko lang, pakiusap dahil sila naman ay bumoto sa amin, may bagong senador rin sa senado na ang intension naman ay makabawi kahit papaano. Magagawa namin ito syempre kapag ginagawa namin ang trabaho namin. Kaya nga sa lahat ng iniisip namin ngayon, kahit sa aking paglakbay ay kung paano magagawa ang ating trabaho ng tama.

News Latest News Feed