Press Release
January 20, 2014

Transcript of Senator Cynthia Villar's Presscon
on Farmer's Piso-Piso Campaign Versus Smugglers

Villar: Magandang umaga sa inyong lahat, nandito kami, kasama ko ang president ng Confederation of Irrigation Association I Region 1, and of course, and presidente ng Samahan ng Industrika sa Agrikultura, sila ngayon ay may dala sa atin na mga coins, about P55,000. Ito ay gusto nilang gawing isang pondo para reward for witnesses who will come forward to identify smugglers. Sinasabi nila, kung hindi natin mapipigil ang smuggling ng agricultural products sa Pilipinas, then mamamatay din ang ating mga magsasaka. Kaya ang samahan ng mga irrigators, sila ang nagre-raise ng pera para reward sa pag-witness against smuggler. Kaya daw coins kasi yung isang smuggler, si David Tan, ang dating negosyo niya ay nag-smuggle siya ng coins papuntang China. Hindi siya nag-smuggle ng rice to the Philippines. Pinili nilang reward ay coins to emphasize na itong si David Tan na known smuggler ng agricultural products sa Pilipinas ay gusto talaga nilang ma-prosecute.

Q: Bakit tumigil ng pag-smuggle ng coin si Tan?

Villar: Baka wala nang gustong bumili ng coins at baka mas maganda ang mag-smuggle ng agricultural products like rice. Alam mo naman sila, motivated by profitability.

Q: This coming Wednesday, meron na bang mga witnesses na magte-testify?

Villar: Sila, saka iyong Alyansya ng Industriya ng Pilipinas, si Jesus Arranza, maraming magwi-witness, mga private sector.

Q: Until now po dine-deny pa rin ni David Tan na siya si David Bangayan, paano po ito mapapatunayan ng mga witnesses?

Villar: Titingnan natin. Actually, tayo naman sa Committee on Agriculture, mag-iimbita tayo. Wala naman tayong pre-conceived notion kung ano ang magiging committee report natin afterwards pero iimbitahin nating lahat ang sector. Titingnan natin based on statement of witnesses, mga resource person, makaka-deduce naman tayo kung ano ang tama. Nag-subpoena na ang Senado, merong mga pangalan na sinubpoena kasama si David Bangayan. Iyong isang subpoena nakalagay David Tan, ayaw niya tanggapin so bumalik sila sa Senado at pumirma uli kami ni Senate President Drilon ng David Bangayan na lang para tanggapin niya ang subpoena. Iyong isa, iyong Elizabeth Faustino, tinanggap niya, iyong isa ayaw papasukin so ayaw nilang tanggapin iyong David Lim. Iyong isa, iyong Leah Echeveria, missing. Maski noong nag-imbestiga si Sen. Pangilinan the past Congress, missing na iyon hanggang ngayon missing pa rin.

Q: Ilan na po ang na-subpoena?

Villar: Bale ang tumanggap, si Faustino and today, bumalik yung kay David Bangayan.

Q: Itong pondo, hindi lang ito para kay David Tan?

Villar: Para sa mga smugglers. Kasi hindi naman natin pwedeng sabihin, unless proven guilty, hindi naman natin pwedeng sabihin na sya lang ang smuggler. That is why naghe-hearing tayo to prove, to interview witnesses, to interview resource persons at makapag-committee report tayo kung sino talag ang mga smugglers.

Q: Magiging basis natin para mabigyan ng reward iyong mga magte-testify, kung mabigat ba ang kanyang testimony against suspected smugglers?

Villar: Oo, at saka kung mapu-prove in court, di ba?

Q: Pero barya lang iyan, kumpara sa kinikita ng smugglers?

Villar: Pero this is a statement na ang ating mahihirap na magsasaka, malaking bagay sa mga magsasaka ang P55,000. Kaya lang nila ginawang barya iyan para sabihin na hindi lang pag-smuggle ng rice ang ginagawa niya noon, nagi-smuggle pa siya ng coins sa China. Pero sa isang asosasyon ng magsasaka katulad nila Mr. Manalo, malaking bagay ang P55,000.

Q: Is this still counting?

Villar: Yes. Dala nila ito. Talagang gusto nilang ipakita sa tao na sila ay magta-try na labanan ang smuggling ng agricultural products.

Q: Sa panig ng irrigators, inidentify po ba nila na iyong David Tan ay si David Bangayan?

Villar: Hindi, basta sila, ang lahat ng smuggler ng agricultural products, maglalagay sila ng fund as reward sa mga witnesses.

Q: Hindi pa po nila identified?

Villar: We are going to the committee investigation with an open mind kasi pangit naman na pupunta tayo sa imbestigasyon na kumbinsido na tayo. We have to hear what they have to say.

