Press Release
January 21, 2014

Sen. Grace Poe's dzMM interview with Ted Failon

ON FOI, SMUGGLING

Ted Failon: Kamusta po kayo, Ma'am?

Sen. Grace Poe: Mabuti naman. Kakagaling ko lang ng Mexico para pag-usapan ang mga drug enforcement nila.

Failon: ...Nag-aaway-away na sila doon. Dito naman, nag-aaway-away sa kartel ng bigas...Anon na ho ang parliamentary status ng Freedom of Information bill?

Poe: Ako naman po, malaki ang pag-asa natin na maipapasa natin ito sa first quarter ng taong ito. Ang hiniling ko sa mga kasama natin sa Senado na mag-umpisa ang patuloy na interpellation sa 27. Kasi ang nangyayari po, Sir Ted, sa totoo lang, parang nagiging tingi-tingi iyong interpellation. Today, merong mag-i-interpellate, tapos may mag-pi-privilege speech. Nawawala po yung momentum. Para sa'kin, pinadalhan na namin sila ng abiso bago pa matapos ang sesyon para sa 27, lahat ng magtatanong magpalista na po. Kaya tumatagal ang deliberasyon kasi merong mga hinihintay pa.

Failon: First quarter po ng taong ito, at least in the Senate, ito ay maipasa na?

Poe: Iyon po ang ating goal. Last year pa sana dapat.

Failon: Sa version ng Senado, klaro na po ba ang restrictions or you can't say now dahil may gusto pang magtanong?

Poe: Para sakin klaro na, base na rin sa naipasa na sa 15th Congress. Basically, national security concerns na nabanggit ko na, pag merong investigation ng ongoing criminal activity. Yung trade patents, bargaining position for international policies--mga ganun ang ating exceptions.

Failon: Basically, pag pinag-uusapan ang government contracts, walang puwang para itago sa publiko.

Poe: Wala po, explicitly po, ito ay idinagdag doon sa version ngayon. Pag merong government contract lalo na P50 million and above, in its entirety, kailangang naka-upload sa website ng government institutions. Pero kapag less than P50 million, kung merong overriding national interest, kailangang isiwalat lahat ng tungkol dito sa negosasyong ito.

Failon: Ma'am before noon pong budget deliberations for 2014 if you remember, I told you about sa usapin ng kontrata ng rice importation sa Agriculture department. Kung talagang transparent ang gobyerno na ito, di mo na kailangan ng FOI, pwede mo na hingiin yun. Meron po ba tayong updates dito?

Poe: Kasama po talaga sa FOI, lahat po ng nilalatag ng Department of Agriculture na budget expenditures pati bidding process. Kasama sa FOI regulation na dapat naka-upload. (Sa ngayon kasi) hindi nilalagay ang bidders until matapos ang actual bidding. Ngayon, nakita natin na pati sa clean up sa oil spill sa Iloilo, yung mga kumpanya na nag-bid parang sobrang under capitalized. Isa din yun na kung ilalagay ang bid, sinong kumpanya ang nag-bi-bid. Pwede nang imbestigahan ng concerned citizens ahead of time kung ito'y lehitimong kumpanya. Tungkol po sa rice cartel, may nakausap tayo tungkol diyan. Lahat po ng ongoing concerns pati nag-iimport ng sibuyas, nag-iimport ng bawang, lahat po iyan. Nag-atttend po tayo hearing ng Agricultural committee, kasama ni Senator Villar, may concerns po talaga. Kaya nga ang, FOI di man kasagutan sa lahat, marami po sanang mas maisasaayos kung ito'y maipapasa.

Failon: On Wednesday, bilang tinig namin, baka pwede po kayo na huminging i-sapubliko ng BFA at Agriculture department lahat ng binigyan ng import permit na kooperatiba. Napakalaking bagay na malaman kug ilan ho talagang rice importation na may permiso at sinu-sino nakakakuha?

Poe: ...Isa po sa talagang concern pati patuloy na smuggling.

Failon: Kaya ho kami ay interesdo talaga. Nag-guest si Mayor Bistek hinggil sa kontratang pinasok ng Quezon City government sa basura. Sabi ni mayor, di na kailangan kasi government, dapat yan transparent. Pag ho ito ay naipasa na, di ho ba karapatan ng taumbayan na makita ang kontrata sa garbage collection para malaman namin san kayo nanggagaling?

Poe: Sa ngayon ho pag humingi kayo tapos hindi binigay, wala namang kaparusahan yan. Pero ngayon (pag naipasa ang FOI) pag hiningi mo lahat ng impormasyon na yan, aandar ang oras at kailangan within 15 calendar days meron silang maibigay na kasagutan. Kung di naman, pwede mong sampahan ng kaso. Yan pwede natin isaayos sana kung maipasa sana. Di lang sa Senado, mag-lobby din sa Kongreso.

Failon: Hinihingi po ang listahan sa gobyerno ng NGOs, hinihingi ng grupong magbubukid noon pa kay Kalihim Alcala sa editorial ng PDI noong Sept 29, 2013. Hinihingi po ang listahan ng mga NGOs na idinaan sa Bureau under agriculture department. Sagot ni Alcala, ito ay classified. Bilang champion ng transparency, sana ito ay maisapubliko.

Poe: Kakausapin natin sya. Ngayon nga hingin mo yan, di ibigay sayo, wala kang liability. Tama kayo dyan, ito na unang sandata natin.

News Latest News Feed