Q: Plano n'yo po bang dagdagan iyong reward?

Villar: Oo, saka nandito si SINAG, magdadagdag iyan.

Rosendo So: Ang SINAG ay tutulong din sa mga irrigators na magkaroon ng fund. Kasi ang smuggling, hindi lang sa rice, yung pork, chicken, and other like onions, ganun din so dapat once and for all, mahinto na ito. Ngayon may mga lumulutang na pangalan, hindi lang isang David. May David Lim din, David Bangayan, so lahat dapat imbitahan. Ang purpose lang naman namin ay mahinto ang smuggling dito sa ating bansa.

Q: Considering na marami na pong investigation na ginawa about smuggling, naniniwala po ba kayo na this time may mangyayari na sa ginagawang effort para matigil ang smuggling?

Rosendo So: Yes, with our Senator, Cynthia Villar, naniniwala kami. Kaya dati hindi kami naga-attend pero ngayon nag-attend kami sa Senate hearing kasi alam naming may mapupuntahan itong hearing na ito.

Villar: Saka gusto ko ring sabihin na, alam mo, kahit walang nangyari noon, we have to continue. Kasi to give up is talagang to give up. Kahit mahirap, we have to continue investigating. Sinabi ko noong iniinterbyu ako, hindi naman ito makukuha sa isang hearing. This will be a succession of hearing. Alam mo naman kapag naghi-hearing tayo, we start at 10 am o 1 pm, we have to stop kasi magse-session ng 3 pm. Kaya I expect na continuing itong hearing na ito, plus, talaga namang meron tayong oversight committee on agriculture, at ang trabaho ng committee ay magbantay. Ang pagbabantay natin, I think is a continuous bantay, hindi pwedeng nagbantay ka ng isang buwan, tapos na. Kailangang lahat ng issues sa agriculture bantayan mo at tumutulong ka para magkaroon ng kalinawan ang issues on agriculture.

Q: Kasama ba sa ipapa-subpoena ninyo si Atty. Argee Guevarra?

Villar: Palagi namin siyang iniimbita, hindi naman siya dumadating. Mukhang ang hilig nya lang kayo, hindi nya hilig ang aming committee.

Q: Dapat yata i-subpoena na sya?

Villar: Baka lalo tayong i-publish nang i-publish pag sinubpoena natin, pero lagi siyang imbitado. Hindi naman siya ang guilty, siya iyong spokesman di ba? Ang sinusubpoena natin, iyung tingin natin may guilt.

Q: Dito sa smuggling, dito sa term ni PNoy, anong year ba naging rampant sa mga data na hawak ninyo?

Rosendo So: Based on record kasi, sa rice ha, kasi maraming commodities ito eh, noong panahon ni GMA, oil ang laki ng smuggling. Sa 2012, malaki iyong rice, ang record ng exporting country 1.5 million metric tons, ang record ng DA ay 600,000 metric tons lang ang pumasok. So ibig sabihin, almost 16 million na kaban na smuggled ang pumasok dito sa ating bansa. Kaya last year, nag-announce tayo na iyong agri committee nakakuha ng record, almost 36 billion ang smuggled agri noong 2012. I think si Presidente, noong SONA, inannounce iyan na dapat mahuli ang mga smuggler.

Villar: Kasi sila, may source sila sa foreign country kung magkano iyong dinala nila dito na rice. Ngayon, may record din ang Customs kung sino ang nagbayad ng tariff. Iyong difference, iyon ang smuggled kasi hindi pumasok sa Customs and yet pinadala ng mga exporting countries like Vietnam and Thailand. Sa record nila, may nawawalang 800,000 metric tons.

Q: Sa laki ng amount na involved dito, pasok ito sa economic sabotage?

Villar: Oo, malaking amount.

Q: Sa hearing sa Wednesday, you are expecting na maa-identify na talaga ang mga rice smugglers?

Villar: At least madinig natin ang mga sinasabi nila, this will be a continuous hearing. I don't think we can really identify sila in the first hearing kasi maraming magsasalita parang preliminary, but it will be continuous. It will be a committee report recommending kung sino ang dapat idemanda for smuggling.

Q: Including protectors nila sa ilang concerned government agency?

Villar: Oo, kung may lalabas na farmers cooperative na nagsasabing kilala daw nila ang protector, kilala nila iyong mga humingi sa kanila. Kasi sila ang nagbibigay minsan ng opportunity. Kasi supposed to be ang magre-recommend kung sino ang pwedeng mag-import ng rice ay mga farmers cooperative so kilala nila ang himingi sa kanila ng endorsement for importation permit at alam nila kung sino iyong nagluko, iyong nag-smuggle at alam din nila kung sino ang kakutsaba sa mga government agency. So baka sakali, ma-pinpoint natin.

News Latest News Feed